Tuesday, April 18, 2006

Segue 3 - Pagkapit sa Nakaraang 'di Mababago ni Mababalikan


*sigh*


O da'vah? Umpisa pa lang alam mo agad na drama itu! Alam kong nagbabasa ka dito for "escapist reading" - in short, para maaliw. Pero since ang madlang bayan ay naaaliw sa malalagim na kinasasasapitan ng ibang nilalang, alam kong ikakasisiya mo rin ang drama ko.


Anyways, more d/l ang badet ng mga piratang .mp3 and I stumbled upon Kyla's revival of the super straight-haired Ella Mae Saison classic. Mega listen habang pilit kong binabasa ang isang nakakaburaot na libro ng mag-asawang David & Leigh Eddings (The Elder Gods - Book One of the Dreamers). Biglang ... Shet na extra sticky sa pwet! ... na emote ako promise! Hindi dahil sa walang kwentang libro, kundi dahil sa song ni Kyla (na mataray kung ang ginawa n'yang surname e Minogue).


Sumikat kasi 'tong song nung Grade 6 ata ako or something, kaya familiar s'ya pero nde ko learn by Heart Evangelista ang pinatutunguhan ng lyrics. Na gets mo ba? Explain ko pa ha .. ang slow mo eh ... different pala pag alam mo yung song nung bagets ka pa tapos maririnig mo ulit pag ka join mo na si Cheetara sa Thundercats. Parang totoo ang chismis na with age comes wisdom. EXAMPLE: Dati dance galore ka lang ng Roger Rabbit at Running Man to the tune of Ice Ice Baby by Vanilla Ice, tapos ngayung may edad ka na e na realize mo bigla na ang awitin palang iyon e tungkol sa pagbuwis ng buhay ng ating mga ninuno upang iahon ang ating inang bayan sa burak na kanyang kinalulugmukan! Kari? Keri!


Siguro na e-mote lang din ako dahil sunod-sunod ang subliminal messages na pumasok sa ga-pasas na utak ni bakla:



  1. Kakabasa ko lang ng blog ni lola LOJIKA. In fairness sa blog na 'to, hindi s'ya mainstream (read: hindi 1 million hits per day) pero kahit na ako na kebs sa ka etchosan ng konsepto ng love e na t-touch. Ang drama sa buhay ng babaeng 'to e sinusulok ang ANAKARENINA, ANA LUNA, FLOR DE LUNA at ANA LIZA combined! The last post I read in her blog was about being "A.A." (Asa-Asa sa pag-ibig).

  2. Kakabasa ko lang din a couple of days ago ng blog ni BERZ, at although nakakatawa ang eksena ni becky, pasok pa rin sa makipot na banga ni Lola Basyang ang churva n'ya na "GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING". Beegees at Steps on the loose divinx? (speaking of Steps, na'san na kaya sila?)

  3. Kakatapos ko makipag chat sa isang badet na BAKA maging TITI ko (This Is Truly It!). In fairness sweet s'ya kaso ang gulo pa ng isip ko kasi feeling ko mauulit nanaman 'tong alamat na ito ...


... nuong unang panahon, mga 2 years ago, na in-love ang isang baklang operada ang ilong sa kaharian ni Madamme Senyora Donya Gloria Macapagal-Arroyo ... the mystical world of Mystica ... the land of dinuguan and asusena ... the fantabulous world of Encantadia!!!



In fairness pang tele-novela ang pag-meet namin. Nanunuod ako ng movie by myself during that time. Vacation ko nun from work and I was waiting for my friend James Harmann. Since early ako sa appointment namin by 3 hours, watch galore ng movie. Habang lumalafang ng hotdog with sarsi on the side, may nag-stalk sakin sa luob ng sine. Hindi ko alam kung ano ang habol n'ya: A - puri't alindog ko; B - hotdog at sarsi ko or C - wallet ko (I'm sure wallet ang sagot). Super tensyonada na si bakla so lipat akey ng upuan. Follow the river ang stalker. Lipat ulit ng upuan. Follow the yellow brick road naman s'ya. Wala sa'kin ang ruby slippers ni Dorothy kaya hindi maka-teleport pabalik ng Kansas si bakla. Standing galore nlng ako sa likod para kung saksakin n'ya man ako e may makakapansin na may isang nuknukan ng gandang bakla na biglang babagsak sa sahig da vah? Nung sisigaw na ako ng "HOLD-UP" (baka kasi may chance na mapatay ko sa sindak si Barbarang hold-uper) biglang may lalaking nakasuot ng T-shirt na SUPERMAN na tumabi saken tapos ask s'ya ng "May problem ba?". After that umalis yung stalker ko! True itong kaganapan na ito promise! Tamaan man si KIRK at EFREN ng pink na kidlat ... now na! To cut this short, basta naging kami after meeting several times since that event.


