Thursday, February 23, 2006

Kabanata 6 - Ang Baklita at ang Kanyang Ginintuang Arinola



ANG NAKARAAN: Abala sa pagsasanay ang ating mga bagong tigapagligtas sa dalubhasaan ng Shanara Inter-Galactic Agency. Sa kanilang ikatlong araw ay nawasak ang kapayapaan ng gabi nang mayroong biglaang sumabog sa loob ng gusali. Nagmadaling nagtungo sa pinanggalingan ng malakas na pagsabog ang ating mga bida at ang bago nilang "kaibigan" na isang Italyanong epileptik na ramp model. Atin silang balikan ...


-=-=-=-=-


Nagising si KAYCEE dahil sa garalgal ng kanyang sikmura.


Ang una niyang naisip? "O my gosh, I think I'm kinda hungry."


Matapos tumayo ay hinanap niya agad ang pinakamalapit na salamin mula sa kanyang hinigaan. Limang minuto ang kanyang iginugol sa pag-e-ensayo kung aling uri ng ngiti ang kanyang gagamitin sa gabing ito. Matapos makapili kung saang anggulo mas kapansin-pansin ang kanyang bagong kabit na braces ay napuna niyang wala ang kanyang mga kaibigan sa loob ng silid.


Nagtungo siya sa kasilyas upang tignan kung naruroon sila. Minarapat niya na ring sagutin ang tawag ng kalikasan sapagkat wala namang tao sa loob ng palikuran. Sa kanyang paglabas ay nagulat nalamang siya na mayroong ibang tao sa loob ng silid-tulugan ng kanyang dalawang kaibigan. Natagpuan niya ang pinuno ng kanilang lahi ... si LAKBAY.


[LAKBAY:] Kinakailangan kang pumunta sa clinic. Nan'don ang mga kaibigan mo.


Pitong taon na ang nakalipas mula ng huli siyang nakarinig ng tinig ng ibang tao. Pitong taon na rin ang nakalipas ng huli siyang nakarinig ng huni ng ibon, ng patak ng ulan, ng busina ng mga sasakyang humaharurot sa kalsada, ng pagwasiwas ng mga dahon sa puno ... ng mga remix ng awit ni Madonna.


Sa unang pagkakataon ay nabasag ang pitong taon na ganap na katahimikang bumabalot sa kanyang mundo.


KAYCEE: O my gosh! How did you do that? I think I kinda heard your voice in my head.


[LAKBAY:] Hindi na importante 'yon. Huwag mo na ring i-effort magsalita dahil hindi kita masyadong maintindihan. Isipin mo nalang ang gusto mong sabihin sa'ken at maririnig na kita. Lumapit ka, dadalhin kita sa kanila.


Lumapit si KAYCEE kay LAKBAY ngunit hindi niya alam ang kanyang gagawin.


[LAKBAY:] Hawakan mo kahit anong part ng katawan ko.


KAYCEE: Warla! You're bastos ha!


[LAKBAY:] Kailangan magkadikit ang balat natin para pag nag-teleport ako e masama kita.


KAYCEE: Karibelles!


Humawak si KAYCEE sa kanang pigi ng puwet ni LAKBAY.


[LAKBAY:] Shanara-portation in 5 ... 4 ...


KAYCEE: Mother! True pala ang mga gossip! Forever floating ka daw saka kaloka daw ang costume mo ... very minimalistic.


[LAKBAY:] ... 3 ...


KAYCEE: Will this teleportation stuff hurt? Kasi my skin is really sensitive e.


[LAKBAY:] You'll get hurt if you don't shut up! Tandaan mo, ako ang reyna hindi ikaw! Alamin mo ang hangganan ng katabilan ng dila mo! ... 2 ...


KAYCEE: Ok, sorry PO! [Bitch!]


[LAKBAY:] I can read your thoughts ... BITCH! .. 1 ... 0 .. SHANARA-PORTATION NGAYUN DIN!


Nagulat si KAYCEE nang mayroong mga paru-paro na sumulpot mula sa kawalan. Agad siya nitong pinalibutan.


Habang nakahawak ang isa niyang kamay sa puwet ni LAKBAY ay abala naman ang kabila sa pagpupumilit na itaboy ang mga paru-parong dumidikit sa kanya. Kung gaano kabilis ang paglabas ng mga paru-paro ay gayun din ang bilis ng kanilang pagkawala.


[LAKBAY:] Welcome to our humble clinic.


Pagtingin ni KAYCEE sa paligid ay wala na sila sa silid nina KIRK at MELCH.


KAYCEE: Humble tal'ga?


