Friday, May 19, 2006

Ang Sining ng Paghaliparot (1 of 5)



Ang saya saya! 3 weeks nalang nasa Pilipinas na ulit ang bakla. Dahil pairless si watashiwa, ang una sa listahan ko na dapat gawin paglapag ng eroplano sa lupang hinirang ay ito: MISSIONARY POSITION IMPOSSIBLE: >HANAPIN ANG TRUE LOVE!


Full throttle at pedal to the metal na dapat ang badet, ngunit matapos ng masidhing pagtitika-tika, na realize ko na wrong ata ...


Una, bakasyon lang ako, kaya pag-alis ko eh long distance drama nanaman at hindi na itu keri ng haggard kong heart. Pangalawa, haggard na nga ang heart ko, hahagardin ko pa sa pagiging asa-asa na in the span of 2 months eh mahahanap ko ang magiging ama ng liga ng basketball na itatayu ko in the future. Pangatlo ... wala na akong maisip, basta wrong talaga ang maghanap ng lovelife in this stage of my career. Taray 'noh?


Habang kumakain ng Otap na $7 isang kahon while listening to Charmaine Piamonte's pirated music, napag-isip ako ng slight ... mas mataray ata ang version n'ya ng I BELIEVE kesa kay Fantasia ... maliban duon ... naisip ko rin na bakit kaya parang ang desperate ko for a lovelife? Baket kaya lagi akong napaglalaruan ng mga lalake at bakla? Matapos nilang malasap ang alindog kong taglay (once or a couple of times) ay iniiwan nalamang nila lagi ako na parang isang basang pussy cat sa tabi ng imburnal? Why? Why? Why? Shet! Naisip ko tuloy na dapat ko ng sundin ang malupit na payo ni Mareng Cora ... Tama na! Sobra na! Palitan na!


I've suddenly noticed that I've been in a cylcle of desperate measures in finding true love for the past 25 years of my gaysistence. Ito siguro ang rason kaya hindi ko na alam kung nilalaro lang ako or not. Tuwing may magpapakita ng motibo saken e wala ng esep-esep na nagaganap! Ngitian lang ako eh true love lagi ang conclusion ko! Does it follow na Assumptionista ako dahil ang hilig ko mag-assume? I'm sure hindi lang ako ang ganito 'noh! Maraming players out there, at siguro, kasama ako sa maraming subconciously e willing to be played.


Dahil sa realization na yan, naisip ko na dapat malaman ko kung nilalandi lang ako para matikman ang angkin kong kasarapan or kung true love na ang nagaganap. The best way siguro na madetect natin 'yan eh to "think like the enemy". Dibinx? Parang sex kasi 'yan, hindi mo alam kung ano ang tamang rythm ng pag-indayog while on top kung hindi mo na experience maging bottom! JOKE! Wholesome nga pala ako.


Isip ulit ako ng fatale ... ano naman ang gagawin ko para matutunan ang wastong paglandi?





Matapos ng 12 sets ng pag-alternate ni Charmaine Piamonte sa pagkanta n'ya ng I BELIEVE at WHEN I NEED YOU, may bigla akong naalala.


Nung huling bakasyon ko eh binigyan ako ng uber ganda kong Ate Rica ng isang book on how to manipulate other people churva ekek in the workplace. Happy naman yung book dahil effective s'ya with more historical references on the side. Ang proof nga nito e nakakuha ako ng umento sa trabaho ko. Since na mention din sa book na 'yon na meron ding isinulat yung author about the ultimate stratagems in flirting, attack agad ang badet sa pinakamalapit na suking tindahan at bumili ng librong worth every penny of the $18.00 I've paid.


So this is it ... the summary of what I've learned from the book ... don't worry, after the 5th installment e sasabihin ko rin ang tittle & author ...


