Segue 3 - Balik-Tanaw sa Araw ng Tatarin
On behalf of my kachokarans na mga babaylan, katalona, mangkukulam, mambabarang, mananambal, albularyo, at manghuhula ... isang maligayang ARAW NG TATARIN sa inyong lahat! Alam kong late ako ng pagbati noh! Pero sabi nga nila, better late than later and better later than latest! Chem-boat!
Importante ng fatale 'tong araw na 'to sa mga katulad naming praning dahil nananalig kaming kasabay rumarampa ng Kilusang Mayo Uno si Mother Earth habang naghahanap ng makaka sex! Truly, madly, deeply! Ito ang pinananaligan ng mga pagano kaya mahalaga 'tong araw na 'to sa amin! Habang bisi ang iba sa pagkilos-protesta at pag-awit ng "Gloria Labandera", bisi kami sa pangongolekta ng props at pagsayaw ng hubo't hubad sa gitna ng masukal na gubat to celebrate Summer Solstice!
Secret lang 'tong i-s-share ko sen'yo kaya 'wag n'yo dapat ikalat 'to ha!
Gusto n'yo bang makita ang soulmate n'yo?
Eto ang proseso:
- Kumuha ng salamin saka kandila. Kung meron kang "scrying disk", happier yan gamitin! (SCRYING DISK: pabilog na salaming pininturahan ng itim maliban sa mga gilid nito at ibinilad sa ilalim ng buwan ng 30 araw bago gamitin)
- Pagdating ng April 30 ng gabi, dapat prepared na yung mga nachika kong props. Siguro naman enough na ang isang taon para sa pag hanap ng kandila saka salamin da'vah?!
- Pagpatak ng 12 ng hating gabi (so nasa gitna ka ng April 30 saka May 1), buksan mo ang kandila tapos sight ka sa salamin habang inu-ulit-ulit 'tong chant na 'to:
- ANG NA ANG NA, SU LA PU KAN, SO MAS KI TOT, MO KO MO KO!
- Etchos lang yung preceding step, litanya yan nina Tito, Vic & Joey during their TODAS days. Ang trulagen:
- SA MGA INGGLESERA: Mirror mirror, show to me, him whose soul forever with I'll be.
- SA MGA JOLOGS: Salamin Salamin, ipakita sa akin, ang s'yang habangbuhay kong makakapiling.
Ang chismis, dapat makikita mo salikuran mo ang soulmate mo while looking at the mirror. Kung hindi daw yung soulmate mo, si Taning ang magpapakita sa'yo in a skimpy Speedo swim wear! Tumpak! The Prince of Darkness, The Fallen Angel, Beezelbub, Mephistopheles, The Bringer of Light ... LUCIFER!
In fairness, na try ko s'ya last night. Kebs ko ang concept na si Satanas ang makaka-chikahan ko kasi at least mapag-u-usapan na namin ang logistics saka board & lodging expenses ko pag panahon ko ng pumunta sa Kingdom n'ya 6 milyon feet under. Anyway, naloka ako kasi iba ang nangyari saken ...
While doing the chant, instead na future ang makita is nahatak ako papunta sa past! Kalokah no? Ni reveal sakin ng isang spirit guide na kamukha ni TOM BABAUTA (na dating ka love-team ni Snooky Serna) ang mga katotohanan sa likod ng mga nilalaro natin nung mga bagets pa tayo:
-----
LANGIT, LUPA, IMPYERNO, IM-IM-IMPYERNO.
SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO.
BUHAY, PATAY, UMALIS KA NA DITO!
Ang chika sakin ng spirit guide ko eh inimbento daw 'to ni Padre Damaso para takutin yung mga ninuno natin para jumoint sila sa simbahang Katoliko. Na notice n'yong "Impyerno" yung inulit-ulit at hindi "Langit"? Anyways, yung part na "Saksak puso tulo ang dugo" - Yan daw ang gagawin ng mga sundalo pag wittels ka jumoint sa pag sing ng "Welcome to the Family" kasama sina Uncle Bob & the Lucky 7 Club! "Buhay, patay, umalis ka na dito!" - Mensahe daw ito sa mga Babaylan (Transgender in transit/Androgenous/Transvestite/Hermaphrodite Priests), Katalona (Priestesses) at Mananambal (Shamans) na pag hindi sila aalis sa nasasakupan ng simbahan ay bibigyan sila ng ticket to heaven! Harsh no?
-----
CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY SHAKE, CROSS MARY SHAKE!
Kung si Padre Damaso eh may propaganda para ma-convert ang mga katribo ni Kirara, may sariling version daw ang mga Babaylan, Katalona at Mananambal. Ginawa daw 'to ng mga pagano para balahurain si Mother Mary. Intended daw 'to para ma-imagine ng mga tao na sumasayaw si Mary ng mala-Beyonce Knowles na pag-shake habang nasa tapat ng cross. Kalokah noh?
-----
BATO, BATO, PICK!
Ayun sa spirit guide ko, inimbento daw 'to ng isang adik while shopping for shabu sa Blumentrit.
-----
NANAY, TATAY,
GUSTO KONG TINAPAY, GUSTO KONG KAPE.
LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN N'YO!
Ayun kay TOM the Spirit Guide eh kanta daw 'to ng isang malditang prinsesa nuong panahon ng mga Maharlika. Sa sobrang kaka demand n'ya daw sa mga parental guidance n'ya ng kung anik-anik, naburaot sa kanya ang hari't reyna kaya pinatali s'ya sa puno at pinaliguan ng THERMO ENHANCED CAFFEINE EXTRACT (kumukulong kape).