Walang alam si KAYCEE sa mga kagamitang pang-ospital, ngunit sa unang tingin lamang ay alam na niyang hindi ito ordinaryong klinika. Alam din niyang hindi ito ordinaryong ospital kung ihahambing sa mga pinakamodernong ospital sa Pilipinas ... o sa buong mundo. Ang buong silid ay kulay rosas, maliban sa mga ilang kagamitang kulay ginto at mga kakaibang aparatong pang-ospital na kulay pilak. Ang lahat ng kagamitan sa loob ng silid ay may kalinisang taglay na halatang hindi pa nagagamit ang mga ito. Isa sa mga taglay na gilas ni KAYCEE ay ang manukat ng halaga ng isang bagay ... sa unang pagkakataon ay hindi siya makahusga kung magkano ang halaga ng kahit isa sa mga kagamitan sa loob ng silid na ito.


[LAKBAY:] The equipments here are quite archaic compared to our main medical facility.


KAYCEE: Archaic?


[LAKBAY:] Luma.


KAYCEE: Alam ko kung ano ang archaic - gwagwa!


[LAKBAY:] Isa pang uri ng pambabastos na manggaling sayo ...


KAYCEE: Sorry, pwede? Tao lang, bakla pa. What more can you expect?


[LAKBAY:] I expect your utmost respect.


KAYCEE: Don't get me wrong ha, kasi it's like this, I'm kinda ...


Biglang nagsalita ang Haponesang nars na nakasuot ng kulay "lemon chiffon" na gayak. Kahit hindi niya naririnig ay mabagal ang bawat pag-bigkas ng nars kaya nagawa ni KAYCEE na basahin ang galaw ng mga labi nito.


NARS1 (ayon sa pagkabasa ni KAYCEE): Shimasen Mama Lakbay, you're adjust in line. They are ready to make-up..


LAKBAY: Thank you NARS1.


[LAKBAY:] KAYCEE, iiwan ko na kayo ng 'yong mga kaibigan. Tandaan mong maiigi ang mga sinabi ko sa'yo.


Lumuhod si NARS1 at humawak sa talampakan ni LAKBAY.


LAKBAY: SHANARA-PORTATION NGAYUN DIN!


Naglabasang muli ang mga paru-paro at pinalibutan ang nars at si LAKBAY. Sa isang kisapmata ay nag-gawala ang mga ito pati na rin sina LAKBAY at si NARS1.


Pagtalikod ni KAYCEE ay napuna niyang mayroong ilaw galing sa loob ng apat, sa sampung aparatong kamukha ng mga "tanning beds" na nakikita niya sa telebisyon. Lumapit siya sa isang "tanning bed" at sinilip niya sa isang hugis bilog na bintana kung ano ang nasa loob.


Agad siyang nakadama ng panlulumo at hinagpis.


Nakita niya sa luob ng "tanning bed" ang mukha ni MELCH na nakapikit at tila hindi gumagalaw.


Tumakbo si KAYCEE tungo sa ilalim ng kandelabrang yari sa kristal sa gitna ng silid.


Bumagsak siya sa kanyang mga tuhod.


Sa kanyang pag-iyak ay hindi niya na napansin ang paghalo ng kanyang uhog at luha.


KAYCEE: O my gosh naman mga veykla! How can you do this to me? Pano ko iuuwi ang mga lifeless body n'yo?


Sininghot niyang muli ang sipon na malapit ng pumatak mula sa kanyang ilong. Kasabay ng paghampas niya ng ilang ulit sa lupa ay sinabi niyang:


KAYCEE: This is so unfair! I have to carry all of you back to Mabayuhan by my own fragile self! I took a nap lang tapos when I wake up I find all of you dead na! You're all so kainis talga! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


Iaangat niya sana ang kanyang ulo upang tumingin sa kandelabrang nakabitin sa kisame sapagkat naalala niyang lahat ng mga pelikulang napanuod niya na umiiyak sina Vilma at Nora ay ganuon ang kanilang ginagawa kasabay ng paglakas ng nakakaiyak na tugtugin. Naunsyami ang balak niya nang may malakas na tumama sa kanyang batok - dahilan upang sumalubsob siya sa lupa.


Pagtingin niya sa kanyang likuran ay nakita niya si MELCH na nakahawak sa kanyang baywang. Sa likuran niya ay si JESSIE na nagsisindi ng sigarilyo, si ART na may hawak na tungkod at si KIRK na may hawak na plantsa ng buhok at Gatsby Ultra Strong Hair Styling Wax.


Ang pinagkaiba lamang sa itsura ng kanyang mga kaibigan nang huli niya silang nakita ay kulay bughaw ang kanilang mga balat at namumula ang kanilang mga eyebags (maliban kay ART dahil nakatakip ang mata niya ng shades na gawa ng Chanel).


Ang panlulumo at paghihinagpis na nararamdaman niya ay napalitan ng ibayong sindak at kaba!