Fast forward tayo ng slight ... after one and a half years ...


Since sa istits nga nag-aararo ng tigang na lupa ang bakla e naging long distance relationship ang drama namin. Nag vacation na ako ulit nun pero hindi s'ya nakipag meet. Deadma nlng ako dahil mag b-board s'ya nung time na yun so inintindi nalang ni bakla na nde carry ang distraction. Nung next vacation ko na, ayaw nanaman makipag meet. Paalis na ulit ako nung pumayag na s'ya sa pangungulit ko. Naloka akey kasi gusto ko manuod kami ng HARRY FUTA 4. Since nag meet kami during a HARRY FUTA movie din, naisip ko na ang sweet naman kung ayun ang panuorin namin for more balik-tanaw na drama. Ang text ng ex YUMYUMS ko ... "Let's just have coffee." ... Paranoia 101 habang dance-dance revolution ang badet in maniac mode!


Bilang isang chismosa ng taon, alam ko na pag gusto mong makipag break at alam mong Best Actor in a Female Role ang jowa mo, sa public market ang best place para hindi makagawa ng eksena yung i-b-break mo. So I was sure na breaking point na nga ng love affair namen. Nauna na si bakla sa sinabi n'yang coffee place. Get ng Kapeng Barako to calm myself at hithit ng isang pack ng yosing gawa sa Cebu. More pa cute ang mga becky sa katapat kong table pero deadma lang ako dahil nagiipon ako ng luha para sa drama-rama-sa-dapit-hapon namin ni YUMYUMS.


Dumating na s'ya ... and syet! Naka Superman shirt ulit s'ya! I wish sinuot ko ang t-shirt ko na Wonderwoman para winner kami ng best in costume! (Lilinawin ko lang na madami s'yang shirt na Superman in different colors ha! Baka iniisip n'yo na after 1-1/2 years ayun pa rin ang suot n'ya.) Nung umupo na s'ya sa harap ko e parang nakita ko si Celine Dion na super sing ng It's All Comming Back dahil kinilig pa rin ako sa ngiti n'ya. Usap kami. Yung usual na usap ng mga mag-asawang bakla ... "Ilan ang nahada mo nung wala ako?", "Nagpapavontrapp ka na ba?", "Nag-iba ka ng foundation no? Parang pumuti ka kasi." ... mga ganyang chikahan ng mag-asawang badet. Habang nag-uusap kame, nag p-production number na ang mga baklang chismosa sa paligid namin dahil nakita nilang holding-kamot kami ni YUMYUMS.


Siguro nakakaloka talga pag may nakita kang lalaking may goattee na mukhang pumapatay ng badet tapos may ka holding-hands na lalaking nakasuot ng Superman na t-shirt sa katawan n'yang parang hinubog ng kamay ng gay version ni Bathala. Promise, nung hi-hello-shampoo-session namin ni YUMYUMS eh hindi mo mahahalatang scotch-on-the-rocks ang relasyon namin dahil para kaming mga rekado sa isang pa-contest ng patamisan ng panucha at sundot-kulangot.


Matapos ng ilang saglit (after 2 minutes), na felt kong dapat seryosong usapan na, kasi, sinasayang lang namin oras naming dalawa kung nakipag meet lang s'ya to formally break-up. Tatanungin ko na sya nun kung may feelings pa ba s'ya saken .. biglang talak si YUMYUMS ..


YUMYUMS: I love you.


Syet! Kilig to the bones with matching spontaneous orgasm at nag Hallelujiah si Bamboo somewhere out there beneath the pale lamp-light! But when I looked into his eyes. Teka, teka, teka ... may wrong yata! May sinasabi pa s'ya nun kaso hindi ko na naintindihan dahil nag-voice-over si Inday Badiday (RIP) sa isip ko: "Kinekembot ka lang n'ya! Wittels ka na n'ya love! 1-1/2 years na kayong naglolokohan! Mga bakla! Mga salot ng lipunan! Itigil n'yo na ang kalaswaan n'yo! Saranghameda!" ... Choz! .. basta parang ganyan naiisip ko nun, kasi parang walang sincerity sa eyes n'ya.


CUPCAKES (akechiwa): Wag mo na nga ako bolahin. Be honest, may naging jowa ka when I was away no?


