Tuesday, May 30, 2006

Ang Sining ng Paghaliparot 2 sa 5



Sorry kung antagal ko nag-post ng update for this "How-To Guide". Sadyang naging busy lang ang lola n'yo sa pag rampa sa


... (play 30 counts of a 1/16 beat-double-bass-pedal drum-roll) ...


JUNEAU, ALASKA!


Ang lamig dito I swear by my boxers! At summer ngayun ha! I-p-post ko ang mga rampa pix ko sa unang chapter ng CHRONICLES OF PEPITA.


Dito rin ang alis ko on June 3, da-dating ako d'yan ng June 5, 11:00 AM, flight 901 ng Cathay Pacific! I wish maabutan ko ang first "big" fashion show ni KIRK. O s'ya s'ya Padilla, eto na ang karugtong nung naudlot kong post last time ....



-=-=-=-=-=-




ANG SINING NG PAGHALIPAROT PART 1 (continued) :
ANG MGA URI NG BIKTIMA






6. Ang Baguhan




Lahat tayo ay nagsimula bilang mga baguhan sa larangan ng laro ng puso, ngunit ang mga BAGUHAN na tinutukoy ko ay kakaiba. Ang ganitong uri ng biktima ay hindi yung mga talagang bobo at inosente sa mundong kanyang ginagalawan. Ang "Baguhan" na tinutukoy rito eh yung mga taong may "vague idea" based solely on second hand experiences (e.g. books, stories from friends, t.v. shows, blog hopping, porn surfing, etc.). Sila yung mga excited sa mga bagay-bagay ukol sa larangan ng pag-ibig, pero medyo lurky sa idea na ma-experience ang mga nasasagap nilang chismis by themselves.


Tingin ng ibang mga tao sa kanila ay mga rekado sa cream puff dahil sa katamisan at kalinisan nila. Deep inside, nega to the heavens na sila sa image nila bilang "walang alam". I know it's a cliche to say this, but ... "curiosity really does kill the cat"! These kittens' innate bric-a-brac tungkol sa larangan ng puso at puson will be to their own demise.


In all fairness, you might think luring these "children" wouldn't be that difficult. WRONG! Getting their trust is uber difficult! Una sa lahat ng dapat mong tandaan, ang mga Baguhan are paranoid. Not like the real novices, these people already have an idea of the pitfalls kaya they tend to be more perceptive of deception. Pangalawa, although cautious sila, they are still attracted sa mga taong medyo childish and innocent like them, ngunit experienced sa mga bagay-bagay. Pangatlo, mas attracted sila kung may mababakasan din sa iyong kapilyuhan (the same dark force na pinipigilang sumingaw ng mga Moralista).


Tulad ni LORD BYRON, dapat ma-achieve mo ang isang imahe sa utak ng biktima mong Baguhan ... that you are like them, the only difference being ... you have already tasted the forbidden fruit which they long to pick from the serpent's tree.


Mas marami kang mapa-experience sa mga ito ay mas lalalim ang "majika" mong naitatanim sa puso niya. Panindigan mo na rin ang pagiging ika-apat na kasapi ng BOYOYONG - use colors and spectacles to dismiss the doubts of a newbie. If you use enough fireworks, his defenses will fall down in perfect synchrony with his clothes. Dapat mo ring tandaan na minumulat mo ang biktima mong baguhan, hindi lamang sa larangan ng Kamasutra, kundi sa mga bagong idea, experience, at mundo (literal at metaporikal). Use these to introduce him to the world he longs to tread on.


One word of caution though, some people feign their innocence. Based on experience, playing the "sweet & naive" card holds so much power over older people, both at work and in love. Though these people are a bit more experienced than the purer Baguhans, they still remain trully naive (because a jaded person can NEVER SUCCESSFULLY feign innocence, they'll just end up looking like retards in doing so). The same tactics mentioned in handling their purer version will still be effective, but breaking through their shell would be a tad bit more difficult. Persistency would be the key to open their chastity belts.


Even if your pseudo-relationship ends-up in a big dramatic scene when he finds out that you are nothing but a player, in the end, you'll forever be in the Baguhan's heart as the one who taught him everything. As one mushy song goes ... "First Love Never Dies".






7. Ang Mananakop




Ang mga Mananakop ang isa sa mga uri ng biktimang mahirap ma-detect. Why? Different people use different tactics to conquer others and curb circumstances to their own benefit. A person can be aggressive and shout his lungs out like Regine Velasquez on her 2nd high octave, or he may use hushed sweetness and coquetry to trick people into doing his biddings ... different tactics but same result.


Kung hindi mo pala makikita sa panlabas na anyo kung ang isang tao ay Mananakop, papaano mo sila masisilat sa dagat ng sangkatauhan?


Suriin mong maigi ang kanyang pamamaraan ng pakikitungo sa trabaho at sa kanyang personal na mga relasyon. Kapag nagawa mo ito, mapapansin mong:



  • Hindi kasama sa kanilang leksika ang salitang "defeat".

  • Takaw sila sa kapangyarihan at kahit na ano ay kaya nilang gawin para makamtan ito.

  • They are always in full control of their emotions except when they are defeated or when they can't get what they want. Though not suffering from bi-polar disorder (as I am), these people will go into a berserker outburst when frustrated, then suddenly simmer down as they find another way to acquire what they want.


Tandaan mo din na hindi lang puro mga lalake ang mananakop! Andyan sina Lou Andre-Salome, Natalie Barney, Margareth Thatcher at Miriam Defensor-Santiago. The same rules on luring their male counterparts apply to these dominatrixes, with or without the leather corset.


Parang harsh no? Parang ang hirap nila mabiktima. Ano ang dapat gawin? Do what JOSPHINE did to make NAPOLEON crave for her! People usually think that to make these conquerers ogle for you is to make yourself look fagged out of your lifeforce and lie on your back while your legs are in eagle spread like a dry land waiting to be sowed. Hindi itu ang tamang ruta iha! Never show too much weakness to these types. When they see you as weak, they will either dimiss you as a petty bitch or may take over you and leave you ravaged like a "comfort woman" without having an orgasm. Tandaan mo na as the "FALLEN STARS" seek attention, these types hunger for a challenge to surmount. Be a bit difficult, fake mood swings, then use your charms and shake those bootie - do this while giving out small clues that you are interested in him (or her).


The word here is "CHALLENGE". Make him feel your are difficult to get, but not too distant.


Before you know it, you have already conquered the conqueror.






8. Ang Badjao




Attack dito! Attack duon! 'Yan ang ruta ng mga Badjao. Though it's true that all of us are interested in the exotic, ang mga Badjao are over the top dahil ito ang nagpapainog ng kanyang mundo. Sa katotohanan, malaki ang kanilang nararamdaman na kakulangan sa kanilang pagkatao at digusto sa sarili (read: they hate who they are). Hindi nila tanggap ang kanilang pinanggalingan, ang kanilang social class (na karaniwan eh middle at upper which really isnt a bummer), at ang kultura ng kanilang kinalakhang lunan dahil hindi nila gusto at matanggap ang kanilang mga sarili.


Isa sila sa pinakamadaling ma-recognize. Heto ang ilang clues:



  • Mahilig rumampa (as in travel here, travel there and travel everywhere).

  • Ang kanilang pananamit at gamit ay galing kung saaan-saang lupalop ng kalawakan ... imitation man or original.

  • Mahilig sa tugtugin at sining ng ibang kultura o bansa.

  • Mababakasan ng pagkarebelde.

  • They walk the extra mile in their Blahniks just to change how they look.


