Kabanata 2 - SHANARA HOUSE OF BEAUTY FOR MEN & WOMEN - Ang Kuta ng Tunay na Liga ng Kagandahan!!!
Ating suriin ang mga tala sa pansariling taludturan na akda ni KIRK:
-=-=-=-=-=-
November 2, 2005
Dear diary,
Warla! Ayun lang ang ma-chichika ko! After 6 years, nabuo ulit kami. Pero instead na kodak moments - okrayan ditangchi at okrayan duonchi ang eksena ... kung sa isang tumpok ng okra ay kikita akey ng 10 pluks, may 100 kyaw na dapat akembang kagabu!
Buti nalang siguro naging pipi ako kaya hindi ako naka-join sa War of the Garls. Gustuhin ko man e si MELCH lang ang marunong mag sign language sa mga veykla kaya wa ding sense makigulo dahil ookrayin ko pa ba ang kaisa-isa kong nakakatalakathon?!
Sabagay, hindi din siguro maaalis na medyo hindi kami magkakasundo-sundo agad dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagka-chikahan ng fatale. Lahat naman kasi ng mga veykla eh naging bisi-bisihan.
Si ART ay maagang pinamanahan ng negosyo ng munjabi and tubaki n'ya. Bukod dun eh hindi din nakakalabas ang baklang bakulaw pag gabu dahil strict to the highest level ang jowa n'yang pinaglihi sa sama ng ugali.
Si KAYCEE naman eh nag-aaral daw sa Manila, na hindi ko pinapanaligan dahil forever and a day ko s'yang na sa-sight ditangchi sa Mabayuhan na kinakabog si Ralyon Alonso sa pag "Join sa Rampa".
Si JESSIE naman ay seaman na - or seaGAY kung magiging technical tayo. Hindi din namin alam, pero bigla nalang umiskerda ang bading at na learn nalang namin na s'ya na ang nagsasagwan ng Amistad. Tulad ng walang paalam n'yang pag-alis, wala ding warning si bakla sa panggulat na nandito na s'ya ulit sa Pilipinas with all his Victoria Secret Garden collognes and make-up na pinamigay sa mga veyklores ...
Sa kanilang apat, si MELCH lang ang lagi kong nakakasama lately. Ang nakakatouch kay bakla, pag wa s'yang eksena sa Manila, umaatak s'ya dito sa Mabayuhan para makipag chikahan. Bukod dun eh ineffort din ni baklang matuto ng slight sign language para magkausap kami. Si MELCH din ang pinaka-happy ang workikay dahil pagka-shigbak n'ya sa call center eh ginetchiwariwap sya ng uncle n'yang direktor para sa mga raket. Ang taray taray na nga ni bakla dahil puro sikat na artista ang nakakasama n'ya, tulad nina Angelica Jones, Ynez Veneracion at ang idolo kong si Champaigne Morales.
At ako naman, eh nag mamanage ng isang branch ng gown shop ng munjax ko. Nag ooperate na s'ya pero may grand launching pa kami 3 weeks mula sa ngayon. Ang pangalan ng shop ko is "Ronsobee's Gowns for All Seasons" sa taas ng Natasha Retail Store, tapat ng rebulto ng pugot na ulo ni Apo Bayuhan (ang founder ng Mabayuhan according sa lola belles ko).
Pagkakyopos mashorgod nina MELCH at ART sa pag-wa-warlahan, eh pinagtulungan naming hatakin pauwi si KAYCEE dahil ginawang smorgasbord ni veykla ang mga lapsiloriat sa lamay. "Forever's Not Enough" yata ang motto ni Gwagwa Pampanga pagdating sa laps. Habang hinahatid ko ang mga baklang binuro sa Datu Puti (dahil ang asim nila), eh napagkasunduan nilang aatak kami kinabukasan (bale unyabelles na yun) sa parlor ni AYIE dahil baka mapamanahan pa kami ng "essentials" ... tulad ng foundation, blush-on, plantsa ng buhok, eyelash curler at ang pinakaimportante sa lahat: concealer.
In fairness, nakakaloka ang pagka-tigi ni AYIE. Kag shornong si KAYCEE sa angkeloyds n'yang si CAPT. DOMENG kung shoket na shigbak si bakla pero ang talak lang daw ay "special & highly classified circumstance" daw.
SSAAAABBBEEEEE?!
Pero ang chuva naman ni MELCH eh baka shinigok ng kolbam na in-O-P-M (Oh Promise Me) n'ya ng daks na pay pero wit jinoyaran, malamang daw kasi eh bloody mary ang naganap kyohil kyorado ang kabaong ever ni Becky Aguila sa lamay.
Hanggang ditangchi muna dahil anditik na si Papa Jerry. At pagkakyopos ng laps na dala n'ya eh aatak pa ako ng parlor ni AYIE. Happy si JERRY dahil sinusulatan na kita, syempre bigay ka sa'kin ng labiduds-patootskie ko kaya love na rin kita! ETCHOS!
