Sunday, January 22, 2006

Kabanata 3 - LAKBAY - Ang maalindog na Reyna ng Shanara



Ang Nakaraan: Matapos ng anim na taon ay muling nabuo ang samahan nina ART, JESSIE, KAYCEE, KIRK at MELCH. Sa burol ng kanilang matalik na kaibigan ay nakatanggap sila ng isang paanyaya na magtungo sa parlor na naiwan nito, mula sa isang kakaibang nilalang na si EFREN. Ayun sa hakag ay bibigyan sila ng pamana. Lingid sa kanilang kaalaman ay ang mga "pamanang" ito ang magbabago sa takbo ng kanilang nakagisnang mga buhay.


Ating balikan ang magigiting na mga mandirigmang magliligtas sa sangkatauhan ...


(Mula sa pansariling taludturan ni KIRK, Nobyembre 2, 2005)


-=-=-=-=-=-


Nung medyo malayo na s'ya, biglang sumigaw ang lola mo ng "SHANARA-LA-RA IN THE AFTERNOON!!!".


Take note, mas mataas pa ang register ng boses n'ya kay Sheryn Regis!


Pagkakyorpos nyang sumigaw eh super nagtitili at naghuhumiyaw sina MELCH at JESSIE na parang nakita nilang sinasagasaan ng pison ang idolo kong si Champaigne Morales.


Habang nagaganap 'to eh super pinigilan kami ng apat na baklang nakamini-skirt na makagalaw (except for KAYCEE dahil borlog pa rin si futa sa gitna ng mga nakakalokang exena).


Super sigaw din si ART kung ano daw ang nangyayari.


Super nagtititili ang mga bakla dahil nung pagsigaw ni EFREN eh parang bigla s'yang sumabog tapos may mga butterflies na super liwanag na pinalibutan s'ya. Kasabay nito eh may biglang tumugtog na music na super lakas (bridge ng kanta na "I Like You" ni Geneva Cruz na naging theme song dati ng Swatch. Yung part na "Pa-paru-paru Pa-paru-paru I Like You") . Kyorpus nun eh biglang scatter the butterflies at super fast din biglang nawala ang mga faru-faro then tumigil 'yung background music!


Super ang transformation davah?! Kinabog ang combined forces ng Bio(t)men!


Ang mas nakakaloka pa to the maximum level eh kung ano ang nangyari kay EFREN! Naging babae s'ya with the following specifications:



  1. Nagkaron s'ya ng daks na bubels na isusulok si Maui Taylor!
  2. Walang iris ang mata ng lola so all-white ang drama ng eyes n'ya!
  3. Ang outfit n'ya eh shinning-shimmering-splendid na silver version nung garl sa 5th element, pero ang pinagkaiba eh may mga parang Christmas balls na nakadit all over!
  4. Match sa outfit ni becky ang hair n'ya dahil layered na platinum blonde ang buhok ni bakla! Feeling ko isang malaking check ang hairstyle nya. Hindi kasi masyadog Nivea Visage for Oily Skin ang hair n'ya kasi shinokpan ng silver na helmet na may jutes na mic kaya nagmukha s'yang either mag coconcert oh futuristic version ng mga call-center girls! Ang na sasight lang kasi eh ang silver na tendrils sa batok n'ya pero fabulous pa rin!
  5. Ang haba ng kuko ni bakla at take note! Silver din ang nail polish! Nagparadam si Mystica.
  6. Nagkaron siya ng jutes na pakpak na silver din. Kaso ang chaka ng effect kasi mukha s'yang binili lang sa Divisoria dahil ang liit na nga, wittels pa gumagalaw.
  7. Ang pinakanakaka-tumbling sa lahat: konting nipis pa, sinulid na ang tumatakip sa wetpaks at sa kaselanan ng lola! Promising! 2 milimeters nalang eh mag he-hello na si Kipchie Nadal!
  8. At eto pa! Aside from the Japan/Mulawin outfit, parang multo ang veykla dahil lumulutang s'ya! S'ya yata ang nag-insipire sa song na "Multong Bakla"!