KAYCEE: HELP! I think I'm seein' dead people! O my gosh! Sorry na girls, I promise I'm not gonna make reklamo about bringing your bodies back to Mabayuhan. I promise I'll be a good girl na! I promise I'll stop taking anti-depressants. I promise I'll organize the best street party that Mabayuhan has ever seen for your lamay! Maawa na kayo 'wag n'yo nalang me multhuhin. I'm so natatakot na! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa


Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni MELCH sapagkat masyadong mabilis ang galaw ng kanyang mga labi. Habang papalapit ng papalapit si MELCH ay nagkukundamahog namang gumagapang palayo si KAYCEE.


Napansin ni KAYCEE na may arinolang yari sa ginto na nasa ilalim ng pinakamalapit na salum-puwet.


Kinuha niya ito ...




BONG!




Tumilapon si MELCH patungo sa kaliwa.




BLAGAG!




Unang humampas ang mukha ni MELCH sa pader kasunod ang kanyang katawan.




SPLASH!




Sumabog ang laman ng arinola sa buong silid.


KAYCEE: Look at what you made me do to MELCH! And I chipped my nails pa! Shit talga! Wag kayong lalapit saken ... I swear I'm 'gonna hit you! O my gosh I stink!


Tumakbo sina JESSIE at KIRK tungo sa kinabagsakan ni MELCH. Habang inaalalayan ng dalawa na makaupo ang kanilang kaibigan ay nagsalita si ART ng dahan-dahan kay KAYCEE upang maintindihan siya nito.


ART: T-u-m-i-g-i-l    k-a    s-a    e-m-o-t-e    m-o    b-a-k-l-a!    H-i-n-d-i    k-a-m-i    p-a-t-a-y.    B-u-h-a-y    k-a-m-e!


KAYCEE: Why are you guys making me takot?! Leave me alone!


ART: Boba! Sabi ng hindi kami patay!


KAYCEE: If you guys are not multo ... why pala blue yang skin n'yo?


ART: Narinig ko na nag-uusap si NARS1 saka si LAKBAY bago ka n'ya sinundo. Based on what I've heard, nilagyan nila kami ng certain whatever sa skin para daw mas mabilis na gumaling yung mga hermantoma saka laserbations namin.


JESSIE: Haematoma saka lacerations.


ART: Alam ko. We own THE hospital in Mabayuhan remember?


JESSIE: Ok, Ok, sorry. Continue your story.


At inilipat nina JESSIE at KIRK si MELCH sa pinaka-malapit na upuan.


KAYCEE: Why pala kayo napunta here? I mean, I was just like, taking a nap, tapos I find all of you in the clinic na!


ART: Ayun nga ang weired e.


KAYCEE: Sino si Ayuna? Why mo nasabi na weired s'ya? You're harsh ha!


ART kay JESSIE: Ikaw na nga mag explain. Nahihirapan na ko kausapin 'to.


Sinabihan ni ART si KAYCEE na tumingin kay JESSIE.


JESSIE (habang pinupunasan ang duguang labi ni MELCH ng kanyang panyo): I don't know with ART, but personally though, all I remember is leaving MELCH and KIRK's room 'coz there was this loud explosion. I just woke up 'coz I heard you crying like a pig that's about to be sacrificed to Apo Bayuhan. That'd be about it for me.


KAYCEE: Ha?


ART: Ako din walang maalala paglabas natin nung room.


MELCH: Ango nyin.


May sinenyas si KIRK kay MELCH.


MELCH (matapos kunin ang panyo ni JESSIE upang itapal sa dumudugo niyang ilong) : Si NGERK ngin ngaw walang maalala.


KAYCEE: Ha?


MELCH: Wang mo ngo ngausapin! Makshit nga ngungas!


KAYCEE: What daw?


JESSIE: Pakshit ka daw ungas.


KAYCEE: Ha?


ART: M-a-g    s-o-r-r-y    k-a    k-a-y    M-E-L-C-H.


KAYCEE: OK! Yun lang pala ang dami n'yo pang chinichurva!


Nilapag ni KAYCEE ang hawak niyang arinola sa katabi niyang lamesa.


KAYCEE: Sorry na girl! Hug me naman!


Ibinuka ni KAYCEE ang kanyang mga kamay upang yakapin ang papalapit niyang kaibigan.


Niyakap siyang mahigpit ni MELCH.


KAYCEE: I'm really so sorry. You naman kasi, you made me takot kanina. This is so dyahe talga to the max!


Matapos siyang yakapin ay agad niyang pinilit na masilayan ang mga labi ni MELCH upang malaman kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Sa halip na bibig ni MELCH ay ang bunganga ng arinola ang sumalubong sa kanya.




BANG!




MELCH: Now we're even.


Mayroon kumatok sa pintuan at ilang sandali lamang ay nagbukas ito at pumasok ang isang Bulgarian na nars.


NARS2: This is good, you arrre all awake. I've been told that as soon as you arrre all up, I should send you all to the cafeterrria to eat your dinner.


