Kabanata 8 - SHANARA-LA-RA hanggang wakas!!!
ANG NAKARAAN: Nagising ang ating mga tigapagligtas sa loob ng klinika na walang maalala sa mga naganap sa kanila matapos ng isang malakas na pagsabog sa loob ng kanilang dalubhasaan. Dahil sa mas maraming natamong pinsala sa katawan ang kanilang kaibigang epileptik na Italyanong ramp model ay nanatili ito sa klinika hanggang kinabukasan. Atin silang balikan sa loob ng silid kung saan isinisiwalat sa kanila ng kanilang tigapagsanay ang taglay nilang kapangyarihan.
-=-=-=-=-=-
Kagyat na tumayo si MELCH nang tinawag ang kanyang ngalan ni DIAMOND. Hindi na niya pinuna ang bulungan ng mga kasamahan nila sa loob ng silid hanggat sa siya'y nakarating sa gitna ng hugis bilog na entablado.
Lumapit siya kay DIAMOND upang kunin ang hiyas na nakatakda sa kanya. Nang inilabas na ni DIAMOND ang dalawang hiyas na laan sa kanya ay nagtaas ng kamay ang isa sa mga nagsasanay sa dalubhasaan - isang Bumbay na ang ngalan-Shanara ay INGGIT.
INGGIT: Ms. Diamond, we were just wondering why he is being given two power gems! All of us received one each.
DIAMOND: This is a special instruction from MAMA LAKBAY.
INGGIT: Don't you think it's unf...
DIAMOND: I am not thinking of anything you are suggesting ... and neither should all of you. It is not part of my job to question the decisions of the headmistress. Now, sit down so we can continue our tests.
Nang nakaupo na si INGGIT ...
DIAMOND kay MELCH: Alam mo na ang gagawin mo.
Sumigaw si MELCH ng "SHANARA-LA-RA IN THE AFTERNOON!".
Yumanig ang buong dalubhasaan na parang mayroon malakas na lindol habang si MELCH naman ay pinalibutan ng dilaw na ilaw. Matapos ng ilang saglit ay humupa ang liwanag na galing kay MELCH at nakita ng lahat ang kanyang anyong Shanara - kamukhang-kamukha ni SAILORMOON sa dilaw na gayak.
DIAMOND: Now, swallow the two gems I've given you.
MELCH: Seryoso ka?! E kasing laki 'tong mga 'to ng christmas balls!
DIAMOND: Mukha ba akong nagpapatawa?
MELCH: Eh bat yung sa iba kanina hindi naman nila nilunok! Nilagay lang nila sa mga tiara nila.
DIAMOND: Malalaman mo kung bakit sa Mission Briefing n'yo. Si MAMA LAKBAY na ang magpapaliwanag. Lunukin mo na 'yan dahil nasasayang ang oras ng lahat.
Matapos isubo at lunukin ang unang hiyas ay hinintay ni MELCH na mabilaukan siya ngunit walang nangyari. Isinubo at nilunok niya na rin ang kasunod na hiyas.
DIAMOND: Ang una mong sinubo ay ang HIYAS NG LUPA. Kapag sumigaw ka ng "BATOBALANING BALAT", magiging bakal ang buong katawan mo. Bago ka sumigaw, isipin mo munang maigi kung anong klase ng bakal ang gusto mo. Malinaw?
Tumango si MELCH.
DIAMOND: Pag gusto mo ng bumalik sa dati mong anyo, sumigaw ka ng "LATBA NINGLABATOBA". Malinaw?
Tumangong muli si MELCH.
DIAMOND: FORCE-FIELD NGAYUN DIN!
Alam ni MELCH na matapos sabihin ito ni DIAMOND ay mayroon na itong gagawin upang suriin kung tunay na nakinig sa kanyang mga bilin ang mga mag-aaral. Ang unang mag-aaral na sumailalim sa pagsasanay na ito ay biglaang binagsakan ng isang Tamaraw FX. Ang una niyang naisip ay "ginto" upang kung matutulad siya sa unang mag-aaral na nauwi sa klinika ng dalubhasaan ay kaiga-igaya pa rin siyang tignan.
MELCH: BATOBALANING...
Bago pa niya matapos ang kanyang sigaw ay tumilapon si MELCH sa lakas ng suntok na ibinigay sa kanya ni DIAMOND. Kung walang force-field na pumipigil na makapasok at makalabas ang kahit na anong uri ng bagay, enerhiya at tunog mula sa pabilog na entablado ay siguradong tumilapon siya hanggang sa dulo ng silid. Salamat din sa force-field ay hindi niya narinig ang sigawan sa galak ng ibang mga mag-aaral, pigil-hininga ng mga natitira, at ang pag-awit ni KANTA ng "Arayyy" ni Mae Rivera.