----------
November 3, 2005
Dear Diary,
First day ng training namin ngayonchi! Kakatapos lang ng Costume design para sa amin at naliligo pa ang mga veykla bago kami mag dinner. Alam kong hindi maniniwala kaver-mae sa kaganapan kagavu. Eto ang chika ...
Dahil akey lang ang may karumbang nagagamit ngayun, ako na ang sumundo sa mga bakla (laging nasa jowa ni ART ang sa kanya at yung kay KAYCEE naman eh hindi pinapagamit sa kanya ng munjax n'ya dahil naka temporary restraining order ang bakla sa allowance at kung anik anik pa habang naka "bakasyon").
As expected, okrayan pa rin ang eksena nina ART at MELCH. Ang next stop ay si KAYCEE na sinundo namin sa station ng Jun Pulistiko dahil ka joint n'ya ang Uncle Domeng n'ya at pinipilit n'ya pang gumetchus sa kaban ng chismis ng bayan kung ano talaga ang kinamatay ni AYIE. Nung shinornong namin kung may bagong chismis eh wa daw s'yang nagetchus.
Nung sinundo na namin si JESSIE eh tahimik na sina ART at MELCH dahil siguro nakyorbos na ang lahat ng keri nila italak. Si KAYCEE eh super borlog dahil s'ya daw ang nagbantay nung comedy bar nila pagka-kyopos nung lamay ni AYIE. So ang bumangka nalang eh si JESSIE.
Naloka kami dahil si baklang ulyanin pa ang nakatanda ng isa sa pinakaimportanteng date sa buhay naming lima -
"Girls, I forgot to greet y'all yesterday! HAPPY ANNIVERSARY!!"
Oh shit na kasing lagkit ng sundot-kulangot from baguio! Sa sobrang excited namin sa eksena sa lamay eh nalimutan naming lahat na ang anniv nga pala ng friendship namin eh t'wing Nov. 1!!!
Para mapaigsi ang chismis, flashback tayo ng slight: sa Memorial Park din kami nabuo sa Pistang Patay 9 years ago. Friend ni AYIE si JESSIE dahil nagkalaban sila sa isang dance competition. Ako naman eh friend ni JESSIE dahil naging magkaklase kami sa Manila. Si MELCH naman eh kaklase ni AYIE nung high school dito sa Mabayuhan. At si KAYCEE naman eh friend ni MELCH na nakilala n'ya sa gimik sa Malar. So in short, nagkita-kita kami sa Memorial Park at pagkatapos ng apat na oras ng 1-2-3-Pass session sa ibabaw ng puntod ng punjax ni KAYCEE eh naging super friends na kami. Si ART eh nadagdag nalang the next year dahil sinama naman s'ya nung isa pa naming friend na si ARDEN (na nasa Canada na ngayun) sa Dance Celeb ng La Salle dahil sasayaw nun si JESSIE kaya watch kami. Since nalaman namin na tiga-Mabayuhan din ang baklang version ni Hagrid eh joint na rin s'ya ng joint sa'min simula n'un. Keri? Keri!
Nung nag-uusap usap na sila tungkol sa mga dati naming mga eksena bilang mga kolehiyala eh parang lalong lumungkot ang mga baklita.
Siguro dahil na miss namin bigla si AYIE. O kaya, siguro dahil naalala namin kung gaano kami kasaya pag magkakasama dati na parang hindi na namin ma-achieve ngayon. Pero sa tingin ko eh nanahimik sila dahil naalala namin na normal kami dati (lagi naman kasi akong tahimik - parang may choice ako davah?!).
Naalala siguro namin nung
... si ART eh nakakakita pa ...
... si KAYCEE nakakadinig pa ...
... si MELCH nakakaramdam pa ...
... si JESSIE e nakaka-amoy pa ...
... at ako naman ay nakakalasa pa ng pagkain at nakakapagsalita.
Tahimik lahat ng bakla hangang nung dumating na kami sa parlor ni AYIE.
"Ang taray ng parlor ni bakla ha - 'Shanara House of Beauty for Men & Women'! Nasaan ang bakas ng beauty sa dating may-ari?"
Sabay tawa ala Celia Rodriguez!
Nakahinga na ako nu'n ng normal dahil nasa daot mode na ulit si MELCH, so ibig sabihin eh back to normal na ulit ang bakla.
"Kelan mo ba titigilan si AYIE? Patay na nga yung tao ginaganyan mo pa!" naman ang talak ni ART - ang leader ng Gabriela sa pagiging moralista.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganun nalang ka warla si baklang MELCH. After 2 years kasi nung legendary 1-2-3 Pass session namin sa sementeryo eh nanalo si AYIE sa lotto. Naloka kami dahil ang chika n'ya eh ililibre n'ya daw kaming lahat sa plastic surgery. Nahappy naman ang mga veyla dahil sa EBAC (Efren's Benevolent Aesthetic Companies) daw n'ya kami dadalhin. Syempre go nalang kami ng go dahil once in a lifetime lang malibre ang isang baklita sa mga ganitong eksena at sa EBAC pa yun!
Lahat ng mga sikat na artista eh dyan nag papa-chug tulad nina Cristy Fermin, Jeane Saburit, Claire dela Fuente, Madame Auring, Dyna Dominguez at syempre, ang anak n'ya na idolo kong si Champaigne Morales.