Kaloka ang bekbek davah?!


Kyopus nun, tumalak na s'ya na ang pangalan nya daw sa tunay na form n'ya is LAKBAY! S'ya daw ang "Majestrix" ng "Shanara Inter-galactic Agency" kung ano man iyon e kebs ko na basta ayun ang chinika n'ya.


Tumalak nanaman si ART. Ang chika n'ya eh kung shoshonggapin daw namin ang offer ng lola LAKBAY eh pano daw ang normal life namin. Singit naman si MELCH na shoket pa daw kami kajoint eh present tense naman na daw sina DARNA, CAPTAIN BARBEL, ZSAZSA ZATURNA, KRYSTALA, MULAWIN, LASTIKMAN & DYESEBEL. At singit din si JESSIE na baka mashigbak daw kami at baka daw walang libreng coverage ng insurance!


Ang chuva naman ni LAKBAY eh side-line lang daw ang eksena namin at boborwagin nalang daw n'ya kami t'wing kailangan n'ya kamoti!


Ang chika n'ya naman sa tanong ni MELCH eh yung mga sinabi n'ya daw na mga heroes eh sa Manila lahat nagcoconcentrate (bukod kay DYESEBEL dahil sa Laguna de Bay daw 'yun ume-area). Aside from that, chinika din ni LAKBAY na hindi daw sila lumalaban sa mga aliens dahil hanggang sa mga maligno, engkanto at terorista lang ang keri nila. Ibang level daw ang alien wars!


At ang sagot ng lola mong "hubadera ng taon" kay JESSIE? "May chance!"


Ang casual wear chumika ni LAKBAY na may chance kami ma-shigok ara. Kalokah davah?


Biglang lumapit si CARMELO sa'min and give s'ya ng tig-dadalawang pills each. Isang pink saka isang light blue. Ang chika ni LAKBAY sa'min eh kag drink daw namin yung pink kung bet namin ang offer. Pag nilatuk daw namin yung light blue e makakalimutan namin lahat ng naganap simula nung kyomosok kami sa parlor. Ang najisip ko kagad e "The Matrix is that you?"


Biglang shumulak si LAKBAY na Shanarian daw ang scriptwritter ng "The Matrix". Ang chismis pa eh nagpaalam naman daw yung writter kung pwedeng gamitin sa mubang ang recruitment procedure nila, sabay smile sakin (feel ko lang sakin s'ya nag ikmayl dahil puti nga ang mata ni bek-bek kaya mahirap ma nose-line kung kaninik s'ya naka-shingin ara)!


Una ang akala ko eh crush yata ako ni bakery, o kaya lesbiana s'ya on the loose na "kapwa ko mahal ko"! Pero na jisip ko .. But no!!! My grand-mama is a telepath!!!


Nabasa n'ya ang jiniisip keyztergate!


Vinersa din ni bakla na na-offer din daw ang mga tatay, lolo, at mga lolo namin sa tuhod na lumaban para sa Shanara pero yawgey nila ng concept at bukod dun eh hindi daw keri dahil mahina ang Shanarian blood na dumadaloy sa kanila! Kaya ang ending daw eh sinungal-ngal sa kanila ang light blue na pildora! After n'ya 'to i-spluk eh lumapit sa kanya yung ibang nasa loob ng parlor.


Humawak sila sa iba't ibang bahagi ng kyotawan ni LAKBAY: si BOOBA eh humawak sa kanang kamay, si CHANEL sa kaliwang kamay, si DAWN sa kanang boobs, si SCHAT sa kaliwang boobs, si CARMELO sa kanang pigi ng wetpaks at si ATTY ALVIN e kaliwang pigi. (How I wish akembang-bang-ketumbang-nalang ang jinuwakan ni ATTY sa wetpaks!)


