Thursday, February 23, 2006

Kabanata 6 - Ang Baklita at ang Kanyang Ginintuang Arinola



ANG NAKARAAN: Abala sa pagsasanay ang ating mga bagong tigapagligtas sa dalubhasaan ng Shanara Inter-Galactic Agency. Sa kanilang ikatlong araw ay nawasak ang kapayapaan ng gabi nang mayroong biglaang sumabog sa loob ng gusali. Nagmadaling nagtungo sa pinanggalingan ng malakas na pagsabog ang ating mga bida at ang bago nilang "kaibigan" na isang Italyanong epileptik na ramp model. Atin silang balikan ...


-=-=-=-=-


Nagising si KAYCEE dahil sa garalgal ng kanyang sikmura.


Ang una niyang naisip? "O my gosh, I think I'm kinda hungry."


Matapos tumayo ay hinanap niya agad ang pinakamalapit na salamin mula sa kanyang hinigaan. Limang minuto ang kanyang iginugol sa pag-e-ensayo kung aling uri ng ngiti ang kanyang gagamitin sa gabing ito. Matapos makapili kung saang anggulo mas kapansin-pansin ang kanyang bagong kabit na braces ay napuna niyang wala ang kanyang mga kaibigan sa loob ng silid.


Nagtungo siya sa kasilyas upang tignan kung naruroon sila. Minarapat niya na ring sagutin ang tawag ng kalikasan sapagkat wala namang tao sa loob ng palikuran. Sa kanyang paglabas ay nagulat nalamang siya na mayroong ibang tao sa loob ng silid-tulugan ng kanyang dalawang kaibigan. Natagpuan niya ang pinuno ng kanilang lahi ... si LAKBAY.


[LAKBAY:] Kinakailangan kang pumunta sa clinic. Nan'don ang mga kaibigan mo.


Pitong taon na ang nakalipas mula ng huli siyang nakarinig ng tinig ng ibang tao. Pitong taon na rin ang nakalipas ng huli siyang nakarinig ng huni ng ibon, ng patak ng ulan, ng busina ng mga sasakyang humaharurot sa kalsada, ng pagwasiwas ng mga dahon sa puno ... ng mga remix ng awit ni Madonna.


Sa unang pagkakataon ay nabasag ang pitong taon na ganap na katahimikang bumabalot sa kanyang mundo.


KAYCEE: O my gosh! How did you do that? I think I kinda heard your voice in my head.


[LAKBAY:] Hindi na importante 'yon. Huwag mo na ring i-effort magsalita dahil hindi kita masyadong maintindihan. Isipin mo nalang ang gusto mong sabihin sa'ken at maririnig na kita. Lumapit ka, dadalhin kita sa kanila.


Lumapit si KAYCEE kay LAKBAY ngunit hindi niya alam ang kanyang gagawin.


[LAKBAY:] Hawakan mo kahit anong part ng katawan ko.


KAYCEE: Warla! You're bastos ha!


[LAKBAY:] Kailangan magkadikit ang balat natin para pag nag-teleport ako e masama kita.


KAYCEE: Karibelles!


Humawak si KAYCEE sa kanang pigi ng puwet ni LAKBAY.


[LAKBAY:] Shanara-portation in 5 ... 4 ...


KAYCEE: Mother! True pala ang mga gossip! Forever floating ka daw saka kaloka daw ang costume mo ... very minimalistic.


[LAKBAY:] ... 3 ...


KAYCEE: Will this teleportation stuff hurt? Kasi my skin is really sensitive e.


[LAKBAY:] You'll get hurt if you don't shut up! Tandaan mo, ako ang reyna hindi ikaw! Alamin mo ang hangganan ng katabilan ng dila mo! ... 2 ...


KAYCEE: Ok, sorry PO! [Bitch!]


[LAKBAY:] I can read your thoughts ... BITCH! .. 1 ... 0 .. SHANARA-PORTATION NGAYUN DIN!