Ang hindi namin alam eh isusumpa pala namin habang-buhay ang pag-yes namin sa offer ni AYIE.
Lahat ng pinaayos namin eh na-warla: si ART kasi nagpatanggal ng eye-bags, si JESSIE naman eh nagpa-nose lift, si MELCH, nagpa-botox sa fezlak for less "laugh lines", ako naman eh nagpalagay ng collagen sa lips at si KAYCEE eh nagpabutas lang ng tenga dahil naniniwala s'yang kasalanan na daw pag lalo pa s'yang gumanda.
The rest, as they say, is history.
Naging samahan na kami ng mga baklang handicapped!
Ang nakakaloka pa dito eh hindi naman namin mademanda ang EBAC dahil yung sobrang liit palang border dun sa waiver na pinirmahan namin bago kalkalin ang mga pez namin eh hindi border lines - mga sulat pala yun sa napaka jutes na font na hindi namin sila pwedeng idemanda pag may masamang maganap or pag nashikbak kame - during at pagkakyopos ng operation!
Kaloka davah?!
First time namin pumasok sa loob ng parlor ni AYIE. Nabili n'ya kasi yun nung pagkatapos ng nachika kong operation. After kasi nung naganap samin eh nag-iwasan na ang mga bakla, once in a fuchsia moon nalang kami nagkikita (pwera lang si ART dahil bulag nga s'ya kaya hindi n'ya talaga kami makikita).
Pagpasok namin sa parlor eh may 7 na shor-o: yung apat na baklang naka mini-skirt nung burol ni AYIE nung isang gabi, si EFREN at ang assistant n'yang si CARMELO tapos yung super byolang abugado na si ATTY. ALVIN FORTUNE.
Pinaupo kami ni EFREN sa mga bakanteng upuan at inutusan yung mga baklang naka mini-skirt na i-foot spa at hot-oil kami habang binabasahan ni ATTY ALVIN.
In fairness, ayun pa rin ang suot nila nung nakita namin sila sa burol: mga matching na kulay na tube, mini-skirt, slip-on na istileto, plastik na mga bangles at mala-hula-hoops na hikaw na ikaka-inggit ni Jennelyn Mercado.
Yung naka all red daw ay si BOOBA, yung naka all blue ay si CHANEL, yung naka all green ay si DAWN at yung naka all yelllow naman ay si SCHAT.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga tinalak ni ATTY dahil ang kyorapsa magtanggal ng in-grown na kuko ni BOOBA. Nahimasmasan nalang ako nung narinig ko si JESSIE na sinabing: "Ano namang kondisyon yan? We won't be doing any illegal stuff just to get a few bucks in our pockets!" Miss International?
Na getchus ko nalang na ipinamana pala samin ni AYIE ang buong parlor n'ya pero may Pantene Pro-V Conditioner!
Ang churva ni ATTY eh si EFREN daw ang mag e-explain.
Nung tumalak na si EFREN eh super borwanan sina JESSIE at MELCH, si ART naman eh nag-iisip ng malalim habang mas malalim naman ang tulog ni KAYCEE habang minamasahe ang paa n'ya ni DAWN.
Bakit sila nagtawanan? Ang chika kasi ni EFREN eh alien daw s'ya na galing sa planetang "Shanara"!
Kaloka davah?
At ang churva pa n'ya eh mga Shanara descendants daw kame.
Mas kaloka davah?
At eto pa! Dahil daw duon eh obligado kaming ituloy ang eksena ng lahi namin sa pakikipag-warlahan sa other aliens.
Pinaka-nakakaloka davah?
Sa point na 'to eh hindi na tumatawa si MELCH ... warla na s'ya to the Nth degree! Ang naintindihan ko nalang na spluk ni bakla eh "Ginawa mo kaming mga inutil pero hindi kami mga tanga! Hindi kami mga baboy! Tao kami! Tao!" - Ate Guy are you there?
Chinika ni EFREN na medyo ilayo daw s'ya ni CARMELO. Nalimutan ko pala sabihin na si lola EFREN mo kasi eh paralyzed from the neck down kaya foerver s'ya on wheels at forever n'ya din kajoint si CARMELO.
Kaloka si becky davah?
Nung medyo malayo na s'ya, biglang sumigaw ang lola mo ng "Shanara-la-ra in the afternoon!".
Take note, mas mataas pa ang register ng boses n'ya kay Sheryn Regis!
Pagkakyorpos n'yang sumigaw eh super nagsisigaw sina MELCH at JESSIE na parang nakita nilang sinasagasaan ng pison ang idolo kong si Champaigne Morales ...
-=-=-=-=-=-
... Itutuloy...
Ano ang nangyari kay EFREN? Bakit nagsisigaw sina MELCH at JESSIE? Totoo kaya ang mga sinabi sa kanila ni EFREN tungkol sa kan'yang tunay na katauhan o sadyang nasisiraan lang siya ng sariling bait? Hanggang sa susunod na: SHANARA-LA-RA!!!
Labels: Kabanata
← bumalik sa punong pahina