Sabi ni LAKBAY eh iiwan n'ya daw kami para mag-isip.


Nagtanong nanaman si ART: kung Shanarian din daw si AYIE at kung mawawala daw ang mga "sakit" namin kapag tinanggap namin ang offer.


At ano ang sagot ni bakla?


"Oo at hindi."


Ang taray sumagot ni bakla davah? Gay of few words ang drama!


Pagkatapos nun eh biglang sumigaw nanaman ang lola mo! This time ang tinili naman n'ya eh "SHANARA-PORTATION! NGAYUN DIN!!!". Tumugtog nanaman kung s'an man galing 'yung song ni Geneva Cruz (pa-paru-paru pa-paru-paru I like you!) at naglabasan nanaman yung mga butterflies at tinakpan sila, tapos disappear another ang butterflies, and surprise ... wala na din sila and stop din ang music!


Nagkyornong si ART kung wa na daw 'yung mga utaw. Ang churva ni MELCH eh alam n'ya na daw ang jinijisip ni ART at hindi daw sya ju-joint! (Telepath din kaya si futa?)


Si JESSIE naman eh hindi daw keri kahit gusto n'ya dahil kailangan n'ya daw bumalik sa barko dahil s'ya ang nag pe-pay ng bahay nila na naka-mortgage sa bangko.


Nung shinornong ako ni ART eh chinika ko kay MELCH na i-chuva kay ART na joint akey! Kumunot ang nuo ni baklang MELCH pero chinika n'ya parin kay ART ang pinasabi ko.


Bebang naman ni ART kay JESSIE, sa kanya nalang daw ang kikitahin ng parlor if ever jujoint s'ya dahil lahat daw kami eh may sariling mga negosyo na kaya hindi na namin kailangan nung parlor. Aside dun e chinika ko kay MELCH na i-versa kay JESSIE na kung bet n'ya eh papajutangin namin s'ya ni ART kung mag short man s'ya sa pang pay ng baler nila!


Ang chika naman ni bakla e kilala naman daw namin s'ya na nde n'ya keri yun at bet n'yang s'ya ang gagawa ng paraan dahil yawgey n'ya daw ng parang naglilimos s'ya. Chinika din ni JESSIE na pano daw si MELCH eh wala ding permanent work ang lola mong mowhawk ang buhok!


Ang chika naman ni MELCH eh kebs daw sya sa kita ng parlor.


Esep-esep ng slight si JESSIE tapos eh tumango s'ya sabay chika ng "Count me in".


Nu'ng keri na ni JESSIE eh keri na rin ni MELCH dahil kung ju-joint daw ang all eh joint na rin s'ya.


Biglang nag-iba ang pez ni JESSIE at ang talak naman ni bekbek eh baka may lason daw yung pills!


As usual e inaatake ng "nega" mode si bakla. Lahat kasi ng bagay eh may nakikitang nega 'tong baklang 'to. Welcome to the coronation night of "Miss Paranoia 2005!"


Ang chika ni MELCH eh may solution daw sya.


Lumapit si MELCH kay KAYCEE na super borlog pa rin at inuga nya to the tune of intensity 8 para magising. Nung dumilat si KAYCEE after 48 years eh pina-inom ni MELCH yung pink na pill at chinika kay KAYCEE na nakalimutan n'ya daw na jinumin ang vitamins n'ya. Dahil siguro nabiglaanan din si baklang KAYCEE eh swallow naman yung lola mo, at talak na gisingin daw s'ya pag lalaps na kami, sabay borlog ulit.


Wait kami ng mga 5 minutes for the postman.


Nung wala namang kombulsyon at pagbula ng bibig na nagaganap kay KAYCEE - drink na rin kame!


Tumugtog nanaman ang song ni Geneva at naglabasan nanaman ang butterflies! Enter the bold star - LAKBAY!!