Obviously, kung ganitong klase ang gusto mong maging biktima, dapat ay hindi ka kabilang sa pilit n'yang tinatakasan. Kung ayaw n'ya ang pagiging Pilipino n'ya (which would usually be the case), dapat ay may foreign blood ka or have gone to another country at the least. If you are not exotic nor have an iota of an alien genome in your DNA, drop your props and look for the next location shoot dahil masasayang lang ang oras mo. Pero kung trip mo talaga s'ya, it is always possible to hyperbolize the small things that make you exotic and turn it into a moro-moro for his amusement. Be different from the average Juan Dela Cruz, through your clothes, the things you talk about, the places you take your victim to. Exaggerate a little and they will gladly imagine the full script of your line because most of these type are self-deluders ... it is with their lying to themselves that they find "happiness".


After all the effort, ang mga Badjao ang pinakamahirap maibigkis ang interes sa isang tao. Ang bagay na kakaiba sa iyo, na kanyang kinahumalingan, ay madali niyang mapagsasawaan at malilimutan. Bago pa ito dumating, just make sure you've already taken whatever it is that you wanted in the first place.


(Ang isang variety ng Badjao are those who feel trapped and stagnated in a relationship, work place, hackneyed neighborhood, etc. Ayaw na nila kung saan sila naruruon kaya naghahanap sila ng kakaiba to escape their boredom. Ang pinagkaiba nila sa unang uri ng Badjao na nabanggit ay ang sitwasyon nila sa kasalukuyan ang kanilang kinabuburyo, hindi ang kanilang pagkatao).






9. Ang Reyna ng Pinilakang Tabing




Ever watched the movie "Confessions of a Teenage Drama Queen"?


Ping ping kuping habang gumigiling sa tugtugin ng Pinikpikan! Ayun sila!


Hindi nauubusan ng drama sa buhay ang mga taong ito. Lahat ng minahal nila ay sinaktan sila. Lahat ng sitwasyon ay sila ang agrabyado! Ang mundo ay galit sa kanila! Kailangan nila ng taong makikinig sa mga kinasapitan nila, ngunit hindi nila kailangan ng payo at tulong! Mapababae or lalakeng version, nakakalokah sila sa drama!


Kung ganito ang nais mong maging biktima, never think, even for a nano-second, na ang kailangan nila is somebody nice, sweet and structured. Wrong! Wrong! Wrong! You'd only make them fly to Bohol and sing the opening sequence of "Sound of Music" on one of the Chocolate Hills.


Why? These people like their drama. Ang paghuhumiyaw nila sa kanilang nakaiiyak na pamumuhay ay ang paraan nila upang matakasan ang boredom. That's what you should give them ... something to complain about! Make them feel you love them, but never bore them with sweetness. Dapat may instances na para kayong nasa tele-novela - s'ya si Juday at ikaw si Galdys Reyes. For some sordid reason, they like feeling pain every now and then. If you balance your love-hate scenes well enough, mas magiging malupit pa ang pagkapit n'ya sa'yo kesa sa tukong pinaliguan ng Mightybond.


Kung nais mong magkaruon ng mahabang relasyon sa ganitong uri ng biktima, be prepared to live a life of darma sans the 24/7 video coverage.






10. Ang Guro




This covers both the genuine & pseudo-intellectuals. Lumaki sila na pilit sinusuri at inaalam ang lahat ng bagay na kanilang masubukan. Kahit na sa usapang pag-ibig at pakikipagtalik, it is almost always with a great deal of thought and analysis that they share their views. Dahil sa pinili nilang pag-ibayuhin ang kanilang kaalaman, hindi sila nasisiyahan sa kanilang panlabas na kaanyuan. Upang masapawan ang insecurities nila sa kanilang itsura at katawan, they use their mental superiority to lord over others. When you are engaged in a conversation with these people, you'll find that they have a sense of humor dryer than the Sahara. Their comments are usually sardonic - you can never really tell what they are saying pero you can sense that they are looking down on you. Nais nilang matakasan ang intelektuwal na hawlang kumukulong sa kanila; nais nila ng ganap na pisikal na karanasang hindi kinakailangan ang kanilang pagsusuri.


Minsan, ang mga Guro ay nakikipag-relasyon sa kapwa Guro, ngunit karaniwan, naghahanap sila ng karelasyong mas mababa sa kanilang antas. Sa katotohanan, sa pusikit ng kanilang gunita, these nerds are praying to their god(s) to be trounced upon by someone who has a very "physical" presence (read: katakam-takam na alindog).


Masarap maging biktima ang mga ito dahil umaapaw and disgusto nila sa sarili. Make them feel like they are the human incarnation of Adonis/Aphrodite, and they will be your slaves. Make them think you adore their organic structure and they will worship yours.


Tandaan: ang iyong pain sa mga Guro ay ang pagkakataong matakasan ang kanyang isipan. Never reveal your intellectual tendencies if you have any because you'll just be squelching him of his competitive juices. Hayaan mo lang na ang pakiramdam niya ay s'ya lang ang may alam ... because you know that you are the one who is catually controlling the situation, for you give him what he desires more than anything in the universe ... physical stimulation!






11. Ang Marikit




If you've read Gregory Maguire's book "The Confessions of an Ugly Stepsister", you'll know that BEAUTY IS A CURSE. When a person is truly beautiful, other people tend to disregard the other facets of her being aside from their face and body. Ordinary-looking blokes like us admire the Marikit from afar. The self-absorbed ones who can muster enough courage to be in close proximity with the Marikit will be there with conversation being the last thing in mind. Dahil dito, ang Marikit ay maihahambing sa isang isla na hindi mapuntahan.


Alam ng Marikit na ang kanyang taglay na kagandahan at alindog ang bukal ng kanyang kapangyarihan. Dahil dito, lagi siyang nangangamba na manguluntoy at pumanaw ang kanyang kariktan. Kung totoo siya sa kanyang sarili, nabuburyo na rin siya na sa eksena na ang kanyang panlabas na kaanyuan lamang ang interesante para sa ibang tao.


Madali lang mabitag ang mga Marikit. Hanapin mo ang kapat ng kanyang pagkatao na hindi napapansin ng iba - his humor, skills, and intelligence (which more often than not is underrated). Worhip that and let the Marikit know. Ofcourse, dapat sambahin mo rin ang kanyang katawan, dahil tulad ng nasabi ko, alam niya na iyon (at sa kanyang isip ay iyon lamang) ang kanyang kapangyarihan. Kasabay sa pagsamba sa kanyang alindog ay dapat mo ring ipaalam sa kanya na sinasamaba mo rin ang kanyang kaluluwa at isipan. Intelelctual stimulation works extremely well on the Marikits for this will distract him from his myriad insecurities, and it will eventually make him think that you value that side of his personality.


Dahil sanay ang Marikit na laging pinagmamasdan, natuto siyang maging passive. Sa ilalim ng kanyang mistulang katamaran ay ang kagustuhan niyang kumilos - na siya naman ang hahabol at hindi ang hinahabol. Sa gitna ng iyong pagsamba sa kanya ay magparamdam ka ng biglaang paglamig, na kailangan mo ang kanyang pagsuyo. Turuan mo siyang kumilos at mapupuna mo nalamang sunud-sunuran na siya sa iyong mga layaw - tulad ni Cinderella ... ang Marikit na alipin.






12. Ang Bonjing


Maarring takot sila sa kamatayan o dili kaya ay sa pagtanda. Maaari ding sadyang naging masaya ang kanilang kabataan kaya and mga Bonjing ay hindi maiwan-iwan ang kanilang pagkabagets. Because they dislike responsibility, Bonjings never take anything seriously. They live their whole lives like a stroll in a mall on a Saturday. At their twenties they could be cute, thirties interesting, forties ... ummm .. I guess a retard.


You might think that a Bonjing with another Bonjing would be a great combination because everything will be all fun and games. Guess again! Kung susubukan mong akitin ang isang Bonjing sa pamamagitan ng pagiging isa pang Bonjing, I'm pretty sure that he will see you as nothing but a competition. Ang kailangan ng isang Bonjing is a "parental figure". You should at least prettend to be structured and prudent. A strange way of seducing, but effective nonetheless.