JESSIE: Do we need to come back?


NARS2: No, I'm closing the clinic as soon as you leave because I still have to go to Malate to meet up with my boyfriend.


ART: Where's MIKAL?


NARS2: Who?


MELCH: MINGAL ni Inalyan mhodel who was winass.


NARS2: Oh
the cute guy. He'll be attending yourrr class tomorrrrrow. He's underrr the Bone Rrre-Strrructuring Program.


Naglakad tungo sa cafeteria ang ating limang mga bida. Nanatili silang tahimik hanggat sa nakaupo na sila sa kanilang hapag-kainan. Lahat sila ay may nilalaro sa kanilang mga gunam-gunam. Hindi nila napunang lahat ng mata ng mga tao sa loob ng cafeteria ay minamasdan ang kanilang bawat galaw (ng mga may kakayahang makakita).


ART: Ba't kaya hindi natin maalala kung ano nangyari?


MELCH: Ngaya nga eh.


May sinenyas si KIRK.


MELCH: Ngawawa naman naw si MINGAL.


ART: Oo nga e. Ayun din ang iniisip ko kanina pa. Ano kaya nangyari sa kanya?


Lahat sila ay napatahimik dahil biglang ibinaba ni JESSIE ang kanyang kutsara at tinidor. Lahat sila ay iniisip na siguradong nag-aalala si JESSIE ngayun sa kalagayan ni MIKAL.


Mula nang dumating sila sa Shanara Technological Institute for Higher Learning at ipinakilala ni MELCH si JESSIE kay MIKAL ay napuna nilang lahat na nanumbalik ang dating kislap sa mga mata ni JESSIE - aminin man niya ito o hindi.


Karaniwan, kapag nahuhumaling si JESSIE sa isang tao ay ginagabayan nila itong huwag umibig ng ganap dahil alam nila kung paano nasaktan si JESSIE ng huli niyang inibig. Isa ito sa mga katangian ni JESSIE - ang umibig sa maling tao. Maraming beses na nilang pinanghimasukan ang mga relasyon ni JESSIE dahil alam nila ang kahihinatnan kung hindi nila iyon gagawin. Mabait si JESSIE ... masyadong mabait para sa sarili niyang kapakanan.


Para sa kanila, iba si MIKAL sapagkat nakikita nilang dalisay ang hangarin nito kay JESSIE - sa wakas ay mayroon ng karapatdapat na makakuha ng pagmamahal ng kanilang kaibigan.


JESSIE: Girls, I've just gotta ask you something.


Napahinga silang lahat ng malamin maliban kay KAYCEE na abala sa pagkain ng Liver Steak in Cranberry Sauce.


MELCH: Ngo marse we're lingening ...


Kinuha ni KAYCEE ang baso ni MELCH at ininom ang lamang Eggnog with a dash of Cinamon sa isang lagok.


ART: Basta remember kahit anong mangyari we're here for you ...


Kinuha ni KAYCEE ang plato ni ART na mayroong laman na Shawarma in Spiciy Garlic Sauce at agad itong nakalahatian.


KIRK sa interpretasyon ni MELCH: Oo nga, and ngabi naman ngaw nung nurse e mangangalamas na daw si MINGAL mukas ngiba? Ngaya you ngon't hab to worry.


Kinuha ni KAYCEE ang baso ni KIRK, tinggal ang maliit na palamuting payong, at ininom sa isang lagok ang lamang Vanilla Iced Tea.


JESSIE: What the fuck's up with y'all? Ayun nga ang itatanong ko sa inyo e, you've been talking about him for the last 30 minutes ...


Hinablot ni JESSIE ang kanyang baso na may lamang Diet Sarsi bago ito makuha ni KAYCEE.


Hindi nila napupunang nagiging kulay bughaw na ang mukha ng kanilang kaibigan sapagkat nahirinan ito.


Nagsimulang hamapasin ni KAYCEE ang mesa ng paulit-ulit at sinenyasan siya ni MELCH na tumigil at manahimik. Ang bughaw niyang balat ay nagsisimula ng mangitim.


MELCH kay JESSIE: Ano yung inananong mo?


...



JESSIE: Since it
looks like he's got all your panties in a bunge, who's the MIKAL guy you've all been talking about???



...


Bumagsak ang mukha ni KAYCEE sa kanyang plato na ang tanging laman ay Cranberry Sauce, at dahan-dahang lumabas sa kanyang bibig ang isang maliit na kulay pulang payong na ginamit na palamuti sa inumin ni KIRK...



... itutuloy ...


-=-=-=-=-


JHEZPER SAYS: I hope you enjoyed reading this chapter. I don't want to sound neither "epal" nor "plastic" in saying this, but - I seriously hope that we all take time to pray for those who died during the Leyte landslide. It's so sad that so many died in a blink of an eye. It just makes one realize how unpredictable life really is. Live every day as if it were your last, 'coz you will never know what tomorrow will give you. Carpe Diem (seize the day)!