DIAMOND: Sa totoong combat, hindi ka hihintayin ng kalaban mo.
Nagsimulang maglakad papalapit kay MELCH si DIAMOND.
MELCH: BATOBALANING BALAT!
Tumilapon si DIAMOND patungo sa kanang bahagi ng entablado habang abala si MELCH sa pagkilatis ng kanyang kumikinang na ginintuan balat. Mabuti nalamang ay yari sa diamond ang kanyang buong katawan kaya hindi nawasak ang mukha ni DIAMOND sa lakas ng sipa na ibinigay sa kanya ni MELCH.
Nang makatayo na si DIAMOND...
DIAMOND: Very good! Now, for your second power. Ang pangalawang hiyas na ibinigay ko sa iyo ay ang HIYAS NG HAPLOS.
Idinura ni DIAMOND sa sahig ang isa niyang ngipin na natanggal sa pagkakahulma dahil sa lakas ng sipa ni MELCH na tumama sa kanyang pisngi.
DIAMOND: TANGGAL FORCE-FIELD NGAYUN DIN!
Tumingin si DIAMOND sa paligid na tila may hinahanap.
DIAMOND: From now on, you shall all refer to MELCH as HAPLOS when he is in his Shanara form. Now, INGGIT, please join us here on-stage.
Kahit na nag-aatubili ay nagtungo si INGGIT sa gitna ng entablado kasabay ng masigabong palakpakan ng mga nanunuod.
DIAMOND kay HAPLOS: Ano ang pakiramdam mo?
HAPLOS: Medyo ngarag po. Haggard kayo sumapak I swear.
DIAMOND (na pinipilit pigilan ang kanyang kagustuhang tumawa): Mag transform ka pabalik at hawakan mo si INGGIT.
Matapos bumalik sa anyong Shanara mula sa kanyang batobalaning anyo ay hinawakan niya sa batok si INGGIT. Kasabay nito ay naramdaman niyang nanumbalik ang kanyang lakas at si INGGIT naman ay bumagsak sa sahig na walang malay-tao.
DIAMOND na pabulong kay HAPLOS: May kapangyarihan kang mang-agaw ng lakas sa pamamagitan ng paghipo. Pinapaalala ko lang na ang power na 'yan eh - una, hindi magagamit para pumatay, at pangalawa, hindi mo siya pwedeng i-turn-off kahit na nasa Terran form ka na. Malinaw?
HAPLOS: Ba't ganon?
DIAMOND: Ganun tal'ga.
-=-=-=-=-=-
Itinaas ni KIRK ang isang maliit na lipstick at mula sa lipstick ay mayroong umalinga-ngaw na malakas na boses ...
"SHANARA-LARA IN THE AFTERNOON!"
Mula sa lipstick na kulay asul ay may bumulwak na tubig na pinalibutan si KIRK. Matapos ng ilang sandali ay mistulang pumasok muli ang tubig sa loob ng lipstick at ang natira sa dating KIRK ay isang babaeng naka gayak ng suot ni SAILOR MERCURY na kakulay ng kanyang bughaw na buhok. Nagbulungang muli ang ibang mga mag-aaral sa loob ng silid nang makita nilang dalawang hiyas din ang ibinigay ni DIAMOND kay KIRK.
DIAMOND (matapos lunukin ni KIRK ang dalawang hiyas): Talk to me.
Sa isip ni KIRK ay ["Shonga pala 'tong bilat na 'to, alam niya naman na hindi ako nakakapagsalita."]
DIAMOND: Una sa lahat ay hindi ako tanga, pangalawa, ang HIYAS ng BIGKAS ay nagbibigay sa'yo ng kapangyarihang i-project ang iniisip mo sa ibang tao basta't nasa layo sa'yo ng 5 yards.
[KIRK]: Kalokah!
DIAMOND: Kalokah tal'ga! Ngayun naman ay isipin mong sumisigaw ka ng "Matimyas na agos ng tubig ng magpakailanman". Habang inisip mo ito ay mag concentrate ka kay INGGIT.