Tandaan mo rin while acting as this person's "parent", you should never tell him off. Huwag mo siyang sitahin at husgahan sa kanyang mga ginagawa. Makipaglaro ka kapag maaari. Kung hindi man, eh umarte ka nalang na naaaliw sa pagka-isip-bata niya. Kung magagawa mo ang mga ito, a bond stronger than Elmer's will bind him to you.


Sa umpisa, nakakaaliw ang mga Bonjing, pero tulad ng mga bata, they have the tendency to be narcissistic. Dahil dito ay limitado lamang ang kasiyahang makukuha mo sa pakikisalamuha sa Bonjing ... maliban nalamang siguro kung trip mong umarteng magulang ng kapwa mo gurang.




Dito na muna dahil half-way palang ako sa panunuod ng special features sa Sound of Music. Imagine ... naging extra pala sa movie yung totoong MARIA?!?! Yung scene na kumakanta si Julie Andrews ng "I Have Convidence" para magpa-Von-Trapp .. I mean ... papunta sa mga Von Trapp, dumaan siya sa isang archway. While singing eh may matandang babae na naka full-Austrian outfit na may ka-jpoint na dalawang bagets na tumawid sa likuran niya ... those are the REAL Maria Von Trapp with her grand children! La lang, na share ko lang ...


Promise susubukan ko i-upload ang remaining 6 types of victims bukas!


Lab 'ya all!


Labels:

Friday, May 19, 2006

Ang Sining ng Paghaliparot (1 of 5)



Ang saya saya! 3 weeks nalang nasa Pilipinas na ulit ang bakla. Dahil pairless si watashiwa, ang una sa listahan ko na dapat gawin paglapag ng eroplano sa lupang hinirang ay ito: MISSIONARY POSITION IMPOSSIBLE: >HANAPIN ANG TRUE LOVE!


Full throttle at pedal to the metal na dapat ang badet, ngunit matapos ng masidhing pagtitika-tika, na realize ko na wrong ata ...


Una, bakasyon lang ako, kaya pag-alis ko eh long distance drama nanaman at hindi na itu keri ng haggard kong heart. Pangalawa, haggard na nga ang heart ko, hahagardin ko pa sa pagiging asa-asa na in the span of 2 months eh mahahanap ko ang magiging ama ng liga ng basketball na itatayu ko in the future. Pangatlo ... wala na akong maisip, basta wrong talaga ang maghanap ng lovelife in this stage of my career. Taray 'noh?


Habang kumakain ng Otap na $7 isang kahon while listening to Charmaine Piamonte's pirated music, napag-isip ako ng slight ... mas mataray ata ang version n'ya ng I BELIEVE kesa kay Fantasia ... maliban duon ... naisip ko rin na bakit kaya parang ang desperate ko for a lovelife? Baket kaya lagi akong napaglalaruan ng mga lalake at bakla? Matapos nilang malasap ang alindog kong taglay (once or a couple of times) ay iniiwan nalamang nila lagi ako na parang isang basang pussy cat sa tabi ng imburnal? Why? Why? Why? Shet! Naisip ko tuloy na dapat ko ng sundin ang malupit na payo ni Mareng Cora ... Tama na! Sobra na! Palitan na!


I've suddenly noticed that I've been in a cylcle of desperate measures in finding true love for the past 25 years of my gaysistence. Ito siguro ang rason kaya hindi ko na alam kung nilalaro lang ako or not. Tuwing may magpapakita ng motibo saken e wala ng esep-esep na nagaganap! Ngitian lang ako eh true love lagi ang conclusion ko! Does it follow na Assumptionista ako dahil ang hilig ko mag-assume? I'm sure hindi lang ako ang ganito 'noh! Maraming players out there, at siguro, kasama ako sa maraming subconciously e willing to be played.


Dahil sa realization na yan, naisip ko na dapat malaman ko kung nilalandi lang ako para matikman ang angkin kong kasarapan or kung true love na ang nagaganap. The best way siguro na madetect natin 'yan eh to "think like the enemy". Dibinx? Parang sex kasi 'yan, hindi mo alam kung ano ang tamang rythm ng pag-indayog while on top kung hindi mo na experience maging bottom! JOKE! Wholesome nga pala ako.


Isip ulit ako ng fatale ... ano naman ang gagawin ko para matutunan ang wastong paglandi?





Matapos ng 12 sets ng pag-alternate ni Charmaine Piamonte sa pagkanta n'ya ng I BELIEVE at WHEN I NEED YOU, may bigla akong naalala.


Nung huling bakasyon ko eh binigyan ako ng uber ganda kong Ate Rica ng isang book on how to manipulate other people churva ekek in the workplace. Happy naman yung book dahil effective s'ya with more historical references on the side. Ang proof nga nito e nakakuha ako ng umento sa trabaho ko. Since na mention din sa book na 'yon na meron ding isinulat yung author about the ultimate stratagems in flirting, attack agad ang badet sa pinakamalapit na suking tindahan at bumili ng librong worth every penny of the $18.00 I've paid.


So this is it ... the summary of what I've learned from the book ... don't worry, after the 5th installment e sasabihin ko rin ang tittle & author ...


-=-=-=-=-=-





ANG SINING NG PAGHALIPAROT PART 1:
ANG MGA URI NG BIKTIMA




Lahat ng nilalang ni Bathala na girl, boy, bakla, tomboy, butiki at baboy ay may kakulangan sa kanilang pagkatao. Kung hindi ka lumaki sa pinaka-lilib na sulok ng Dajanggas, eh alam mo ang linya sa Jerry McGuire na "You complete me!". Sumikat yang ka-o-eyan na yan dahil everybody can relate to that crap. Karaniwan kasi, naghahanap tayo ng partner who will make us complete, who'd fill the void that exists sa puso(n) natin.


It's with that same truth by which seduction lures us. Karaniwan, willing tayo maging victim ng seduction dahil it flatters us to some extent and makes us complete ... even for a while.


Dalawa ang dahilan ko kung bakit I've made this special section of my book summary:



  • Kung ayaw mo maging biktima, dapat alam mo kung ano ang likas na kakulangan sa pagkatao mo para alam mo kapag ginagamit 'yun to control you.
  • Kung nais mong mang-biktima, mas magiging pulido ang pagsakatuparan mo ng krimen at magugulantang ka nalamang na tumaas na pala ang batting average mo sa paglaro ng puso't damdamin ng ibang tao!


Pinapalala ko lang na:



  • Ang kakulangan ng isang tao ay hindi makikita sa kanyang labas na kaanyuan lamang, dahil iba-iba tayo ng diskarte sa pag-pretend na masaya tayo sa buhay natin. Ang Sining ng Paghaliparot ay kinakailangan ng maigting pseudo-research. Contrary to what you think though, mas madali 'to sa pag-lip-synch sa kanta ni Tina Turner. Lahat kasi tayo usually send out signals to other people ng mga kakulangan natin, subconciously, nagagawa natin ang ating mini-cries-for-help through the small things that we do and say when we are on our off-guarded moments. Kung may napupusuan kang akitin, dapat masagap ng antena mo ang mga ito:

    • Ang kultura ng kinalakhan niyang pamilya.
    • Pano s'ya mag react sa mga drama-rama moments.
    • Slight history n'ya (work, tirahan, etc.)
    • Aesthetic taste n'ya through clothes, accessories, make-up, etc.
    • Laman ng mga jokes n'ya.
    • Laman ng mga nonsense na chika n'ya.