Will be uploading the next chapter sooner than usual.

Labels:

Friday, February 10, 2006

Kabanata 5 - Ang Ikatlong Araw sa STI






Ang Nakaraan: Matapos tanggapin ang paanyaya ng kakaibang nilalang na si LAKBAY upang maging bahagi ng "Shanara Inter-galactic Agency", ay agad sila nitong hinakag tungo sa Maynila upang dumaan sa isang linggong pagsasanay.


Ating subaybayan ang pagbabalik-aral nina MELCH at JESSIE bilang paghahanda sa nalalapit nilang pagsubok sa Shanara Technological Institute for Higher Learning (STI-HL).



-=-=-=-=-



JESSIE: OK, sa day 2 naman tayo – name, race and power ng Prof natin sa History?


MELCH : Mayor VILMA Santos, also known as ALL SEASONS, formerly known as DARNA, Sharamdara, from what used to be the planet called DARA. Keri n’ya baguhin ang weather pattens within a 5-meter radius, for 5 minutes per day. Ang primary weapon n’ya is her scarf na nagiging knife.


JESSIE: Taray naman, may added churva pa! Next question: Kelan unang dumating ang mga Shanarians dito?


MELCH: Walang exact date na na-give. Basta yung time daw na nag crash yung "S/S Grand Mother Ship". Yung lugar daw kung saan sila bumagsak is yung tinatawag natin ngayun na Pacific Ocean. Yung pag "crash" din daw ng Mother Ship ang cause ng ICE AGE. Ang mga Sharamdara & Xtanoian naman, sa Mars nagkyogo habang nag wawarlahan ang mga Shanarians saka Chupetans dito sa Earth, and follow nalang sila dito nung kyorpus na ang ICE AGE.


Huminga siya ng malalim at muling itinuloy ang kanyang sagot …


MELCH: Nagkaron ng gera between Chupetans & Shanarians dahil sa mga Sharamdara at Xtanoian. Bet kasi shigbakin ng mga Chupetans yung dalawang race na yun. According to Ms. Vilma, ang mga Chupetans din daw ang nagpasabog ng planet nila. Aside from that, pinatay din daw ng mga Chupetans ang grand munjax ni Majestrix LAKBAY na si Majestrix MALUMANAY. Kaya may missing link e dahil daw sa gene processing na ginawa ng mga Chupetans sa mga primates. Pinabilis ng mga Chupetans ang evolution ng mga jinsan ni King Kong dahil kailangan ng mga Chupetans mag propagate ng lahi nila. Yung mga gods and goddesses naman daw from the early Rahe-rahan civilizations e hindi daw mga made-up beings kundi mga Shanaraians, Chupetans, Sharamdara at Xtanioans. Keri na ba or you want more info?


JESSIE : Bakla naman! Wag na magpakitang gilas! Tayong dalawa lang ang nandito no! Ang haba mo sumagot!


MELCH: Speaking of mahaba, sanchi na nga pala si MIKAL?


JESSIE (habang nagbubukas ng Piatos Aratilis Flavor): Gwagwa! Tigilan mo nga ako! Next question: Ano ang mga Sangreyal?


MELCH: In fairness, mas bagay kami, pero napupuna ko lang na mas close kayo ha! To think na uncle ko ang manager n’ya dito sa Philippines at forever ko na s’ya nakakasama sa mga fashion shows bago dumating ‘tong Shanara-ek-ek!


Tumaas ang isang kilay ni MELCH at idinagdag …


MELCH: … At ano itong kumakalat na chika na hinalikan ka daw n’ya sa cheeks nung nasa Gay-bar kayo kagabu? May nakakita daw sa inyong nag mi-ming-mingan sa gilid nung aircon na malapit sa CR! I-chika mo na bekbek dahil hindi naman akey-hey-hey mag bubumbong-ara sa angkeloyds ko!


Nagkamot ng ilong si JESSIE, isang palatanadaan na naiirita na ito.


MELCH (na mas mabilis ang pananalita sa karaniwan niyang pagbigkas): SANGREYAL – mga Shanarians na may capability mabuntis. To this date, si LAKBAY lang ang kilalang Sangreyal na buhay pa. Mga "pure breeds" lang daw ang nagiging Sangreyal at keri nilang magsuot ng up to 8 na "HIYAS". Aside from this, sila lang din ang keri magsuot ng mga "ELEMENTONG HIYAS" which are extremely rare.


JESSIE: Lilinawin ko lang ha …


At nagkamot siyang muli ng kanyang ilong.


JESSIE: … Lasing lang s’ya kagabi. I’m pretty sure that he would never talk to me anymore ‘coz of that stupid kiss. Siguro pinagtritripan n’ya lang ako to see how I’d react. Anyways, speaking of LAKBAY, ano pa ang iba identities na ginamit n’ya in the past?