-----
PEN-PEN DE SARAPEN, DE KUTSILYO DE ALMASEN,
HOW HOW DE CARABAO, DE BA TUTEN.
Ang first part nitong kantang 'to eh tungkol daw kay PENPEN na apelido ay DE SARAPEN na nagnakaw ng kustilyo sa cabinet (almasen). Nalokah ang mudra at pudra n'ya dahil pinatay n'ya ang kalabaw nilang si Islaw sa pamamagitan ng pagsaksak ng sampung beses!
SIPIT NAMIMILIPIT, GINTO'T PILAK,
NAMUMULAKLAK, SA TABI NG DAGAT!
Ang second part naman daw nung kanta ay tungkol pa rin kay PENPEN na matapos patayin si Islaw eh tumakas patungong Maynila at ginamit ang pangalan na PIT dahil idol n'ya si BRAD PITT. Sa kakatakbo ni bakla sa pagtakas sa mga pulis, nagkaron s'ya ng apendisaytis kaya lagi s'yang namimilipit. Later on ay kinabog daw niya ang nanalo sa lotto dahil nakapulot s'ya ng mga gold at silver na bulaklak sa Manila Bay at sinangla niya lahat sa Cebuana Pawnshop.
SAYANG PUTI, TATLONG SALAPI,
SAYANG PULA, TATLONG PERA.
NOGNOGNOG MANGGANG HINOG!
Dahil mayaman na si PENPEN na ngayun ay kilala bilang PIT, naging excited s'ya na waldasin ng walang patumangga ang pera n'ya. Pumunta s'ya sa pinakamalapit na CASA para kumuha ng prostitute dahil nga 25 na s'ya pero si Islaw pa lang ang naka sex n'ya. Ang crush n'ya talaga is yung crossdresser na nakapalda na puti pero 3 pesos daw ang bayad. In the end, kinuha n'ya yung babaeng nakapalda na red dahil 3 centavos lang daw. Nainlove si PIT sa puta kaya pinakasalan n'ya ito. Bumili s'ya ng manggahan at duon isinilang ang kanilang anak na si NOGNOG na pinaglihi sa manggang hinog.
-----
Marami pa s'yang ni reveal sakin na secret codes sa likod ng mga games na pambagets kaso hindi ko daw pwedeng sabihin sa iba as of the mement dahil sikreto daw silang malupit.
Pero kung meron kayong larong pambatang kailangan ninyo talagang malaman ang nakakubling kahulugan, sabihin n'yo lang saken para ma-contact ko ulit ang spirit guide ko.
Bilang pagtatapos, napapansin n'yo ba na ang mga bata ngayun eh walang ganitong mga laro? Parang lahat sila nagmamadaling tumanda. Naaalala ko nung bata pa ako eh gusto ko ring tumanda agad para makapanuod ako sa SM ng mga PG13 na movies. After that gusto ko ulit mas tumanda pa para makapanuod naman ako ng PG18. Pero ngayun, parang na realize kong nakakamiss maging bata. Yung tipong play all-day-long ka lang ng piko, chato, tumbang preso at barbie dolls ng ate mo. Yung panahong kapag may gusto kang bilhin e umiyak ka lang sa nanay mo hanggang lumabas ang laman-loob mo at kung tama ang bilang ng luha na papatak sa namumugto mong mata, a-appear na yung gusto mo like Magic Flakes.
Ngayon, sa dami ng responsibilidad natin, parang ang sarap maging bata ulit. Ngayon, lahat ng gusto natin eh kailangan nating pagpawisan. Tapos yung pinagpapawisan mo e mapupunta ang ilang bahagi para sa pamahalaang hindi ka naman pinapamahalaan ng wasto. Yung tipong instead na ipambili mo ng fake na Gucci bag sa greenhills e ibabayad mo sa tax mo, na alam mo namang sa bulsa ng kung sino lang mapupunta. I'm sorry Mother Nature, siguro next year hindi muna ako sasayaw ng hubad sa gubat. Baka sumama muna ako sa ibang manggawa na rumarampa sa kalsada. Hindi na ako bata so I might as well do something adult-ish. Baka dun ko pa makita ang soulmate ko - in fairness madaming gwapong aktibista.
Wala lang ... alam kong hindi bagay sakin magpaka-pseudo-socially-relevant ... subok lang ...
-=-=-=-=-=-
Eto ang sample ng mga makikita n'yo sa SHANARA UNIVERSE na ginagawa ko pa rin hanggang ngayun. Pinapaalala ko lang na:
- Ginawa ko yung drawing sa baba sa pamamaigtan ng Pressure Sensitive Stylus Pen and Tablet. Meaning, hindi ko yan sketch sa papel tapos iniscan at finotosyap. Natuklasan kong EFFORT pala ang magdrowing direkta sa compyuter at sinayang ko lang ang "$99.99 after mail-in rebate" ko! ... Hindi pa ako sanay sa ganitong proseso ng pagdrowing kaya ang chaka pa. Hopefully makakasanayan ko din. Kung magaling ka mag sketch at may idea ka sa itsura ng mga characters ko sa blog, e-mail mo lang tapos i p-post ko dito (syempre indicating your name).
- May buhay ako aside from blogging kaya sensya na kung ang tagal ko matapos. Anyways, nadarama ko namang wala talagang nagbabasa ng mga kabulastugan ko kaya wala ring nakakapuna na dead yung link ko sa Shanara Universe.
- Alam kong mababaw yung post ko ngayun. Wala kang magagawa dahil blog ko 'to 'noh!!
Labels: Segue
← bumalik sa punong pahina