  • Lahat tayo ay combinasyon ng dalawa o higit pang uri ng biktima na ililista ko maya-maya. Ang trick dito ay ang abilidad mong masuri kung ano ang pinaka dominant na kakulangan ng biktima mo.
  • Huwag kang kukuha ng biktima na kaparehas mo ng kakulangan. Magmumukha lang kayong dalawang kolboy sa Cubao na naglolokohan (read: parehong nangangailangan ng pera).


Heto na ... ang unang 5 sa 18 uri ng biktima ng mga Haliparot ... alin ka rito?






1. Ang Nagbagong Haliparot




Ito yung mga dating happy-go-lucky na mga tao na magaling mang-akit ng iba. Ang clue? Marami silang EX at wala silang bitterness sa lahat ng ex nila dahil sila ang laging nangiiwan sa ere. Nagbagong buhay lang ang mga ito dahil maaring a) madami na silang nasaktan at na achive na nila ang quota nila, b) nakahanap na sila ng tao na magtyatyaga sa pagkahaliparot nila, c) gumagamit na sila ng Safeguard kaya tinubuan sila ng konsensya, or d) masyado na silang matanda. Marami pang maaaring dahilan, pero in short, tumigil na sila sa sining ng pang-aakit. Madali lang sila maging biktima. Baket ika'mo? Lahat kasi tayo eh laging hinahanap ang mga bagay na dating nagbibigay saten ng kasiyahan, pero sa mga Retired Haliparots, ibang level ang paghanap nila ng feeling na "nakakaloko" pa rin sila gamit ang kanilang alindog.


Iparamdam mo lang sa kanila na interesado ka ng "slight". If you go over "slight interest", chances are, turn-off sila agad sa'yo dahil nega sa kanila ang "commitment". NEVER make them feel you want a relationship or mas mabilis pa ang lipad nila kay Darna. You should create an illusion na interesado ka sa kanila pero may bagay na humaharang sa'yo to pursue your interest (best e.g.: may jowa kang iba), pag successful ang drama mo ... they will do all the courting for you! Just make sure you don't fall for these types, reformed man or active ... a Haliparot can never be faithful ... they always look for the next heart to break.






2. Ang Nawarakan na Pantasya




Nung bagets pa 'tong mga taong 'to eh sila yung tipong laging mag-isa. Dahil dyan, na develop ng husto ang imahinasyon at pantasya nila sa pamamagitan ng iba-ibang media. Sa sobrang pagkahumaling nila sa mga bagay na hindi naman totoo, nadala nila 'to hanggang sa pagtanda nila. The result? Never silang na satisfy with what life gives them dahil they still expect to get what they fantasize about. For them kasi, their fantasies SHOULD BE the reality. Don't get me wrong though - hindi sila mga baliwag. Nasobrahan lang talaga sa imahinasyon ang mga 'to kaya mahirap sa kanila tanggapin ang mga katotohanan sa buhay. Anyways, onti-onti din silang nagising at itinago sa kasuluk-sulukan ng kanilang mga gunita ang kanilang "perfect world".


Pagdating sa usapang puso, true pa rin ang na-mention ko sa itaas. Nagising na sila sa katotohanang hindi nila makakamit ang relasyong susulok kina Lam-Ang at Ines Kanoyan. Pumapasok at nagtitiis lang sila sa isang relayson for the sake of not feeling left out sa larangan ng pag-ibig. Pero sa totoo? Hope for the Flowers pa 'ren ang mga lola n'yo! Eto ang mga clues kung pano sila ma single out:



  • Mahilig ang mga baklang 'to sa love stories. Makikita mo ito sa mga librong binabasa at mga pelikulang pinapanuod nila.
  • Kakaiba ang interes na pinapakita ng mga badet na itu kapag nakarinig ng chismis tungkol sa ibang tao na exciting ang buhay at masaya ang love life.
  • "Traditional" na taste sa pananamit.
  • Aminadong nabuburaot s'ya sa love life n'ya.


Etong mga 'to ang masarap at madaling maging biktima. Masarap dahil sila ang mga "hopeless romantics" na willing magpabaril sa gitna ng Luneta sa ngalan ng pag-ibig. Madali dahil sa dami ng kinukubli nilang mga pantasya, magbigay ka lang ng slight suggestion na interesado ka sa kanila at ang mga GREAT POSSIBILITIES n'yo together - sila na ang mag i-imagine ng kabuuan ng slight suggestion mo. Taray diba? Konting puhunan, malaking kita! Basta tandaan mo lang na on the process, huwag magpakita ng kababawan - isang maliit na pagpaling sa pagiging perpektong "future love" eh kasama ka na sa listahan niya ng mga nagsira ng konsepto n'ya ng tunay na pag-ibig!






3. Ang Jeprox




Ehem! Isa ako dito! Hahaha .... Sila ang mga laki sa layaw. Nung bagets pa ang mga 'to, lahat ng gusto nila ay nakukuha nila. Habang bisi ang ibang kyota sa paghanap ng ibang paraan ng kaaaliwan kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, ang mga Jeprox ay pinalaki sa paniniwala na ibang tao ang mag e-effort ng pang-aaliw para sa kanila. Ang karaniwang side effect ng paglaki ng bata sa ganitong sistema: madali silang maburyo, hindi sila kampante na manatili ng matagal sa iisang lugar o sitwasyon.


Ang susi upang maakit ang mga jeprox SA UMPISA, can be summed up in a word - VARIETY! Hindi ito yung variety na German Moreno version ha! Ang ibig kong sabihin dito, kung gusto mong maging interesante sa paningin ng isang jeprox, dapat, laging may bago - bagong pupuntahan, bagong kakainin, bagong gagawin, etc. ad infinitum. Maliban dyan, dapat lagi kang misteryoso sa paningin n'ya. Dapat ay lagi mo s'yang magugulat sa mga "hidden" parts of your past or side of your character. Effort 'noh?


Ang kadalian nila mabalutan ng boredom eh hindi dahil sa likas silang daot . Ang totoong reason dito ay sadyang nasanay sila na "pwede silang magsawa". Nakasanayan nila na kapag hindi na sila naaaliw sa isang bagay, madaling makakuha ng kapalit. Ang tanong ng bayan ... Sino ba ang nagbibigay ng kapalit ng pinagsawaan nilang laruan nung bata pa sila? KORAK! Ang mga magulang niya! Ayan ang tunay na dahilan kung bakit dapat mabigyan mo s'ya ng variety sa umpisa. Through giving them "distractions", they will eventually see you as a new "parent" who will spoil them. Eventually, they will grow dependent on you, not just for entertainment, but for other (read:deeper) reasons.


Tandaan mo rin na hindi lahat ng jeprox ay mayaman ... at hindi lahat ng mayaman eh jeprox! So pano mo malalaman kung ang isang tao eh pinalaking jeprox kung hindi mo maibabase sa kapal ng wallet n'ya?



  • Madami at iba-iba ang mga grupo ng kaibigan na sinasamahan.
  • Hindi makatagal sa isang trabaho, tirahan o kaganapan.
  • Madaling mamangha sa mga maliliit na bagay ngunit mabilis ding manamlay.
  • Matamlay sila for life. Effort na siguro sa kanila maging super energetic ng limang minuto.
  • Kahit na dukha o hampas-lupa, ang mga lumaking jeprox ay mayroong GENUINE AIR OF ARISTOCRACY that sometimes, even rich people and social climbers alike can't outshine. What can you expect? They grew up being treated as royalties!






4. Ang Makabagong Moralista




Minsan sa kanilang kabataan, may naganap sa mga ito na naging sanhi upang isipin nila na dapat, ang lahat ng ginagawa nila ay angkop sa pinaniniwalaang wasto ng nakararami. Kalokah noh? Eto ang ilang traits nilang very obvious:



  • Hindi sila nawawalan ng pintas sa ibang tao na hindi sumusunod sa pinapaniwalaan nilang "wasto".
  • Takot sila magsuot ng damit na pwede silang matawag na "fashion victim". Dahil duon, they end up wearing uber boring clothes.
  • Konti nalang eh pwede na silang tawaging obessive compulsive - addicted sila sa istriktong pagsunod sa routine. Isa kasi ito sa paraan nila upang masupil ang kanilang mga itinatagong kabahuan.