Matapos isipin na sinisigaw niya ang itinurong pangungusap ni DIAMOND ay nagpalakpakan ang lahat nang biglaang napabalikwas sa sahig si INGGIT. Sa isang iglap ay pinapalibutan si INGGIT ng kakaibang pagkutitap ng mga kulay bughaw na alitaptap. Nawala ang mga alitaptap, umupo, tumingin sa paligid, at tumayo si INGGIT. Kasabay nito ay biglaang umawit ng muli si KANTA - ngayuon naman ay ang "You Raise Me Up" ni Josh Groban ang narinig sa kanya.
DIAMOND: INGGIT, please stay where you are. And KANTA, please try to control your powers and shut-up. I'm starting to get irritated with you.
Napakamot ng ulo si INGGIT at nanatili sa kanyang kinatatayuan.
DIAMOND kay KIRK: Ang HIYAS NG TUBIG ay nagbibigay sa iyo ng kapangyarihang manggamot ng mga karamdamang nakuha ng isang nilalang o hayup, 5 minutes bago mo 'to gamitin. Sa madaling sabi, kung 6 minutes na ang tagal ng isang sugat ay hindi mo ito mapapagaling. Malinaw? Ang dalawa mo pang dapat tandaan ay: una, hindi ka maaaring bumuhay ng patay, pangalawa ay magagamit mo lang ang power na 'to every 24 hours, or once per day.
[KIRK kay DIAMOND habang naluluha]: Thank you po, hindi n'yo alam what these gifts mean to me.
DIAMOND: You don't have to thank me because you were destined to have these powers. Bumalik ka na sa upuan mo at sabihan mo si KAYCEE na siya na ang susunod.
Nagpalakpakang muli ang mga tao nang ipakilala na ni DIAMOND si KIRK bilang BIGKAS sa anyo niyang Shanara. Naglakad si BIGKAS na kumakaway sa lahat na mistulang nagwagi sa patimpalak nga pagandahan.
-=-=-=-=-
Nagulantang si KAYCEE at biglaang nagising sa kanyang pagkaiglip nang narinig niya ang boses ni KIRK. Matapos ng pitong taon na pagkabingi ay ito ang pangalawang beses niyang nakarinig. Ang unang pagkakataon ay nang kinausap siya sa pamamagitan ng telepathy ng kanilang reynang si LAKBAY ng nakalipas na araw..
KAYCEE: Ang taray! I can like hear your voice in my head! O my gosh, you can talk na!
[BIGKAS]: Mamaya na tayo mag-chikahan, turn mo na daw sabi ni DIAMOND. Go na bading! Alam mo na ang gagawin diba?
Nagtungo sa gitna ng entablado si KAYCEE at sumigaw ng "SHANARA-LA-RA IN THE AFTERNOON!". Pinalibutan siya ng kulay violet na ilaw at dumagundong sa buong silid ang tunog ng kulog. Nang nawala ito ay isang babae na kamukha ni SAILOR JUPITER ang naiwan. Tulad nina KIRK at MELCH ay dalawang hiyas ang ibinigay sa kanya ni DIAMOND. Matapos lunukin ang mga ito...
[DIAMOND]: Ang unang hiyas na sinubo mo ay ang HIYAS NG ULINIG.
KAYCEE: Oh my gosh! I can hear your voice din! Is everybody in this place turning into telepaths?! Grabe na'to!
[DIAMOND]: Actually, hindi ako telepath, ang HIYAS NG ULINIG ay nagbibigay sa'yo ng ability na "makarinig" ng iniisip ng ibang tao within 5 yards.
KAYCEE: Ang taray ng powers ko shocks!
[DIAMOND]: Speaking of shocks, ang HIYAS NG AGITAB ay magbibigay sa'yo ng power na manguryente sa pamamagitan ng pag-hawak. Isigaw mo lang ang "haplos ng agitab" and maaactivate ang power mo. Ang wattage ng kuryenteng pwede mo ma-produce will increase depende sa state ng emotions mo. Subukan mo kay INGGIT.
Lumapit si KAYCEE kay INGGIT at hinawakan niya ito sa batok.
KAYCEE:HAPLOS NG AGITAB!
Kasabay ng pag-awit ni KANTA ng "Electricute" ni Debbie Gibson ay nangisay si INGGIT at umunat ng panumandali ang kanyang kulot na buhok. Nang bitawan siya ni KAYCEE ay bumagsak siyang muli sa sahig.
DIAMOND: From now on, KAYCEE shall be called ULINIG in his Shanara form!
Habang nagpapalakpakan ang mga tao ay tinawag ni DIAMOND si ART.