-=-=-=-=-=-





ANG SINING NG PAGHALIPAROT PART 1:
ANG MGA URI NG BIKTIMA




Lahat ng nilalang ni Bathala na girl, boy, bakla, tomboy, butiki at baboy ay may kakulangan sa kanilang pagkatao. Kung hindi ka lumaki sa pinaka-lilib na sulok ng Dajanggas, eh alam mo ang linya sa Jerry McGuire na "You complete me!". Sumikat yang ka-o-eyan na yan dahil everybody can relate to that crap. Karaniwan kasi, naghahanap tayo ng partner who will make us complete, who'd fill the void that exists sa puso(n) natin.


It's with that same truth by which seduction lures us. Karaniwan, willing tayo maging victim ng seduction dahil it flatters us to some extent and makes us complete ... even for a while.


Dalawa ang dahilan ko kung bakit I've made this special section of my book summary:



  • Kung ayaw mo maging biktima, dapat alam mo kung ano ang likas na kakulangan sa pagkatao mo para alam mo kapag ginagamit 'yun to control you.
  • Kung nais mong mang-biktima, mas magiging pulido ang pagsakatuparan mo ng krimen at magugulantang ka nalamang na tumaas na pala ang batting average mo sa paglaro ng puso't damdamin ng ibang tao!


Pinapalala ko lang na:



  • Ang kakulangan ng isang tao ay hindi makikita sa kanyang labas na kaanyuan lamang, dahil iba-iba tayo ng diskarte sa pag-pretend na masaya tayo sa buhay natin. Ang Sining ng Paghaliparot ay kinakailangan ng maigting pseudo-research. Contrary to what you think though, mas madali 'to sa pag-lip-synch sa kanta ni Tina Turner. Lahat kasi tayo usually send out signals to other people ng mga kakulangan natin, subconciously, nagagawa natin ang ating mini-cries-for-help through the small things that we do and say when we are on our off-guarded moments. Kung may napupusuan kang akitin, dapat masagap ng antena mo ang mga ito:

    • Ang kultura ng kinalakhan niyang pamilya.
    • Pano s'ya mag react sa mga drama-rama moments.
    • Slight history n'ya (work, tirahan, etc.)
    • Aesthetic taste n'ya through clothes, accessories, make-up, etc.
    • Laman ng mga jokes n'ya.
    • Laman ng mga nonsense na chika n'ya.


  • Lahat tayo ay combinasyon ng dalawa o higit pang uri ng biktima na ililista ko maya-maya. Ang trick dito ay ang abilidad mong masuri kung ano ang pinaka dominant na kakulangan ng biktima mo.
  • Huwag kang kukuha ng biktima na kaparehas mo ng kakulangan. Magmumukha lang kayong dalawang kolboy sa Cubao na naglolokohan (read: parehong nangangailangan ng pera).


Heto na ... ang unang 5 sa 18 uri ng biktima ng mga Haliparot ... alin ka rito?






1. Ang Nagbagong Haliparot




Ito yung mga dating happy-go-lucky na mga tao na magaling mang-akit ng iba. Ang clue? Marami silang EX at wala silang bitterness sa lahat ng ex nila dahil sila ang laging nangiiwan sa ere. Nagbagong buhay lang ang mga ito dahil maaring a) madami na silang nasaktan at na achive na nila ang quota nila, b) nakahanap na sila ng tao na magtyatyaga sa pagkahaliparot nila, c) gumagamit na sila ng Safeguard kaya tinubuan sila ng konsensya, or d) masyado na silang matanda. Marami pang maaaring dahilan, pero in short, tumigil na sila sa sining ng pang-aakit. Madali lang sila maging biktima. Baket ika'mo? Lahat kasi tayo eh laging hinahanap ang mga bagay na dating nagbibigay saten ng kasiyahan, pero sa mga Retired Haliparots, ibang level ang paghanap nila ng feeling na "nakakaloko" pa rin sila gamit ang kanilang alindog.