MELCH: S’ya si Nefertiti sa Egyptian mythology, Hera sa Greek, si Morgana de Fay sa Celtic lores, hummm ano pa ba? .. S’ya din si Joan of Arc … madami pa e, basta ang last na public appearance n’ya e as Mata Hari.


JESSIE: Wala ka bang nakikitang inconsistency sa mga tinuro sa’tin?


MELCH: Wala naman, shoket? Na-harbus mo nga pala si MIKAL kagabu??


JESSIE: Gwagwa! Alam ko naman na he’s way out of my league kaya kebs na! And like what I’ve just told you, lasing lang s’ya kagabi … Back to our real topic - napansin ko lang na ‘di ba sabi ni Ms. Vilma na ang mga Shanarians daw e all girls?


MELCH: Sayang ang opportunity bakla! Lasing na nga kagabu, dapat go ng go! O ano naman ngayun kung all girls ang planetang pinanggalingan natin?


JESSIE: Gwagwa! Hindi mo ba naisip? Pano sila nagkakaanak? By the way, hindi ako mahilig mang rape ng Kylie Minogue!!!


MELCH: ANG LINIS!!! Pinapakain mo ng bubog sa Tolits sa pagiging labang Tide with Kalamansi! Ang tanong ko sa’yo - ano ba tayo?


JESSIE: Some percent Rahe-rahan the other remaining part Shanarian. Shoket? Talagang nuknukan ako ng linis!


MECLH: I mean ano ang gender natin? POKPOK!!!


JESSIE: Bakla, bayot, badaf, tukling, shukling, etcetera ad infinitum and nausea! … Mas pokpok!!!


MELCH: Ang slow! Ang sabi ko gender hindi sexual preference! Pinaka pokpok!


JESSIE: Lalake … ng slight … ano ba kasi ang pino-point mo?


MELCH: Na chance mo na si MIKAL kaya grab ka nalang kung ano ang binibigay n’ya sa’yo na pwedeng i-grab! May I quote Carmi Martin?! "Isabeeel this must be loooove!" Although na I-imagine kong mahihirapan kayong mag lap-chukan dahil parehong daks ang Jilongis Morisette n’yo!


At tumawa si MELCH na mistulang kontrabida sa isang primtime telefantasya.


JESSIE: Gwagwa! Ano ang pinopoint mo sa pag tanong kung ano ang gender natin?


Pinilit ikubli ni JESSIE ang kagustuhan n’yang tumawa sa pamamagitan ng pagtalikod kay MELCH at pagkuha ng "Diet Sarsi in Uber Large Tetrapack" sa katabing estante.


MELCH: Ah ok … lalake tayo diba? Tapos ang learn ko, lahat ng Shanarians e mga "lalake" na nagiging babae pag nag transform! Baka ganun din sa original na planet natin! Minsan boys sila, minsan girls, depende siguro sa humidity or somethag!


JESSIE: Hindi ganun e! Diba ang sabi ni Ms. V …


MELCH: Sinusumpong ka nanaman ng nega mode bakla (at kinuha niya ang hawak nag pagkain at inumin ng kanyang kaibigan at sumubo ng ilang piraso at uminom ng ilang lagok). Basta ganun na ‘yun! Hindi naman tayoti makakagetchus ng Norkis Yamaha Mia-Motorcycle pag na perfect natin ang test! ‘Ni hindi nga natin alam kung may written part ng exams! Kebs na bakla! Mag-usap nalang tayo tungkol sa mga mas may reli bagay!


JESSIE: Like what?


MELCH: Like sino ang mas cute si Dennis Trillo o si Bearwin Meily?


Sa sandaling ito ay may kumatok sa pintuan.


MELCH: Kyorsok! Byorkas ang shintuan ara!


Umulit ang pagkatok.


JESSIE: Pasok! Bukas ang pinto!


Umulit muli ang pag katok.


MELCH & JESSIE: Paaaaaaaaasoooooook!


Unti-unting bumukas ang pintuan at pumasok ang ulo ng kanilang kaibigang si KAYCEE sa makipot na puwang.


KAYCEE: Mga veyks ! I’ve been kinda knockin on Heaven’s door for the past 48 years! ‘Bat walang sumasagot senyo???


JESSIE: PASOK KA NA MAMAH! KANINA PA KAMI SUMISIGAW NA BUKAS ANG PINTO!!!


KAYCEE: ‘Wag kang sumigaw! May hinatid lang ako dito dahil kanina pa s’ya nakatengga sa room natin waitin’ for ‘ya! Wit ko nga nose-lift kung shoket ikawchi ang jinajanap nito! Ako nga itong totoong maganda at may bagong kabit na braces kinikebs lang n’ya (At dahan-dahan siyang ngumiti upang ipakita ang bagong kabit niyang mga palamuti sa ngipin. Unti-unti niya ring binuksan ng tuluyan ang pintuan).