Inalalayan ni JESSIE si ART tungo sa entablado. Biglang may malakas na tunog na umalingawngaw sa silid.
SLAP!
May sinampal si ULINIG na isang kasamahaan nila sa loob ng silid.
ULINIG: How dare you! Hampas-lupa ka! What were you saying na i'm fat?! I'm not fat! My bone structure is just a bit bulkier! Nyeta ka! Mahirap!
SALIMPUSA: Wala naman ako sinasabi e!
ULINIG: I heard you! Hindi mo ko kilala at ang extent ng connections kosa government! BUSABOS! I'll have you killed and fed to my dalmatian! DUKHA!
DIAMOND: Could anybody near ULINIG relay to him that he should stop his soap opera there or I'll send him to the clinic in a wheelchair! He's too far from me for my thoughts to reach him.
Biglang napatigil si ULINIG sa pagsasalita, umikot siya at tumingin sa entablado. Pumalakpak siya na parang batang tumatawag ng kalapati sa kalangitan.
ULINIG habang pumapalakpak at pumipito na nakasubo ang dalawang daliri sa bibig: GO ART! LOOK AT HIM O! THATS MY FRIEND ON THE STAGE!!!
-=-=-=-=-=-
Napahinga ng malalim ang lahat sa silid sapagkat matapos mag bagong-anyo ni ART ay mistulan siyang sumabog at pinalibutan ng apoy. Nang humupa ang apoy na bumalot sa kanya ay naiwan ang kanyang anyong Shanara - si SAILOR MARS!
Tulad ng iba niyang kaibigan ay sinubo niya ang dalawang hiyas na binigay sa kanya ni DIAMOND.
DIAMOND: Can you see me now?
Pinunasan ni ART ang luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata. Matapos ng pitong taon na pagiging bulag ay ngayun lamang siya muling nakakita. Kahit na kakaiba ang kanyang mga natatanaw kumpara sa mga naaalala niyang imahe nuong siya ay nakakakita pa ng wasto ay nagpapasalamat pa rin siya.
DIAMOND: I suppose you can only see two colors. Black and red. That is because you technically can't see. May x-ray vision ka within 2 yards. Ayan ang kapangyarihang taglay ng HIYAS NG TANAW. Ngayun naman ay subukan natin ang power na bigay sa'yo ng HIYAS NG APOY. FORCE-FIELD NGAYUN DIN!
Napuna ni ART na biglang tumahimik ang kapaligiran. Lumayo si DIAMOND at sinunod ni ART ang iniutos sa kanya ng kanyang guro na isigaw ...
ART: NAGLILIYAB NA BOLANG APOY!
Ang kamay ni ART ay pinalibutan ng apoy.
DIAMOND: Throw it anywhere ... you are not resistant to fire yet ... throw it now!
Dahil malayo sa dalawang yarda ang kinatatayuan ni DIAMOND ay hindi niya alam na ang naibato niyang bola ng apoy ay tumama sa mukha nito. Tumilapon si DIAMOND at bumangga sa di-nakikitang dingding na nakapaligid sa kanila.
Nang nakatayo nang muli si DIAMOND ...
DIAMOND: Be careful next time, natamaan mo ako sa mukha!
ART: Sorry po.
DIAMOND: Walang anuman. TANGGAL FORCE-FIELD NGAYUN DIN!
Nadinig ni ART na bumalik ang ingay ng silid at nangingibabaw dito ang malakas na boses na kumakanta ng "Through the Fire" ni Chaka Khan.
DIAMOND: From now on, we shall call him TANAW in this form!
Nagpalakpakang muli ang mga tao at minostrahan ni DIAMOND si JESSIE na hindi niya na kalingang alalayan si TANAW pabalik sa upuan nito. Tumango si JESSIE at umakyat ng entablado.
-=-=-=-=-=-
Kasabay ng pagpalit-anyo ni JESSIE tungo sa kanyang anyong Shanara na kamukha ni SAILOR VENUS, at kanyang pagsubo ng dalawang hiyas, ay ginising ni BIGKAS ang natutulog nilang kaibigang si MIKAL.
[BIGKAS kay MIKAL]: Wake up MIKAL, you're not planning on missing this are you? It's JESSIE's turn.
---
DIAMOND: FORCE-FIELD NGAYUN DIN!
DIAMOND kay JESSIE: Ang HIYAS NG SAMYO ay nagbibigay sa'yo ng kapangyarihang "makaamoy" ng panganib sa pamamagitan ng pheromones na nilalabas ng bawat nilalang. The slightest change in a person's emotional state changes the pheromones he or she excretes as well. I know you are smart, naiintindihan mo ba ang point ng sinasabi ko?