Nagulat si KAYCEE nang mayroong mga paru-paro na sumulpot mula sa kawalan. Agad siya nitong pinalibutan.


Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa puwet ni LAKBAY ay abala naman ang kabila sa pagpupumilit na itaboy ang mga paru-parong dumidikit sa kanya. Kung gaano kabilis ang paglabas ng mga paru-paro ay gayun din ang bilis ng kanilang pagkawala.


[LAKBAY:] Welcome to our humble clinic.


Pagtingin ni KAYCEE sa paligid ay wala na sila sa silid nina KIRK at MELCH.


KAYCEE: Humble tal'ga?


Walang alam si KAYCEE sa mga kagamitang pang-ospital, ngunit sa unang tingin lamang ay alam na niyang hindi ito ordinaryong klinika. Alam din niyang hindi ito ordinaryong ospital kung ihahambing sa mga pinakamodernong ospital sa Pilipinas ... o sa buong mundo. Ang buong silid ay kulay rosas, maliban sa mga ilang kagamitang kulay ginto at mga kakaibang aparatong pang-ospital na kulay pilak. Ang lahat ng kagamitan sa loob ng silid ay may kalinisang taglay na halatang hindi pa nagagamit ang mga ito. Isa sa mga taglay na gilas ni KAYCEE ay ang manukat ng halaga ng isang bagay ... sa unang pagkakataon ay hindi siya makahusga kung magkano ang halaga ng kahit isa sa mga kagamitan sa loob ng silid na ito.


[LAKBAY:] The equipments here are quite archaic compared to our main medical facility.


KAYCEE: Archaic?


[LAKBAY:] Luma.


KAYCEE: Alam ko kung ano ang archaic - gwagwa!


[LAKBAY:] Isa pang uri ng pambabastos na manggaling sayo ...


KAYCEE: Sorry, pwede? Tao lang, bakla pa. What more can you expect?


[LAKBAY:] I expect your utmost respect.


KAYCEE: Don't get me wrong ha, kasi it's like this, I'm kinda ...


Biglang nagsalita ang Haponesang nars na nakasuot ng kulay "lemon chiffon" na gayak. Kahit hindi niya naririnig ay mabagal ang bawat pag-bigkas ng nars kaya nagawa ni KAYCEE na basahin ang galaw ng mga labi nito.


NARS1 (ayon sa pagkabasa ni KAYCEE): Shimasen Mama Lakbay, you're adjust in line. They are ready to make-up..


LAKBAY: Thank you NARS1.


[LAKBAY:] KAYCEE, iiwan ko na kayo ng 'yong mga kaibigan. Tandaan mong maiigi ang mga sinabi ko sa'yo.


Lumuhod si NARS1 at humawak sa talampakan ni LAKBAY.


LAKBAY: SHANARA-PORTATION NGAYUN DIN!


Naglabasang muli ang mga paru-paro at pinalibutan ang nars at si LAKBAY. Sa isang kisapmata ay nag-gawala ang mga ito pati na rin sina LAKBAY at si NARS1.


Pagtalikod ni KAYCEE ay napuna niyang mayroong ilaw galing sa loob ng apat, sa sampung aparatong kamukha ng mga "tanning beds" na nakikita niya sa telebisyon. Lumapit siya sa isang "tanning bed" at sinilip niya sa isang hugis bilog na bintana kung ano ang nasa loob.


Agad siyang nakadama ng panlulumo at hinagpis.


Nakita niya sa luob ng "tanning bed" ang mukha ni MELCH na nakapikit at tila hindi gumagalaw.


Tumakbo si KAYCEE tungo sa ilalim ng kandelabrang yari sa kristal sa gitna ng silid.


Bumagsak siya sa kanyang mga tuhod.


Sa kanyang pag-iyak ay hindi niya na napansin ang paghalo ng kanyang uhog at luha.