Habang tumatalak nanaman si LAKBAY eh du'n ko lang napansin na witels pa rin gumagalaw ang katawan n'ya. Medyo hindi ko naintindihan another yung mga una n'yang sinabi. Ang nagetchus ko nalang eh nung inoperahan daw kami eh nilagyan n'ya kami ng "cybernetic" chuchu enhancements at yung pink pills eh may laman daw na special enzymes para pagginawa na daw ang final adjustment sa bortawan namin para lumabas ang hidden Shanarian powers namin eh wit kami matiwang sa "terran genome replacement proccess". Kung anik man ang jibig sabihin nito, wit ko rin learn!


Ang chika n'ya rin eh yung mga handicap daw namin eh lalabas naman daw eventually kahit hindi kami na-operahan. Ang versa n'ya eh lahat daw ng mga may malakas na Shanarian na dugo eh may lumalabas na handicap pagtanda at nagkataon lang dawchi na lumabas yung sa'min right after ng "operation ganda".


Ask nanaman ang lola ART kung ano daw ang kinamatay ni AYIE. Ang churva naman ni LAKBAY eh may shumigok daw kay AYIE para kunin ang "HIYAS" n'ya.


Antaray davah?


Nabasa nanaman siguro ni LAKBAY na ang iniisip ko eh kinyogal ang jun-jun ni AYIE. Ang versa n'ya eh ma-learn daw namin ang tungol sa mga "hiyas" pag-atak namin sa training. Give daw s'ya ng more details tungkol kay AYIE after ng training na 'yun.


Tumbling kaming lahat sa kahihiyan sa tinanong ni JESSIE! Ask s'ya kung anong training at kung may pay daw ba? Chika ni bakla (na walang halong kaba) eh baka istafadora daw si LAKBAY!!!


Ang churva lang ni LAKBAY eh Liberty Condensada daw at kinabukasan yung start! (Bale ngayunchi yun).


Nung nag-keri na kami eh sumigaw nanaman si LAKBAY ng "SHANARA-LA-RA"! After nun e sumabog nanaman s'ya and mega atak nanaman ang mga maeksenang butterflies! Nung nawala na ulit yung mga paru-parong psychedelic, eh nakita na ulit namin si EFREN in his wheelchair.


Ang chika n'ya eh balik ara daw kami sa parlor ng 5 am at magdala daw kami ng outfit for 7 days!


On the road na kami pauwi nung na-alala namin na najiwan ara namin si baklang KAYCEE. So binalikan namin si baklang may insomia at ginising namin s'ya from his eternal beauty rest para sumakay na sa karumba.


Sa loob ng karumba, si JESSIE eh super dutdot ng computations n'ya sa pagbayad ng baler sa O2 XDA II Mini n'ya habang inexplain kay KAYCEE nina ART & MELCH ang everythang pero deadma lang si bakla at nagyaya muna s'yang lumaps bago jumuwi dahil matetegi na daw sya sa tomi!


Speaking of laps ... Ayun ang chika! kami nga pala ni MELCH ang magkajoint dito sa kwarto at nagyayaya na s'yang pumunta sa Cafeteria para lumaps! Baka daw maabutan pa namin yung byolang Italyanong epileptik na si MIKAL. Ipapakilala n'ya daw akey! More chismis later!


-=-=-=-=-=-


... itutuloy ...


Sa mga susunod na kabanata: Saan magaganap ang training? Sino ang mga aliens na sinabi ni LAKBAY na kalaban ng lahi ng SHANARA? Ano ang HIYAS at bakit pinatay si AYIE dahil dito? Ano ang mga angking kapangyarihan nina ART,MELCH, KIRK, JESSIE at KAYCEE? At bakit andami ko nanamang tanong??? Kita-kits hanggang sa susunod na: SHANARA-LA-RA (clap-clap-clap)!!!


Labels:


mga bagong chismis