HUWAT?! Tama ang nabasa mo! Kabahuan nga! Basically, may dark force ang mga Jedi Warriors na ito. Dahil hindi nila bet ang tawag sa kanila ng kadiliman, itinago nila 'to in the deepest chasms of their psyche. Ang pilit nilang pag-control ng mga likas nilang pagkatao ang dahilan kung bakit nagiging O.A. sila sa pagsunod sa pamantayan ng kabutihan. Ayan din ang dahilan kung bakit mahilig sila mampintas. Na-i-inggit sila sa kalaayaang tinatamasa ng ibang tao na hindi nagpapakulong sa bigkis ng isip-lupon. Eto din ang magagamit mong leverage over these people.


In truth, ang mga taong 'to eh intrigued parin sa dark side nila. Tandaan mo, malakas ang attraction nila sa mga "wild" at "carefree" types dahil interesado sila na matikman ang ganuong lifestyle, pero they quell this interest by trying to make themselves believe that they aren't. Ang best tactic? Huwag kang matakot na husgahan n'ya. Pabayaan mong laitin ka n'ya mula sa iyong split-ends to your uncut toe nails. After nun, pretend na gusto mong magbago at nais mong sundin ang kanyang mga payo.


Bakit ito ang best tactic? Magkakaruon ka kasi ng rason to spend time with him/her. Kung hindi kaya ng powers mo ang magpanggap, just make sure na you would come in constant contact with this person. Your constant presence is enough to draw out the Moralista's dark side. Don't try to push him/her into changing though, Moralistas would just be turned-off by this at lalo silang magmamatigas sa mga prinsipyo nilang peke. Ipakita mo lang sa kanya na masaya maging "wild" at "carefree". Ipakita mo na other people's comments don't matter to you. The Moralista will soon realize that you are living a happier life. If you feign friendship ... BOOM! ... you have a victim! Eventually, you will be this person's teacher ... and master!


(Maiba lang ha ... I think this same concept is true kung bakit social climbers detest jologs like me. Social climbers spend so much time pretending and controlling their inner jologs nature kaya pag may nakita silang walang pakielam sa Imaginary Pinoy Caste System nila at namumuhay ng masaya bilang jologs eh kinamumuhian nila itong mga ito at pinauulanan ng panlalait. Anyways, this is another topic I'll discuss some other time ... "THE JOLOGS RULE".)






5. Ang Bituing Nawalan ng Ningning




Lahat tayo ay naghahanap ng pansin. Lahat tayo gusto maging bida. Sa karamihan, pabugso-buso lang ang kagustuhang ito. Kapag nakamtan, e'di masaya. Kung hindi, e'di deadma.


Ang pinagkaiba ng mga BITUING NAWALAN NG NINGNING sa karamihan ng tao ay ang posibilidad na isang panahon sa kanilang buhay ay naging mga bituin silang nuknukan ng ningning. Maaaring dati silang child star, bold star, action star, athlete, mascot ng pamilya, atbp. Sa madaling sabi, nasanay silang tumatanggap ng sandamukal na papuri't attensyon mula sa ibang tao. Nawala ang maigsing kasikatan na ito. Kinailangan nilang mabuhay kasama ang mga normal na nilalang ng bayan. Sa uang tingin ay parong OK lang sa kanila ang pagkawala ng kanilang taglay na kislap, pero sa totoo, hinahanap nila ito. Ang pag-pigil nila sa kanilang sarili na magmukhang naghahanap ng pansin ay nagiging pabigat sa kanilang damdamin.


Malalaman mo kung ang isang tao ay dating Bituing maningning when the person is in his/her unguarded moments. Kapag nabigyan sila ng maliit na atensyon at papuri ay kakaiba ang kanilang reaksyon. Mas natatangkilik nila ang ilang seconds of slight fame compared to others at nagiiba ang kanilang demeanor when this happens .... the former child/bold/action/reality-tv star comes back to the center-stage! Sa mga chismisan sessions, hindi din nila kayang pigilan ang sarili na ipagmayabang ang mga accomplishments at glory days nila when the occassion permitts them ample talk-time to do so.


Madali lang maakit ang mga ganitong uri ng tao. Make them shine! Flatter them! Deadma na kung magmukha kang alalay. Isipin mo nalang na ang lahat ng pabigat sa kanyang dibdib na naipon sa pagpipigil na magmukha siyang naghahanap ng attensyon at bubulwak na parang tubig sa nasirang dam. Only this time, instead of water gushing through the cracks you've provided - love, gratitude and unbridled passion will bathe you ... all for the simple help you've given in letting the person shine like a star once more!




Hanggang dito muna ... ang haba na kasi eh ... the next 13 types ng biktima will be coming up in 2 days. It includes: ANG BAGUHAN, ANG MANANAKOP, ANG BADJAO, ANG REYNA NG PINILAKANG TABING, at marami pang iba! Comment naman d'yan kung nabasa mo 'tong entry na 'to ng buo without falling asleep!



Labels:

Thursday, May 11, 2006

Kabanata 11-2/2 - Ang Paglusob sa Yugyugan



... unti-unti naglapit ang kanilang mga labi ...





... kay bilis namang ...
... mabaliw ...




KAYCEE: EVERYBODY GET DOWN! SOMETHING'S GOING TO EXPLODE!



BOOOOOOOOM!




Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at nabaling ang kanilang pansin sa iisang bagay.


Nang dumagundong ang pagsabog ay lumipad ang pintuan ng Unang Bulwagang Pampalakasan ng Shanara Technological Institute (STI). Bumagsak ito sa pagitan nina MIKAL at SAMYO, na naging dahilan upang maudlot ang kanilang napipintong halikan.


MIKAL: What the fuck ...


Sabay-sabay napabuntong-hininga ang lahat ng mayroong pumasok sa nawasak na pintuan. Isang babaeng nakagayak ng pampayaso ang lumitaw na mayroong tangan na latigo sa kanyang kamay. Sa kanyang kabilang kamay ay mayroong nakahandusay na katawang kanyang kinakaray. Kasunod niya ay ang isa pang babaeng nakagayak na pampayaso na naglalakbay sa pamamagitan ng paggulong ng isang malaking bolang kulay pula na kanyang tinutuntungan.


Panginoon ng Seremonya 1 (PS1): Everybody! Let's all welcome the JABOOM TWINS!


Panginoon ng Seremonya 2 (PS2): Those are not the JABOOM TWINS you block head!


PS1: Huh? Who are they?


PS2: Those are BANTAY and her twin sister SALAKAY ... ALDEN and ARDEN in their human forms with ummmm .... KAAGAPAY lying on the floor!


PS1: OK, let's all give BANTAY, SALAKAY and the unconcious KAAGAPAY a warm round of ...


SALAKAY: SHUT-UP! ALL OF YOU!


Nagmistulang tumigil ang panahon nang nanatili ang lahat na nakatayo habang nasa kanilang harapan ang kanilang mga kamay na nakahandang pumalakpak. Balot ng katahimikan ang buong bulwagan na ang tanging tunog lamang na maririnig ay ang feedback na galing sa mga mikropono nina PS1 at PS2.





SALAKAY: Where is our High Queen?


Tumugtog ang chorus ng "I Like You" ni Geneva Cruz at mayroong lumabas na mga paru-paro sa pagitan nina MIKAL at SAMYO. Nang naglahong muli ang mga paru-paro ay nakita ng lahat ang kanilang reynang si LAKBAY.