Iparamdam mo lang sa kanila na interesado ka ng "slight". If you go over "slight interest", chances are, turn-off sila agad sa'yo dahil nega sa kanila ang "commitment". NEVER make them feel you want a relationship or mas mabilis pa ang lipad nila kay Darna. You should create an illusion na interesado ka sa kanila pero may bagay na humaharang sa'yo to pursue your interest (best e.g.: may jowa kang iba), pag successful ang drama mo ... they will do all the courting for you! Just make sure you don't fall for these types, reformed man or active ... a Haliparot can never be faithful ... they always look for the next heart to break.






2. Ang Nawarakan na Pantasya




Nung bagets pa 'tong mga taong 'to eh sila yung tipong laging mag-isa. Dahil dyan, na develop ng husto ang imahinasyon at pantasya nila sa pamamagitan ng iba-ibang media. Sa sobrang pagkahumaling nila sa mga bagay na hindi naman totoo, nadala nila 'to hanggang sa pagtanda nila. The result? Never silang na satisfy with what life gives them dahil they still expect to get what they fantasize about. For them kasi, their fantasies SHOULD BE the reality. Don't get me wrong though - hindi sila mga baliwag. Nasobrahan lang talaga sa imahinasyon ang mga 'to kaya mahirap sa kanila tanggapin ang mga katotohanan sa buhay. Anyways, onti-onti din silang nagising at itinago sa kasuluk-sulukan ng kanilang mga gunita ang kanilang "perfect world".


Pagdating sa usapang puso, true pa rin ang na-mention ko sa itaas. Nagising na sila sa katotohanang hindi nila makakamit ang relasyong susulok kina Lam-Ang at Ines Kanoyan. Pumapasok at nagtitiis lang sila sa isang relayson for the sake of not feeling left out sa larangan ng pag-ibig. Pero sa totoo? Hope for the Flowers pa 'ren ang mga lola n'yo! Eto ang mga clues kung pano sila ma single out:



  • Mahilig ang mga baklang 'to sa love stories. Makikita mo ito sa mga librong binabasa at mga pelikulang pinapanuod nila.
  • Kakaiba ang interes na pinapakita ng mga badet na itu kapag nakarinig ng chismis tungkol sa ibang tao na exciting ang buhay at masaya ang love life.
  • "Traditional" na taste sa pananamit.
  • Aminadong nabuburaot s'ya sa love life n'ya.


Etong mga 'to ang masarap at madaling maging biktima. Masarap dahil sila ang mga "hopeless romantics" na willing magpabaril sa gitna ng Luneta sa ngalan ng pag-ibig. Madali dahil sa dami ng kinukubli nilang mga pantasya, magbigay ka lang ng slight suggestion na interesado ka sa kanila at ang mga GREAT POSSIBILITIES n'yo together - sila na ang mag i-imagine ng kabuuan ng slight suggestion mo. Taray diba? Konting puhunan, malaking kita! Basta tandaan mo lang na on the process, huwag magpakita ng kababawan - isang maliit na pagpaling sa pagiging perpektong "future love" eh kasama ka na sa listahan niya ng mga nagsira ng konsepto n'ya ng tunay na pag-ibig!






3. Ang Jeprox




Ehem! Isa ako dito! Hahaha .... Sila ang mga laki sa layaw. Nung bagets pa ang mga 'to, lahat ng gusto nila ay nakukuha nila. Habang bisi ang ibang kyota sa paghanap ng ibang paraan ng kaaaliwan kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, ang mga Jeprox ay pinalaki sa paniniwala na ibang tao ang mag e-effort ng pang-aaliw para sa kanila. Ang karaniwang side effect ng paglaki ng bata sa ganitong sistema: madali silang maburyo, hindi sila kampante na manatili ng matagal sa iisang lugar o sitwasyon.