KAYCEE: O my gosh naman mga veykla! How can you do this to me? Pano ko iuuwi ang mga lifeless body n'yo?


Sininghot niyang muli ang sipon na malapit ng pumatak mula sa kanyang ilong. Kasabay ng paghampas niya ng ilang ulit sa lupa ay sinabi niyang:


KAYCEE: This is so unfair! I have to carry all of you back to Mabayuhan by my own fragile self! I took a nap lang tapos when I wake up I find all of you dead na! You're all so kainis talga! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


Iaangat niya sana ang kanyang ulo upang tumingin sa kandelabrang nakabitin sa kisame sapagkat naalala niyang lahat ng mga pelikulang napanuod niya na umiiyak sina Vilma at Nora ay ganuon ang kanilang ginagawa kasabay ng paglakas ng nakakaiyak na tugtugin. Naunsyami ang balak niya nang may malakas na tumama sa kanyang batok - dahilan upang sumalubsob siya sa lupa.


Pagtingin niya sa kanyang likuran ay nakita niya si MELCH na nakahawak sa kanyang baywang. Sa likuran niya ay si JESSIE na nagsisindi ng sigarilyo, si ART na may hawak na tungkod at si KIRK na may hawak na plantsa ng buhok at Gatsby Ultra Strong Hair Styling Wax.


Ang pinagkaiba lamang sa itsura ng kanyang mga kaibigan nang huli niya silang nakita ay kulay bughaw ang kanilang mga balat at namumula ang kanilang mga eyebags (maliban kay ART dahil nakatakip ang mata niya ng shades na gawa ng Chanel).


Ang panlulumo at paghihinagpis na nararamdaman niya ay napalitan ng ibayong sindak at kaba!


KAYCEE: HELP! I think I'm seein' dead people! O my gosh! Sorry na girls, I promise I'm not gonna make reklamo about bringing your bodies back to Mabayuhan. I promise I'll be a good girl na! I promise I'll stop taking anti-depressants. I promise I'll organize the best street party that Mabayuhan has ever seen for your lamay! Maawa na kayo 'wag n'yo nalang me multhuhin. I'm so natatakot na! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni MELCH sapagkat masyadong mabilis ang galaw ng kanyang mga labi. Habang papalapit ng papalapit si MELCH ay nagkukundamahog namang gumagapang palayo si KAYCEE.


Napansin ni KAYCEE na may arinolang yari sa ginto na nasa ilalim ng pinakamalapit na salum-puwet.


Kinuha niya ito ...




BONG!




Tumilapon si MELCH patungo sa kaliwa.




BLAGAG!




Unang humampas ang mukha ni MELCH sa pader kasunod ang kanyang katawan.




SPLASH!




Sumabog ang laman ng arinola sa buong silid.


KAYCEE: Look at what you made me do to MELCH! And I chipped my nails pa! Shit talga! Wag kayong lalapit saken ... I swear I'm 'gonna hit you! O my gosh I stink!


Tumakbo sina JESSIE at KIRK tungo sa kinabagsakan ni MELCH. Habang inaalalayan ng dalawa na makaupo ang kanilang kaibigan ay nagsalita si ART ng dahan-dahan kay KAYCEE upang maintindihan siya nito.


ART: T-u-m-i-g-i-l    k-a    s-a    e-m-o-t-e    m-o    b-a-k-l-a!    H-i-n-d-i    k-a-m-i    p-a-t-a-y.    B-u-h-a-y    k-a-m-e!


KAYCEE: Why are you guys making me takot?! Leave me alone!


ART: Boba! Sabi ng hindi kami patay!


KAYCEE: If you guys are not multo ... why pala blue yang skin n'yo?


ART: Narinig ko na nag-uusap si NARS1 saka si LAKBAY bago ka n'ya sinundo. Based on what I've heard, nilagyan nila kami ng certain whatever sa skin para daw mas mabilis na gumaling yung mga hermantoma saka laserbations namin.