LAKBAY kay SALAKAY: Welcome to S.T.I.! I should have been informed that my Assault General was coming over so that I could have put up some banners for you. I trust everything in Jupiter is doing well since you've found the time to leave your mission on quelling the uprising of the natives.


Habang nagsasalita si LABAY ay tumango si SAMYO at hinatak si MIKAL papalayo sa kanilang reyna.


---


MIKAL ng pabulong kay SAMYO: Where are we going? And why are you removing your gloves? It looks great on your gown!


SAMYO: Our queen sent me a telepathic command, let's look for the others.


---


SALAKAY: We have been loyal to the Shanara Inter-Galactic Agency (SIGA) our whole lives. We have looked up to you, not just as our Queen, but as our own mother! How can you do this to us? To my sister?!


LAKBAY: Do what?


SALAKAY: You've let my sister be beaten to a pulp by ...


LAKBAY: By whom?


SALAKAY: I .... I uhmmmm ... I forgot ...


LAKBAY:Your sister wasn't beaten up by anybody.


SALAKAY: No MAMA! She was beaten up ... I know she was ... Nars 1 ....


LAKBAY: If she were, then who did it?


Tumingin si SALAKAY sa paligid na tila mayroong hinahanap - hindi sa kapaligiran, kundi sa kanyang gunam-gunam.


SALAKAY: I can't believe you were trying to change my memory! .... I know who did it! ... Him! And his friends!


Tulad sa isang laruan, ibinato ni BANTAY ang katawan ni KAAGAPAY patungo sa entablado. Minatyagan ng lahat ang mabilis na pag-arko ng katawan ng kanang-kamay ng kanilang pinuno pataas tungo sa kisame ng bulwagan - hanggang sa pagbaba nito at pagsalpok sa isang mag-aaral ....


---


SAMYO: KIRK, translate everything I'm going to say to MIKAL.


[KIRK kay SAMYO]: Huh?


SAMYO: 'Wag ka na mag tanga-tangahan. Alam ko namang lagi mong trinatranslate kay MIKAL lahat ng usapan natin through your telepathic skills. You think I can't smell deception in the air? You stink like a kalachuchi whenever you do that! Anyways, MAMA LAKBAY told me na i-chika sa inyo na magtago daw tayo.


ART: Baket? Don't tell me ...


SAMYO: I don't actually know. Sinabihan n'ya lang ako na magtago daw tayo. Sabi n'ya i-e-exlpain n'ya daw mamaya.


MELCH: Bakla!


SAMYO kay MELCH: Mare, pwede bang mamaya mo na ako barahin! Medyo short ang patience ko ngayun.


MELCH kay SAMYO: Sungit mo naman! Nakapag gown ka lang tumaray ka na! Ang sasabihin ko lang sana eh habang ineeffort nating magtago dito sa ilalim ng lamesa...


Itinaas ni MELCH ang telang nakapatong sa lamesa na nagkukubli sa kanilang kinatataguan.


MELCH: Ayun ang lola KAYCEE mo oh! Nakikipag chismisan kay PS2 sa stage!


Kasabay ng pagbaling ng kanilang tingin sa kanilang kaibigan ay nakita nila itong binagsakan ng katawan ni KAAGAPAY. Umalingawngaw sa kanilang isipan ang boses ng kanilang reyna ...


LAKBAY: SHANARA AGENTS TO MY SIDE! PROTECT YOU QUEEN!


---


Napuno ang bulwagan ng iba't-ibang uri ng tunog na galing sa pagpalit anyo ng mga mag-aaral ng Shanara Technological Institute for Higher Learning. Ang ibang hindi nagpalit ng kanilang anyo ay nagtakbuhan sa mga gild ng silid upang hindi madawit sa napipintong bakbakan.


Bumaba si SALAKAY sa bolang kanyang tinutuntungan.


Itinaas niya ang isang niyang kamay.


Pumitik.


Walang usapang naganap sa pagitan ng kambal na payaso ngunit matapos ng kanyang pagpitik ay dumagundong ang isang awitin sa buong bulwagan at nagsimula silang sumayaw ng sabay na tulad ng indayog ng mga JABOOM twins sa isang patalastas ng sabong pambuhok.





... sumusunod, sa galaw mo sumusunod ...




Kasabay ng kanilang singkronyong pagkendeng at pagwasiwas ng buhok ay unti-unting nagbago ang katauhan ng mga mag-aaral na hindi nagpalit ng kanilang anyong pandigma. Ang mga mag-aaral ay naging mga hayup: matsing, elepante, liyon, gorilya, kalapati, buwaya, kalabaw at kambing.


Nang inilabas ni BANTAY ang kanyang latigo at ilatay ito ng paparuo't-paparito, ay nilusob ng mga hayup ang kanilang mga kapwa mag-aaral. Sa gitna ng kaguluhan ay patuloy ang pagsigaw ni SAMYO ng kanyang mga utos sa mga tao sa paligid.


SAMYO kay MIKAL: Gather your group! Protect the queen! Tell the other groups to keep the animals at bay and not to hurt them!


MIKAL: How about you?


SAMYO: We'll try to stop those clowns on alien steroids!


MIKAL: Be careful! I don't know what I'll do if something bad happens ...


SAMYO: You're saying that to the wrong person ... tell that to the clowns!


---


Matapos ng ilang minuto ng walang patumanggang pagsugod ng mga MMS kay BANTAY ...


SAMYO: Punyeta!


ART: Lahat ng attack naten na b-block ni BANTAY! 'Di ba ang power ng hiyas n'ya eh yung ability na mag protect?! Anong gagawin naten?!


KAYCEE: Escape nalang tayo girls! I don't wanna die like a virgin 'noh!


MELCH: Mare, wala na tayong back-up. Halos na shigbak na lahat ng batchmates naten ng kingdom animalya!


SAMYO: Where are the other proffessors?


[KIRK kay SAMYO]: Inatack sila lahat ni SALAKAY ... unconcious na sila ... tayo nalang ang natitira mare! Nagamit ko na ang healing powers ko kay Madamme INDAK kaya hindi natin pwede i risk na may masaktan sa'ten! I can't heal anybody until bukas!


SAMYO: INDAK? You've given me an idea ... MMS! Let's try this one! Nano-Nano Formation!


[KIRK sa lahat ng MMS]: Wait! Tignan n'yo silang lahat!


---


Handa na muling sumugod ang mga MMS kay BANTAY nang napuna nilang tumigil sa paggalaw ang lahat ng mandirigma at hayop na nasasaluob ng bulwagan. Lumapit sa kanila habang lumulutang sa hangin ang kanilang reyna kasunod ang kagigising niyang alalay na si KAAGAPAY ...


ART: MAMA LAKBAY, andito pa po kami to protect you! 'Wag po kayo lumapit sa kanila!


[LAKBAY sa mga MMS]: You don't have to worry about me, after I leave, you can retire to your rooms because "LA ISLA BONITA" will start playing. I suppose you can all still remember that it will start the Cerebral Pattern Re-Marking Process. The others who've been turned into animals shall return to their original forms after an hour.


SAMYO: Pero pano po sina ...


[LAKBAY]: Don't worry about them. This was just a slight misunderstanding.


Nagpatuloy na lumutang si LAKBAY kasunod si KAAGAPAY tungo kina BANTAY at SALAKAY.


Sabay-sabay na humawak ang tatlo sa mga pinakamakapangyarihang miyembro ng S.I.G.A. sa kanilang renya. Tumugtog muli ang "I LIKE YOU" at pinalibutan sila ng mga makukulay na paru-paro.


Tumingin si KAAGAPAY sa mga MMS at ngumiti ito sa kanila.


Nawalang parang bula ang mga paru-paro at nawala na rin sina LAKBAY, KAAGAPAY, BANTAY at SALAKAY.