Ang susi upang maakit ang mga jeprox SA UMPISA, can be summed up in a word - VARIETY! Hindi ito yung variety na German Moreno version ha! Ang ibig kong sabihin dito, kung gusto mong maging interesante sa paningin ng isang jeprox, dapat, laging may bago - bagong pupuntahan, bagong kakainin, bagong gagawin, etc. ad infinitum. Maliban dyan, dapat lagi kang misteryoso sa paningin n'ya. Dapat ay lagi mo s'yang magugulat sa mga "hidden" parts of your past or side of your character. Effort 'noh?


Ang kadalian nila mabalutan ng boredom eh hindi dahil sa likas silang daot . Ang totoong reason dito ay sadyang nasanay sila na "pwede silang magsawa". Nakasanayan nila na kapag hindi na sila naaaliw sa isang bagay, madaling makakuha ng kapalit. Ang tanong ng bayan ... Sino ba ang nagbibigay ng kapalit ng pinagsawaan nilang laruan nung bata pa sila? KORAK! Ang mga magulang niya! Ayan ang tunay na dahilan kung bakit dapat mabigyan mo s'ya ng variety sa umpisa. Through giving them "distractions", they will eventually see you as a new "parent" who will spoil them. Eventually, they will grow dependent on you, not just for entertainment, but for other (read:deeper) reasons.


Tandaan mo rin na hindi lahat ng jeprox ay mayaman ... at hindi lahat ng mayaman eh jeprox! So pano mo malalaman kung ang isang tao eh pinalaking jeprox kung hindi mo maibabase sa kapal ng wallet n'ya?



  • Madami at iba-iba ang mga grupo ng kaibigan na sinasamahan.
  • Hindi makatagal sa isang trabaho, tirahan o kaganapan.
  • Madaling mamangha sa mga maliliit na bagay ngunit mabilis ding manamlay.
  • Matamlay sila for life. Effort na siguro sa kanila maging super energetic ng limang minuto.
  • Kahit na dukha o hampas-lupa, ang mga lumaking jeprox ay mayroong GENUINE AIR OF ARISTOCRACY that sometimes, even rich people and social climbers alike can't outshine. What can you expect? They grew up being treated as royalties!






4. Ang Makabagong Moralista




Minsan sa kanilang kabataan, may naganap sa mga ito na naging sanhi upang isipin nila na dapat, ang lahat ng ginagawa nila ay angkop sa pinaniniwalaang wasto ng nakararami. Kalokah noh? Eto ang ilang traits nilang very obvious:



  • Hindi sila nawawalan ng pintas sa ibang tao na hindi sumusunod sa pinapaniwalaan nilang "wasto".
  • Takot sila magsuot ng damit na pwede silang matawag na "fashion victim". Dahil duon, they end up wearing uber boring clothes.
  • Konti nalang eh pwede na silang tawaging obessive compulsive - addicted sila sa istriktong pagsunod sa routine. Isa kasi ito sa paraan nila upang masupil ang kanilang mga itinatagong kabahuan.


HUWAT?! Tama ang nabasa mo! Kabahuan nga! Basically, may dark force ang mga Jedi Warriors na ito. Dahil hindi nila bet ang tawag sa kanila ng kadiliman, itinago nila 'to in the deepest chasms of their psyche. Ang pilit nilang pag-control ng mga likas nilang pagkatao ang dahilan kung bakit nagiging O.A. sila sa pagsunod sa pamantayan ng kabutihan. Ayan din ang dahilan kung bakit mahilig sila mampintas. Na-i-inggit sila sa kalaayaang tinatamasa ng ibang tao na hindi nagpapakulong sa bigkis ng isip-lupon. Eto din ang magagamit mong leverage over these people.


In truth, ang mga taong 'to eh intrigued parin sa dark side nila. Tandaan mo, malakas ang attraction nila sa mga "wild" at "carefree" types dahil interesado sila na matikman ang ganuong lifestyle, pero they quell this interest by trying to make themselves believe that they aren't. Ang best tactic? Huwag kang matakot na husgahan n'ya. Pabayaan mong laitin ka n'ya mula sa iyong split-ends to your uncut toe nails. After nun, pretend na gusto mong magbago at nais mong sundin ang kanyang mga payo.