JESSIE: Haematoma saka lacerations.


ART: Alam ko. We own THE hospital in Mabayuhan remember?


JESSIE: Ok, Ok, sorry. Continue your story.


At inilipat nina JESSIE at KIRK si MELCH sa pinaka-malapit na upuan.


KAYCEE: Why pala kayo napunta here? I mean, I was just like, taking a nap, tapos I find all of you in the clinic na!


ART: Ayun nga ang weired e.


KAYCEE: Sino si Ayuna? Why mo nasabi na weired s'ya? You're harsh ha!


ART kay JESSIE: Ikaw na nga mag explain. Nahihirapan na ko kausapin 'to.


Sinabihan ni ART si KAYCEE na tumingin kay JESSIE.


JESSIE (habang pinupunasan ang duguang labi ni MELCH ng kanyang panyo): I don't know with ART, but personally though, all I remember is leaving MELCH and KIRK's room 'coz there was this loud explosion. I just woke up 'coz I heard you crying like a pig that's about to be sacrificed to Apo Bayuhan. That'd be about it for me.


KAYCEE: Ha?


ART: Ako din walang maalala paglabas natin nung room.


MELCH: Ango nyin.


May sinenyas si KIRK kay MELCH.


MELCH (matapos kunin ang panyo ni JESSIE upang itapal sa dumudugo niyang ilong) : Si NGERK ngin ngaw walang maalala.


KAYCEE: Ha?


MELCH: Wang mo ngo ngausapin! Makshit nga ngungas!


KAYCEE: What daw?


JESSIE: Pakshit ka daw ungas.


KAYCEE: Ha?


ART: M-a-g    s-o-r-r-y    k-a    k-a-y    M-E-L-C-H.


KAYCEE: OK! Yun lang pala ang dami n'yo pang chinichurva!


Nilapag ni KAYCEE ang hawak niyang arinola sa katabi niyang lamesa.


KAYCEE: Sorry na girl! Hug me naman!


Ibinuka ni KAYCEE ang kanyang mga kamay upang yakapin ang papalapit niyang kaibigan.


Niyakap siyang mahigpit ni MELCH.


KAYCEE: I'm really so sorry. You naman kasi, you made me takot kanina. This is so dyahe talga to the max!


Matapos siyang yakapin ay agad niyang pinilit na masilayan ang mga labi ni MELCH upang malaman kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Sa halip na bibig ni MELCH ay ang bunganga ng arinola ang sumalubong sa kanya.




BANG!




MELCH: Now we're even.


Mayroon kumatok sa pintuan at ilang sandali lamang ay nagbukas ito at pumasok ang isang Bulgarian na nars.


NARS2: This is good, you arrre all awake. I've been told that as soon as you arrre all up, I should send you all to the cafeterrria to eat your dinner.


JESSIE: Do we need to come back?


NARS2: No, I'm closing the clinic as soon as you leave because I still have to go to Malate to meet up with my boyfriend.


ART: Where's MIKAL?


NARS2: Who?


MELCH: MINGAL ni Inalyan mhodel who was winass.


NARS2: Oh
the cute guy. He'll be attending yourrr class tomorrrrrow. He's underrr the Bone Rrre-Strrructuring Program.


Naglakad tungo sa cafeteria ang ating limang mga bida. Nanatili silang tahimik hanggat sa nakaupo na sila sa kanilang hapag-kainan. Lahat sila ay may nilalaro sa kanilang mga gunam-gunam. Hindi nila napunang lahat ng mata ng mga tao sa loob ng cafeteria ay minamasdan ang kanilang bawat galaw (ng mga may kakayahang makakita).


ART: Ba't kaya hindi natin maalala kung ano nangyari?


MELCH: Ngaya nga eh.


May sinenyas si KIRK.


MELCH: Ngawawa naman naw si MINGAL.


ART: Oo nga e. Ayun din ang iniisip ko kanina pa. Ano kaya nangyari sa kanya?