Nang nabuksan na ang pintuan ay napabalikwas si JESSIE at agad na tinakpan ang kanyang bagong ahit na binti ng kumot na galing sa kanyang kinauupuang kama ni MELCH.


MIKAL: Buonasera!


JESSIE: Buonasera! Come ’va?


MIKAL: Bene, grazie. E lei?


JESSIE: Tutu bene.


MIKAL: Vuoi venire e cene con me in cafeteria?


JESSIE: Ma no, sono occupato adesso.


MIKAL: OK, ti aspetiero qui.


JESSIE: No, vai avanti!


Sumimangot si MIKAL at hinawi ng kaunti ang kanyang ginintuang buhok. Matapos ng ilang sandali ng mistulang pag-iisip ay umupo siya sa malapit na salum-puwet, kumuha ng magasin na Vogue sa katabing estante at nagbasa.


JESSIE (ng pabulong ka MELCH): Embey!


MELCH: Shoket mamah? Ano ang chika?


JESSIE: Laps daw kami sa cafeteria. Churva ko wit na dahil may ginagawa tayoti. Chinikahan ko na rin s’ya na umiskerda na. Yawgey umalis! Kainis!


MELCH: Bona kid ka talga! Go na marse! Unya nalang ulit tayo mag review.


JESSIE: Ayoko kasi ma chi-chismis nanaman kami.


MELCH: Ang ganda mo naman pala diba? Pilipinong seaman and future parlorista versus Italyanong Rica Peralejo na ramp model! Ikaw pa ang natakot ma chismis! Dali na bekbek, lagi ka nag-iinarte na wala kang love life! Malay mo s’ya na ang "This is it!"?


Tumingin ng bahagya si MIKAL at pilit na ikinubli ang namumuo niyang ngiti.


JESSIE: Next question, ano ang Sangreyal?


MELCH: Natanong mo na yan kanina!


JESSIE: Oh, OK, sorry, I meant ano ang "HIYAS"?


MELCH: Form ng crystalline compound na nag e-enhance ng certain "special" genomes sa DNA ng mga SHANARIANS. Each type of "hiyas" is unique, very rare lang ang may kaparehas. According to Ms. V, hindi lahat ng hiyas e pwede i-equip ng Shanarians. May compatibility chuchu belles din between the hiyas and the wearer. Jumoin ka na sa kanya bekbek! Andito naman si KAYCEE, may kasama akong mag review!


JESSIE: Tignan mo nga ‘yang isasasama mo mag review!


KAYCEE: ZZZzzzzZZZzzzzZZ


MELCH: Parang alam ko na kung ano ang power ni KAYCEE.


Pumihit ng bahagya si KAYCEE sa kanyang hinihigaang kama ni KIRK at pinunasan ang laway na gumuguhit sa gilid ng kanyang kaliwang pisngi.


JESSIE: Ikawchi na-ngachi ang mag paiskerda dyanchina sa afam na frendita mey!


Bumukas ang pintuan ng palikuran at lumabas si KIRK na may tuwalyang kulay rosas na nakatapis sa kanyang katawan (hanggang dibdib). Kasalukuyan niyang ibinabalabal sa kanyang ulo ang isa pang kakulay na tuwalya nang bigla n’yang nakita ang kanilang bisita.


MIKAL: Ciao bella!


Bumukas ang bibig ni KIRK na naging dahilan upang mabitak ang kulay berdeng "mud pack" sa kanyang mukha. Kung nakakapag salita lamang siya ay pihadong may malakas na tiling mauling na galing sa kanya. Nagkumahog na bumalik si KIRK sa loob ng palikuran at sinarhang muli ang pintuan na gumawa ng padabog na ingay na hindi niya sinadya.


Matapos nito ay mabilis namang nagbukas ang katapat nitong pintuan tungo sa "corridor" at bumungad sa kanila si ART na inaalalayan ng kanyang kasamang si BANTAY.


BANTAY: Aha! Huling-huli kayo sa akto! Anong meron dito? Mag-o-orgy kayo no? Bawal ang kalaswaan dito!


MELCH: Walang ibang malaswa dito kundi ang isip mo!


BANTAY: ‘Wag mong sabihin na kayo ang bagong favorite ni MAMAH kaya nagmamaganda kayo!


MELCH: Talagang maganda kami! Hindi tulad mo - bakla na nga chaka pa! Nakakahiya kang iharap kay Lord as one of His image and likeness!


Matapos sabihin ito ni MELCH ay inilaylay ni BANTAY ang kanyang sandata: isang kulay ultra-marine na latigong may pink na ribbon at patalim sa hangganan.


BANTAY: Humanda ka!