---


Habang patungo sa kanilang mga silid ...


KAYCEE: I swear so kalokah this school 'noh?


ART: Sinabi mo pa! Parloric school on the outside, Alien school in the inside 'noh?!


[KIRK]: And the fact na andaming nationalities na ka join natin! At halos lahat ata tayo may handicap 'noh!


MELCH: Bat lahat kayo mahilig yata ngayun sa 'noh? Going back to the chismis, weirdest yung kanina ha! Ganun talaga kadali ang kiss and make-up nina LAKBAY and the clowns da'vah? Hoy JESSIE! Kinakausap kita! Saka pwede bang bumalik ka as SAMYO, ang chaka tignan sa'yo ng gown! Hindi bagay pag bakla ka!


JESSIE: Deads na. Hindi n'yo ba narinig kanina yung sinabi ni PS2 na real name ni SALAKAY?


ART: Hindi ko na notice ... baket ano ba sinabi n'ya?


JESSIE: ARDEN! Hindi kaya s'ya din si ARDEN TUAGON? The same ARDEN na nagpakilala sa'yo sa'men?


MELCH: Ang daming ARDEN sa mundo bakla! Inaatake ka nanaman ng paranoia!


[KIRK]: Oh shit! I think si ARDEN TUAGON nga siya! Kasi when I saw ALDEN in a wheelchair, remember I told you na may kausap s'ya?


MELCH: Una, hindi magkamukha si Wendell Ramos at ARDEN! Da'vah you told JESSIE na kamukha ni Wendell yung kausap ni ALDEN kanina? Pangalawa, nasa Canada si baklang ARDEN, saka hindi din naman sila magkamukha ni ALDEN noh!


[KIRK]: What if nag-pa-noselift lang si ARDEN and nag-gym s'ya kaya nag-iba ang itsura n'ya? Saka hindi naman lahat ng kambal are identical 'noh!


MELCH: Ay nakoh 'noh! Nahahawa ka na ng pagiging paranoid kay JESSIE!


JESSIE: Wait, sino sa inyo ang natatakot?


ART: 'Bat mo naman natanong 'yan?


JESSIE: Somebody smells like chlorox! I smell that pag may natatakot!


MELCH: Hoy vadet! Ano yan tinatago mo samen?!


Hinatak ni MELCH ang isang maliit na papel na palihim na tinitignan ni KAYCEE.


KAYCEE: I dunno, I kinda found it lang in my pocket. I can't understand what it says nga eh!


Sabay-sabay tinignan ng mga Maaalindog na Mandirigma ng Shanara ang papel, maliban kay ART na nakikita lamang ang imahe ng nakasulat sa papel sa pamamagitan ng lakbay-diwa na hatid sa kanya ni KIRK.



ART: Ano yan? It doesn't look like any written language I've ever seen before!


MELCH: Ever seen talaga? Bulag ka bakla!


ART: I mean "I've seen when I still had the ability to see".


JESSIE: Guys, I think I know what it says ...


... itutuloy as usual ...


-=-=-=-=-=-



-=-=-=-=-=-


This ends Book 1 of MMS! Kalokah no? Ang tagal na nating naglolokohan! Heheeh ...


Since uuwi na si bakla sa Pilipinas for more vacation on the loose - 2 months mamamahinga ang ating limang Shanara Warriors while I introduce 2 "sub-novels" IN THIS BLOG. Ang una is not actually a novel but a 5-part self-help churva ... "ANG WASTONG PAGHALIPAROT" which will be like the ultimate guide to flirting for gays and straight people alike. The 2nd one will be called "THE CHRONICLES OF PEPITA" which will be my journal for the 2 months of vacation that iId be having (PEPITA because my nickname nung bata ako is PEPEY, and since babae na ako ... PEPITA na! And yes, the tittle of the sub-blog is my homage to Lewis' Chronicles of Narnia which is one of my favorite set of short novels)... lahat ng chismis sa totoong buhay ko e ilalagay ko dyan ... as in LAHAT! ...


Sa mga fans ng limang Shanara Warriors, don't worry 'coz you'd still read about ART, MELCH, KIRK, KAYCEE and EFREN in THE CHRONICLES OF PEPITA! Not as the powerful heroines nga lang, but as their real, live selves! Sana pumayag silang mag pa picture-picture on our exploits para ma post ko dito! heheheh ...


Will be uploading the first installement of ANG WASTONG PAGHALIPAROT sooner than you think I would! See 'ya!



Labels:

Tuesday, May 02, 2006

Segue 3 - Balik-Tanaw sa Araw ng Tatarin



On behalf of my kachokarans na mga babaylan, katalona, mangkukulam, mambabarang, mananambal, albularyo, at manghuhula ... isang maligayang ARAW NG TATARIN sa inyong lahat! Alam kong late ako ng pagbati noh! Pero sabi nga nila, better late than later and better later than latest! Chem-boat!


Importante ng fatale 'tong araw na 'to sa mga katulad naming praning dahil nananalig kaming kasabay rumarampa ng Kilusang Mayo Uno si Mother Earth habang naghahanap ng makaka sex! Truly, madly, deeply! Ito ang pinananaligan ng mga pagano kaya mahalaga 'tong araw na 'to sa amin! Habang bisi ang iba sa pagkilos-protesta at pag-awit ng "Gloria Labandera", bisi kami sa pangongolekta ng props at pagsayaw ng hubo't hubad sa gitna ng masukal na gubat to celebrate Summer Solstice!


Secret lang 'tong i-s-share ko sen'yo kaya 'wag n'yo dapat ikalat 'to ha!


Gusto n'yo bang makita ang soulmate n'yo?


Eto ang proseso:






  • Kumuha ng salamin saka kandila. Kung meron kang "scrying disk", happier yan gamitin! (SCRYING DISK: pabilog na salaming pininturahan ng itim maliban sa mga gilid nito at ibinilad sa ilalim ng buwan ng 30 araw bago gamitin)

  • Pagdating ng April 30 ng gabi, dapat prepared na yung mga nachika kong props. Siguro naman enough na ang isang taon para sa pag hanap ng kandila saka salamin da'vah?!

  • Pagpatak ng 12 ng hating gabi (so nasa gitna ka ng April 30 saka May 1), buksan mo ang kandila tapos sight ka sa salamin habang inu-ulit-ulit 'tong chant na 'to:


    • ANG NA ANG NA, SU LA PU KAN, SO MAS KI TOT, MO KO MO KO!


  • Etchos lang yung preceding step, litanya yan nina Tito, Vic & Joey during their TODAS days. Ang trulagen:


    • SA MGA INGGLESERA: Mirror mirror, show to me, him whose soul forever with I'll be.

    • SA MGA JOLOGS: Salamin Salamin, ipakita sa akin, ang s'yang habangbuhay kong makakapiling.



Ang chismis, dapat makikita mo salikuran mo ang soulmate mo while looking at the mirror. Kung hindi daw yung soulmate mo, si Taning ang magpapakita sa'yo in a skimpy Speedo swim wear! Tumpak! The Prince of Darkness, The Fallen Angel, Beezelbub, Mephistopheles, The Bringer of Light ... LUCIFER!


In fairness, na try ko s'ya last night. Kebs ko ang concept na si Satanas ang makaka-chikahan ko kasi at least mapag-u-usapan na namin ang logistics saka board & lodging expenses ko pag panahon ko ng pumunta sa Kingdom n'ya 6 milyon feet under. Anyway, naloka ako kasi iba ang nangyari saken ...


While doing the chant, instead na future ang makita is nahatak ako papunta sa past! Kalokah no? Ni reveal sakin ng isang spirit guide na kamukha ni TOM BABAUTA (na dating ka love-team ni Snooky Serna) ang mga katotohanan sa likod ng mga nilalaro natin nung mga bagets pa tayo:


-----






LANGIT, LUPA, IMPYERNO, IM-IM-IMPYERNO.
SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO.
BUHAY, PATAY, UMALIS KA NA DITO!