Lahat sila ay napatahimik dahil biglang ibinaba ni JESSIE ang kanyang kutsara at tinidor. Lahat sila ay iniisip na siguradong nag-aalala si JESSIE ngayun sa kalagayan ni MIKAL.


Mula nang dumating sila sa Shanara Technological Institute for Higher Learning at ipinakilala ni MELCH si JESSIE kay MIKAL ay napuna nilang lahat na nanumbalik ang dating kislap sa mga mata ni JESSIE - aminin man niya ito o hindi.


Karaniwan, kapag nahuhumaling si JESSIE sa isang tao ay ginagabayan nila itong huwag umibig ng ganap dahil alam nila kung paano nasaktan si JESSIE ng huli niyang inibig. Isa ito sa mga katangian ni JESSIE - ang umibig sa maling tao. Maraming beses na nilang pinanghimasukan ang mga relasyon ni JESSIE dahil alam nila ang kahihinatnan kung hindi nila iyon gagawin. Mabait si JESSIE ... masyadong mabait para sa sarili niyang kapakanan.


Para sa kanila, iba si MIKAL sapagkat nakikita nilang dalisay ang hangarin nito kay JESSIE - sa wakas ay mayroon ng karapatdapat na makakuha ng pagmamahal ng kanilang kaibigan.


JESSIE: Girls, I've just gotta ask you something.


Napahinga silang lahat ng malamin maliban kay KAYCEE na abala sa pagkain ng Liver Steak in Cranberry Sauce.


MELCH: Ngo marse we're lingening ...


Kinuha ni KAYCEE ang baso ni MELCH at ininom ang lamang Eggnog with a dash of Cinamon sa isang lagok.


ART: Basta remember kahit anong mangyari we're here for you ...


Kinuha ni KAYCEE ang plato ni ART na mayroong laman na Shawarma in Spiciy Garlic Sauce at agad itong nakalahatian.


KIRK sa interpretasyon ni MELCH: Oo nga, and ngabi naman ngaw nung nurse e mangangalamas na daw si MINGAL mukas ngiba? Ngaya you ngon't hab to worry.


Kinuha ni KAYCEE ang baso ni KIRK, tinggal ang maliit na palamuting payong, at ininom sa isang lagok ang lamang Vanilla Iced Tea.


JESSIE: What the fuck's up with y'all? Ayun nga ang itatanong ko sa inyo e, you've been talking about him for the last 30 minutes ...


Hinablot ni JESSIE ang kanyang baso na may lamang Diet Sarsi bago ito makuha ni KAYCEE.


Hindi nila napupunang nagiging kulay bughaw na ang mukha ng kanilang kaibigan sapagkat nahirinan ito.


Nagsimulang hamapasin ni KAYCEE ang mesa ng paulit-ulit at sinenyasan siya ni MELCH na tumigil at manahimik. Ang bughaw niyang balat ay nagsisimula ng mangitim.


MELCH kay JESSIE: Ano yung inananong mo?


...



JESSIE: Since it
looks like he's got all your panties in a bunge, who's the MIKAL guy you've all been talking about???



...


Bumagsak ang mukha ni KAYCEE sa kanyang plato na ang tanging laman ay Cranberry Sauce, at dahan-dahang lumabas sa kanyang bibig ang isang maliit na kulay pulang payong na ginamit na palamuti sa inumin ni KIRK...



... itutuloy ...


-=-=-=-=-


JHEZPER SAYS: I hope you enjoyed reading this chapter. I don't want to sound neither "epal" nor "plastic" in saying this, but - I seriously hope that we all take time to pray for those who died during the Leyte landslide. It's so sad that so many died in a blink of an eye. It just makes one realize how unpredictable life really is. Live every day as if it were your last, 'coz you will never know what tomorrow will give you. Carpe Diem (seize the day)!


Will be uploading the next chapter sooner than usual.

Labels:


mga bagong chismis