Nung sumagot na sya sakin, smile lang si bakla. Laugh galore. Excuse na mag punta ng C.R. para umiyak ng slight. Hilamos, punas luha. Labas ng CR. I asked more information tungkol sa sinagot n'ya and continued prettending na happy ang moment. Laughed, smiled, drank coffee, smoked some more cigarette, asked for more details, and imagined I was stabbing him with a bolo tied with a pink ribbon while shouting "Todo na itu!" ... Ang sinagot n'ya kasi e isang tumataginting na "YESTERDAY, TODAY AND TOMORROW!". In short, nung wala ako e nagkajowa s'ya ng ibang badet! Saksak puso tulo ang dugo ang scenario in front of a fake bonsai sa gitna ng jutes na coffee table! Parang hanggang ngayun pag naiisip ko yung eksena namin sa coffee shop na pinamumugaran ng 'sangkaterbang bakla e naiiyak pa rin ako.


CUPCAKES: So makikipag break ka na?


YUMYUMS: Hindi, I love you.


CUPCAKES: E pano yung nakwento mo na lover mong bago?


YUMYUMS: Parang ikaw, iniwan n'ya din ako. He's in Singapore na.


CUPCAKES: So kayo pa rin?


YUMYUMS: Weren't you listening? Hindi naman kami naging official dahil alam n'yang ikaw ang mahal ko. I just needed somebody to talk to nung wala ka. Alam mo naman madami akong problema sa bahay. Ayoko na dumagdag sa mga iniisip mo. Saka it's easier to talk than write an e-mail.


CUPCAKES: Alam mo deadma na. I can't do this anymore and you don't have to explain anything (ang sosi namen mag-away no? In english talaga). Alam kong hindi mo na 'ko mahal. Naaawa ka nlng sakin kaya you can't say it to my face. So we're officially off now?


YUMYUMS: Ayoko, I love you! Bat ba ayaw mo maniwala? I love you. I always have and always will. Maniwala ka naman please.


(Director's note: cue in Kyla's songs, pan from right, zoom in on Jhezper's face, cue teardrops from Jhezper's right eye, cresendo music, then fade music with screen fade-out while MAHAL fades-in singing Queen of the Night.)


-----


Sabi nila masakit pag iniwan ka ng mahal mo para sa iba. Sabi nila mas masakit kung mamamatay ang mahal mo. Sabi nila pinakamasakit pag iiwan ka sa ere. Sakin? Masakit pag walang lubricant. Joke! Sige seryoso na ... sakin, pinakamasakit kung alam mong hindi ka na mahal ng isang tao pero pinapaniwala mo ang sarili mo na mahal ka pa rin n'ya. Masakit pag i-expect mong yung tao na mahal mo ang makakasama mo habang buhay. Na kahit anong mangyari, at kahit gaanong katagal na panahon ang lumipas na magkalayo kayo eh mahihintay ka n'ya. Mas matatanggap ko ang mga salitang "I don't love you anymore" kesa sa "I Love You" na alam mong either a sweet nothing or a politically correct gesture to calm you down from your big dramatic scene. Masakit pag na realize mo na ang pinananaligan mong sinabi ni Marleu-Ponty na "Love conquers time and space" sa kanyang Phenomenology of Love e haggang 1-1/2 years lang pala sa layong 15,000 miles.


Hindi ko alam pero 25 years na akong bakla at parang lahat ng relasyon ko e illusyon lahat. Siguro nga GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING. On my end, masaya nga ang pamilya ko at social life ko pero wala naman akong lovelife. Siguro that's my tradgedy, I'm a hopeless romantic who's never destined to experience real romance. Siguro, that's my life and I'd have to learn to appreciate what I have and not fancy on a wishful thinking.


Maganda naman daw ako sabi ng nanay ko. Gwapo naman daw ako sabi ng tatay ko. Matalino naman daw ako sabi ng mga ate at ng kuya ko. Maayos naman daw ang pagpapalaki saken sabi ng mga kamag-anak ko. Mabait naman daw ako sabi ng mga kaibigan ko ... bakit kaya walang nagmamahal sakin na hindi ko kabarkada o kapamilya?


... Siguro I'll find TRUE love someday ...


... I just wish it would be in this lifetime ...


*sigh*


-----

... 'eto na ang kantang may kasalanan kung bakit ang pathetic ko ngayun ... april 28 ... *sigh* ulit ...





TITLE: If the Feeling is Gone
ARTIST: Kyla
ALBUM: Not Your Ordinary Girl


if the feeling is gone,
please don't pretend,
that you still love me.
i can see it in your eyes,
and it hurts to admit it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you know if the feelin' is gone.


there's a sadness in your smile,
though i try to conceal it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go, if the feelin' is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know that i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go,
i just have to let you go,
i just have to let you go,
if the feelin' is gone.


... stay ...




Labels:


mga bagong chismis