Ang chika sakin ng spirit guide ko eh inimbento daw 'to ni Padre Damaso para takutin yung mga ninuno natin para jumoint sila sa simbahang Katoliko. Na notice n'yong "Impyerno" yung inulit-ulit at hindi "Langit"? Anyways, yung part na "Saksak puso tulo ang dugo" - Yan daw ang gagawin ng mga sundalo pag wittels ka jumoint sa pag sing ng "Welcome to the Family" kasama sina Uncle Bob & the Lucky 7 Club! "Buhay, patay, umalis ka na dito!" - Mensahe daw ito sa mga Babaylan (Transgender in transit/Androgenous/Transvestite/Hermaphrodite Priests), Katalona (Priestesses) at Mananambal (Shamans) na pag hindi sila aalis sa nasasakupan ng simbahan ay bibigyan sila ng ticket to heaven! Harsh no?


-----






CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY SHAKE, CROSS MARY SHAKE!





Kung si Padre Damaso eh may propaganda para ma-convert ang mga katribo ni Kirara, may sariling version daw ang mga Babaylan, Katalona at Mananambal. Ginawa daw 'to ng mga pagano para balahurain si Mother Mary. Intended daw 'to para ma-imagine ng mga tao na sumasayaw si Mary ng mala-Beyonce Knowles na pag-shake habang nasa tapat ng cross. Kalokah noh?


-----





BATO, BATO, PICK!





Ayun sa spirit guide ko, inimbento daw 'to ng isang adik while shopping for shabu sa Blumentrit.


-----






NANAY, TATAY,
GUSTO KONG TINAPAY, GUSTO KONG KAPE.
LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN N'YO!





Ayun kay TOM the Spirit Guide eh kanta daw 'to ng isang malditang prinsesa nuong panahon ng mga Maharlika. Sa sobrang kaka demand n'ya daw sa mga parental guidance n'ya ng kung anik-anik, naburaot sa kanya ang hari't reyna kaya pinatali s'ya sa puno at pinaliguan ng THERMO ENHANCED CAFFEINE EXTRACT (kumukulong kape).


-----






PEN-PEN DE SARAPEN, DE KUTSILYO DE ALMASEN,
HOW HOW DE CARABAO, DE BA TUTEN.





Ang first part nitong kantang 'to eh tungkol daw kay PENPEN na apelido ay DE SARAPEN na nagnakaw ng kustilyo sa cabinet (almasen). Nalokah ang mudra at pudra n'ya dahil pinatay n'ya ang kalabaw nilang si Islaw sa pamamagitan ng pagsaksak ng sampung beses!






SIPIT NAMIMILIPIT, GINTO'T PILAK,
NAMUMULAKLAK, SA TABI NG DAGAT!





Ang second part naman daw nung kanta ay tungkol pa rin kay PENPEN na matapos patayin si Islaw eh tumakas patungong Maynila at ginamit ang pangalan na PIT dahil idol n'ya si BRAD PITT. Sa kakatakbo ni bakla sa pagtakas sa mga pulis, nagkaron s'ya ng apendisaytis kaya lagi s'yang namimilipit. Later on ay kinabog daw niya ang nanalo sa lotto dahil nakapulot s'ya ng mga gold at silver na bulaklak sa Manila Bay at sinangla niya lahat sa Cebuana Pawnshop.






SAYANG PUTI, TATLONG SALAPI,
SAYANG PULA, TATLONG PERA.
NOGNOGNOG MANGGANG HINOG!





Dahil mayaman na si PENPEN na ngayun ay kilala bilang PIT, naging excited s'ya na waldasin ng walang patumangga ang pera n'ya. Pumunta s'ya sa pinakamalapit na CASA para kumuha ng prostitute dahil nga 25 na s'ya pero si Islaw pa lang ang naka sex n'ya. Ang crush n'ya talaga is yung crossdresser na nakapalda na puti pero 3 pesos daw ang bayad. In the end, kinuha n'ya yung babaeng nakapalda na red dahil 3 centavos lang daw. Nainlove si PIT sa puta kaya pinakasalan n'ya ito. Bumili s'ya ng manggahan at duon isinilang ang kanilang anak na si NOGNOG na pinaglihi sa manggang hinog.



-----


Marami pa s'yang ni reveal sakin na secret codes sa likod ng mga games na pambagets kaso hindi ko daw pwedeng sabihin sa iba as of the mement dahil sikreto daw silang malupit.


Pero kung meron kayong larong pambatang kailangan ninyo talagang malaman ang nakakubling kahulugan, sabihin n'yo lang saken para ma-contact ko ulit ang spirit guide ko.


Bilang pagtatapos, napapansin n'yo ba na ang mga bata ngayun eh walang ganitong mga laro? Parang lahat sila nagmamadaling tumanda. Naaalala ko nung bata pa ako eh gusto ko ring tumanda agad para makapanuod ako sa SM ng mga PG13 na movies. After that gusto ko ulit mas tumanda pa para makapanuod naman ako ng PG18. Pero ngayun, parang na realize kong nakakamiss maging bata. Yung tipong play all-day-long ka lang ng piko, chato, tumbang preso at barbie dolls ng ate mo. Yung panahong kapag may gusto kang bilhin e umiyak ka lang sa nanay mo hanggang lumabas ang laman-loob mo at kung tama ang bilang ng luha na papatak sa namumugto mong mata, a-appear na yung gusto mo like Magic Flakes.


Ngayon, sa dami ng responsibilidad natin, parang ang sarap maging bata ulit. Ngayon, lahat ng gusto natin eh kailangan nating pagpawisan. Tapos yung pinagpapawisan mo e mapupunta ang ilang bahagi para sa pamahalaang hindi ka naman pinapamahalaan ng wasto. Yung tipong instead na ipambili mo ng fake na Gucci bag sa greenhills e ibabayad mo sa tax mo, na alam mo namang sa bulsa ng kung sino lang mapupunta. I'm sorry Mother Nature, siguro next year hindi muna ako sasayaw ng hubad sa gubat. Baka sumama muna ako sa ibang manggawa na rumarampa sa kalsada. Hindi na ako bata so I might as well do something adult-ish. Baka dun ko pa makita ang soulmate ko - in fairness madaming gwapong aktibista.


Wala lang ... alam kong hindi bagay sakin magpaka-pseudo-socially-relevant ... subok lang ...



-=-=-=-=-=-


Eto ang sample ng mga makikita n'yo sa SHANARA UNIVERSE na ginagawa ko pa rin hanggang ngayun. Pinapaalala ko lang na:



  1. Ginawa ko yung drawing sa baba sa pamamaigtan ng Pressure Sensitive Stylus Pen and Tablet. Meaning, hindi ko yan sketch sa papel tapos iniscan at finotosyap. Natuklasan kong EFFORT pala ang magdrowing direkta sa compyuter at sinayang ko lang ang "$99.99 after mail-in rebate" ko! ... Hindi pa ako sanay sa ganitong proseso ng pagdrowing kaya ang chaka pa. Hopefully makakasanayan ko din. Kung magaling ka mag sketch at may idea ka sa itsura ng mga characters ko sa blog, e-mail mo lang tapos i p-post ko dito (syempre indicating your name).

  2. May buhay ako aside from blogging kaya sensya na kung ang tagal ko matapos. Anyways, nadarama ko namang wala talagang nagbabasa ng mga kabulastugan ko kaya wala ring nakakapuna na dead yung link ko sa Shanara Universe.

  3. Alam kong mababaw yung post ko ngayun. Wala kang magagawa dahil blog ko 'to 'noh!!





Labels:


mga bagong chismis