Ibinuwelo niya ang kanyang sandata upang latayan si MELCH. Napahinga ng malalim ang lahat at ang tunog lamang ng hilik ni KAYCEE ang naririnig sa tensyong dala ng katahimikan. Binasag lamang ito ng biglaang pagsigaw ni BANTAY ng …


BANTAY: ELECTROOO-MAAAAAAAGNETIC …


Napatigil si BANTAY sa kanyang pag sigaw. Tumingin siya sa kanyang kaliwa at dahan-dahang ibinaba ang nakataas niyang kamay na may hawak na latigo.


BANTAY: Nan’dyan ka pala. Ikaw na ang kumausap sa mga baklitang ‘to! Pinagmamagandahan ako!


Mabilis na umalis si BANTAY at umalingawngaw na parang isang dambuhalang batingaw ang tunog ng 4-inch na takong ng suot niyang high-heels. Kasabay ng ritmong gawa ng kanyang takong ay ang hilik ni KAYCEE.


Nagulat ang lahat nang makailang saglit ay mayroong pumalit sa dating kinatatayuan ni BANTAY. Napagtanto nila na ang nagsagip pala sa kanila ay walang iba kung hindi ang kanang kamay ng pinuno ng kanilang lahi - si KAAGAPAY.


Ngumiti siya at tumango ng bahagya sa lahat ng taong nasa loob ng silid. Matapos nito ay naglakad siya ng malumanay tungo sa daanang tinahak ni BANTAY.


Umungos si JESSIE sa kanyang kinauupuan upang alalayan si ART tungo sa higaan ni KIRK. Kasabay nito ay kagyat ring tumayo si MIKAL upang tulungan si JESSIE sa pagalalay kay ART. Nang nakaupo na ang lahat at nalakalabas na ng kasilyas si KIRK (na wala na ang "mud pack" at nakagayak na ng pantulog na damit) ay ikinuwento ni MELCH ang lahat ng naganap.


Sinabihan ni ART si MELCH na bahagya ring may kasalanan ang ang kanyang kaibigan sapagkat sumagot ito ng pabalang kay BANTAY.


"I don’t care!" ang isinagot ni MELCH.


Sandali silang natahimik at nagsalitang muli si MELCH.


MELCH kay MIKAL: Does my uncle know you’re here?


MIKAL: No.


MELCH: Does he know you’re gay?


Nagulat ang lahat sa tanong na ito maliban kay KAYCEE na nanatiling tulog.


MELCH: You should tell him ‘coz he’s your manager!


MIKAL: I’m not gay!


MELCH: Hello shampoo! Everybody in this complex is gay! Your best friend, BENNIE, is gay! Your manager, my uncle VICKY, is gay! The people around your daily routines are all gays! And as of now, you’re hitting on my friend who is obviously very, very …




BOOM!!!




May malakas na pagsabog na nadinig sa buong dalubhasaan. Matapos nito ay sigawan at yagabag ng mga taong nagtatakbuhan ang nauulinigan.


Tumayo silang lahat.


Sinabihan ni MIKAL na huwag lumabas si JESSIE ngunit huli na ang lahat sapagkat hinatak na nitong palabas si ART.


Kung gaano nagmamadaling tumakbo ang mga tao palayo sa pinanggalingan ng malakas na pagsabog ay ganuon din ang pag mamadali nina MIKAL at ating tigapagligtas (maliban sa isa)na magtungo ruon.


Sa gitna ng kaguluhan ito ay nanatiling tulog si KAYCEE. Sa kanyang gunam-gunam ay umaawit siya ng "Mr. Disco" ni Sheryl Cruz habang pinapalibutan ng maharot na pagkutitap ng samu’t saring kulay ng ilaw at suot ang pulang gayak ni Julia Roberts sa pelikulang "Pretty Woman".


Sa entablado ng kanyang diwa ay sumasayaw sa kanyang likuran bilang back-up dancers sina MELCH, JESSIE, KIRK, ART, LAKBAY at ang nasawi nilang kaibigan …


… si AYIE …


-=-=-=-=-=-



… itutuloy …


SA SUSUNOD NA KABANATA: Ano ang source nung malakas na pagsabog? Magiging sina JESSIE at MIKAL na ba? Kakabugin kaya nila ang YUL and PIOLO love team? Bakit parang laging tulog si KAYCEE? True kaya ang chika na sila na ang bagong favorite ni LAKBAY? Kung sila nga, sino yung mga "dati"? Malalaman na ba natin ang powers ng ating mga bida? Bakit ba andami ko laging tanong? Ako din naman ang mahihirapan na sagutin ‘tong mga nonsense na ‘to!


Ang ibang sagot sa mga tanong ng bayan plus other chismis sa susunod na …


… The Buzz??? …


… Witty! …


… sa susunod na pagsigaw natin ng …


SHANARA-LA-RA (clap-clap-clap)



Labels:


mga bagong chismis