JESSIE: Opo.
Naglabas ng baril mula sa kanyang suot na fanpack si DIAMOND.
Nagulantang si JESSIE sa hawak na baril ng kanilang guro at nagsimula siyang maglakad ng paatras. Hindi niya namalayang nasa paanan niya na pala ang nakahandusay na katawan ni INGGIT.
Natalisod si JESSIE sa katawan ng kanilang kamag-aral at bumagsak sa sahig.
---
Bago mapigilan nina TANAW at BIGKAS si MIKAL ay nakaalpas na ito sa pagtakbo tungo sa entablado.
Sa pagsulyap ni MIKAL ay nakita niyang may hawak na baril si DIAMOND.
Nakaharang sa daanan si ULINIG at nakikipagsapakan kay SALIMPUSA kung kaya itinulak siya ni MIKAL upang makaraan. Humambalos ang mukha ni ULINIG sa upuang yari sa bakal na gumawa ng malakas na ingay na nagmistulang may sumabog.
BANG!
Sabog rin ang atensyon ng mga tao sa silid; ang iba ay kina JESSIE at DIAMOND, ang ilan ay sa walang malay na si ULINIG na sinisipa ni SALIMPUSA, at mas marami kay MIKAL na sinusuntok ang di-nakikitang force-field at humahagulgol habang sumisigaw ...
MIKAL: WHAT THE FUCK'S YOUR PROBLEM YOU SICK BITCH!!! WHY THE FUCK DID YOU SHOOT AT MY FRIEND?! JESSIE, HOLD ON ... I'M HERE ... I'LL SAVE YOU!
Matapos sumigaw nito ay nagsimulang kumislot ang katawan ni MIKAL sapagkat sinusumpong na siya ng kanyang epilepsi at bumagsak siyang nangingisay sa sahig.
---
Napaluha si JESSIE sa sakit ng kanyang pagbagsak sa sahig. Naaninagan niya sa malayong likuran ni DIAMOND na may taong tila mayruong sinusuntok sa kawalan. Kagyat na nakaramdam ng irita si JESSIE dahil naisip niyang umaagaw nanaman ng attensyon si MIKAL. Naputol ang kanyang iniisip nang biglaan siyang nakaamoy ng pagbabago sa hangin.
Agad siyang gumulong sa sahig patungo sa kanan.
BANG!
DIAMOND: I'm impressed, congratulations JESSIE.
Nakita ni JESSIE ang nangingisay na katawan ni MIKAL sa sahig sa labas ng entablado.
JESSIE: Ma'am I think MIKAL is having an epileptic seizure outside.
DIAMOND: I'll attend to him when we're done here. As I was saying, that was a show of superb reflexes. Now, for your 2nd power. Ang pangalawang hiyas na sinubo mo ay ang HIYAS NG HANGIN. With that gem, may kakayahan kang lumipad for 5 minutes max per day. Sumigaw ka lang ng "LIPAD HANGIN".
JESSIE: But Ma'am, I'm really scared of heights. And that guy outside looks like he's in dire need of your help.
DIAMOND: As I told you, hindi tayo lalabas dito hangga't hindi ka tapos.
At ngumiti si DIAMOND na parang aso na nakaamoy ng sariwang buto.
Nasulyapan ni JESSIE si MIKAL na nagingisay sa sahig, sinusuntok siya ng paulit-ulit sa dibdib ni TANAW habang nakatulala naman si BIGKAS kasabay ng kanyang pag-ikot ng kanyang daliri sa kanyang bugaw na buhok.
JESSIE: LIPAD HANGIN!
Hindi inaasahan ni JESSIE na mabilis ang kanyang paglipad.
Sumalpok ang kanyang ulo sa mataas na kisame ng silid.
Kung gaano kabilis ang kanyang pag-usad pataas ay gayun din ang bilis ng kanyang pagbagsak sa lupa.
BLAGAG!
Habang padilim ng padilim ang kanyang paligid ay narinig niyang may umaawit ng "My Heart Will Go On" ni Celine Dion.
Bago tuluyan siyang mawalang-malay ay mayroon bumulong sa kanyang isipan ...
"You ...
... will ...
... never ...
... have ...
... him ..."
-=-=-=-=-=-
... itutuloy
...
Labels: Kabanata
← bumalik sa punong pahina