Bakit ito ang best tactic? Magkakaruon ka kasi ng rason to spend time with him/her. Kung hindi kaya ng powers mo ang magpanggap, just make sure na you would come in constant contact with this person. Your constant presence is enough to draw out the Moralista's dark side. Don't try to push him/her into changing though, Moralistas would just be turned-off by this at lalo silang magmamatigas sa mga prinsipyo nilang peke. Ipakita mo lang sa kanya na masaya maging "wild" at "carefree". Ipakita mo na other people's comments don't matter to you. The Moralista will soon realize that you are living a happier life. If you feign friendship ... BOOM! ... you have a victim! Eventually, you will be this person's teacher ... and master!


(Maiba lang ha ... I think this same concept is true kung bakit social climbers detest jologs like me. Social climbers spend so much time pretending and controlling their inner jologs nature kaya pag may nakita silang walang pakielam sa Imaginary Pinoy Caste System nila at namumuhay ng masaya bilang jologs eh kinamumuhian nila itong mga ito at pinauulanan ng panlalait. Anyways, this is another topic I'll discuss some other time ... "THE JOLOGS RULE".)






5. Ang Bituing Nawalan ng Ningning




Lahat tayo ay naghahanap ng pansin. Lahat tayo gusto maging bida. Sa karamihan, pabugso-buso lang ang kagustuhang ito. Kapag nakamtan, e'di masaya. Kung hindi, e'di deadma.


Ang pinagkaiba ng mga BITUING NAWALAN NG NINGNING sa karamihan ng tao ay ang posibilidad na isang panahon sa kanilang buhay ay naging mga bituin silang nuknukan ng ningning. Maaaring dati silang child star, bold star, action star, athlete, mascot ng pamilya, atbp. Sa madaling sabi, nasanay silang tumatanggap ng sandamukal na papuri't attensyon mula sa ibang tao. Nawala ang maigsing kasikatan na ito. Kinailangan nilang mabuhay kasama ang mga normal na nilalang ng bayan. Sa uang tingin ay parong OK lang sa kanila ang pagkawala ng kanilang taglay na kislap, pero sa totoo, hinahanap nila ito. Ang pag-pigil nila sa kanilang sarili na magmukhang naghahanap ng pansin ay nagiging pabigat sa kanilang damdamin.


Malalaman mo kung ang isang tao ay dating Bituing maningning when the person is in his/her unguarded moments. Kapag nabigyan sila ng maliit na atensyon at papuri ay kakaiba ang kanilang reaksyon. Mas natatangkilik nila ang ilang seconds of slight fame compared to others at nagiiba ang kanilang demeanor when this happens .... the former child/bold/action/reality-tv star comes back to the center-stage! Sa mga chismisan sessions, hindi din nila kayang pigilan ang sarili na ipagmayabang ang mga accomplishments at glory days nila when the occassion permitts them ample talk-time to do so.


Madali lang maakit ang mga ganitong uri ng tao. Make them shine! Flatter them! Deadma na kung magmukha kang alalay. Isipin mo nalang na ang lahat ng pabigat sa kanyang dibdib na naipon sa pagpipigil na magmukha siyang naghahanap ng attensyon at bubulwak na parang tubig sa nasirang dam. Only this time, instead of water gushing through the cracks you've provided - love, gratitude and unbridled passion will bathe you ... all for the simple help you've given in letting the person shine like a star once more!




Hanggang dito muna ... ang haba na kasi eh ... the next 13 types ng biktima will be coming up in 2 days. It includes: ANG BAGUHAN, ANG MANANAKOP, ANG BADJAO, ANG REYNA NG PINILAKANG TABING, at marami pang iba! Comment naman d'yan kung nabasa mo 'tong entry na 'to ng buo without falling asleep!



Labels:


mga bagong chismis