Tuesday, May 02, 2006

Segue 3 - Balik-Tanaw sa Araw ng Tatarin



On behalf of my kachokarans na mga babaylan, katalona, mangkukulam, mambabarang, mananambal, albularyo, at manghuhula ... isang maligayang ARAW NG TATARIN sa inyong lahat! Alam kong late ako ng pagbati noh! Pero sabi nga nila, better late than later and better later than latest! Chem-boat!


Importante ng fatale 'tong araw na 'to sa mga katulad naming praning dahil nananalig kaming kasabay rumarampa ng Kilusang Mayo Uno si Mother Earth habang naghahanap ng makaka sex! Truly, madly, deeply! Ito ang pinananaligan ng mga pagano kaya mahalaga 'tong araw na 'to sa amin! Habang bisi ang iba sa pagkilos-protesta at pag-awit ng "Gloria Labandera", bisi kami sa pangongolekta ng props at pagsayaw ng hubo't hubad sa gitna ng masukal na gubat to celebrate Summer Solstice!


Secret lang 'tong i-s-share ko sen'yo kaya 'wag n'yo dapat ikalat 'to ha!


Gusto n'yo bang makita ang soulmate n'yo?


Eto ang proseso:






  • Kumuha ng salamin saka kandila. Kung meron kang "scrying disk", happier yan gamitin! (SCRYING DISK: pabilog na salaming pininturahan ng itim maliban sa mga gilid nito at ibinilad sa ilalim ng buwan ng 30 araw bago gamitin)

  • Pagdating ng April 30 ng gabi, dapat prepared na yung mga nachika kong props. Siguro naman enough na ang isang taon para sa pag hanap ng kandila saka salamin da'vah?!

  • Pagpatak ng 12 ng hating gabi (so nasa gitna ka ng April 30 saka May 1), buksan mo ang kandila tapos sight ka sa salamin habang inu-ulit-ulit 'tong chant na 'to:


    • ANG NA ANG NA, SU LA PU KAN, SO MAS KI TOT, MO KO MO KO!


  • Etchos lang yung preceding step, litanya yan nina Tito, Vic & Joey during their TODAS days. Ang trulagen:


    • SA MGA INGGLESERA: Mirror mirror, show to me, him whose soul forever with I'll be.

    • SA MGA JOLOGS: Salamin Salamin, ipakita sa akin, ang s'yang habangbuhay kong makakapiling.



Ang chismis, dapat makikita mo salikuran mo ang soulmate mo while looking at the mirror. Kung hindi daw yung soulmate mo, si Taning ang magpapakita sa'yo in a skimpy Speedo swim wear! Tumpak! The Prince of Darkness, The Fallen Angel, Beezelbub, Mephistopheles, The Bringer of Light ... LUCIFER!


In fairness, na try ko s'ya last night. Kebs ko ang concept na si Satanas ang makaka-chikahan ko kasi at least mapag-u-usapan na namin ang logistics saka board & lodging expenses ko pag panahon ko ng pumunta sa Kingdom n'ya 6 milyon feet under. Anyway, naloka ako kasi iba ang nangyari saken ...


While doing the chant, instead na future ang makita is nahatak ako papunta sa past! Kalokah no? Ni reveal sakin ng isang spirit guide na kamukha ni TOM BABAUTA (na dating ka love-team ni Snooky Serna) ang mga katotohanan sa likod ng mga nilalaro natin nung mga bagets pa tayo:


-----






LANGIT, LUPA, IMPYERNO, IM-IM-IMPYERNO.
SAKSAK PUSO TULO ANG DUGO.
BUHAY, PATAY, UMALIS KA NA DITO!





Ang chika sakin ng spirit guide ko eh inimbento daw 'to ni Padre Damaso para takutin yung mga ninuno natin para jumoint sila sa simbahang Katoliko. Na notice n'yong "Impyerno" yung inulit-ulit at hindi "Langit"? Anyways, yung part na "Saksak puso tulo ang dugo" - Yan daw ang gagawin ng mga sundalo pag wittels ka jumoint sa pag sing ng "Welcome to the Family" kasama sina Uncle Bob & the Lucky 7 Club! "Buhay, patay, umalis ka na dito!" - Mensahe daw ito sa mga Babaylan (Transgender in transit/Androgenous/Transvestite/Hermaphrodite Priests), Katalona (Priestesses) at Mananambal (Shamans) na pag hindi sila aalis sa nasasakupan ng simbahan ay bibigyan sila ng ticket to heaven! Harsh no?


-----






CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY, SHAKE, SHAKE, SHAKE
CROSS MARY SHAKE, CROSS MARY SHAKE!





Kung si Padre Damaso eh may propaganda para ma-convert ang mga katribo ni Kirara, may sariling version daw ang mga Babaylan, Katalona at Mananambal. Ginawa daw 'to ng mga pagano para balahurain si Mother Mary. Intended daw 'to para ma-imagine ng mga tao na sumasayaw si Mary ng mala-Beyonce Knowles na pag-shake habang nasa tapat ng cross. Kalokah noh?


-----





BATO, BATO, PICK!





Ayun sa spirit guide ko, inimbento daw 'to ng isang adik while shopping for shabu sa Blumentrit.


-----






NANAY, TATAY,
GUSTO KONG TINAPAY, GUSTO KONG KAPE.
LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN N'YO!





Ayun kay TOM the Spirit Guide eh kanta daw 'to ng isang malditang prinsesa nuong panahon ng mga Maharlika. Sa sobrang kaka demand n'ya daw sa mga parental guidance n'ya ng kung anik-anik, naburaot sa kanya ang hari't reyna kaya pinatali s'ya sa puno at pinaliguan ng THERMO ENHANCED CAFFEINE EXTRACT (kumukulong kape).


-----






PEN-PEN DE SARAPEN, DE KUTSILYO DE ALMASEN,
HOW HOW DE CARABAO, DE BA TUTEN.





Ang first part nitong kantang 'to eh tungkol daw kay PENPEN na apelido ay DE SARAPEN na nagnakaw ng kustilyo sa cabinet (almasen). Nalokah ang mudra at pudra n'ya dahil pinatay n'ya ang kalabaw nilang si Islaw sa pamamagitan ng pagsaksak ng sampung beses!






SIPIT NAMIMILIPIT, GINTO'T PILAK,
NAMUMULAKLAK, SA TABI NG DAGAT!





Ang second part naman daw nung kanta ay tungkol pa rin kay PENPEN na matapos patayin si Islaw eh tumakas patungong Maynila at ginamit ang pangalan na PIT dahil idol n'ya si BRAD PITT. Sa kakatakbo ni bakla sa pagtakas sa mga pulis, nagkaron s'ya ng apendisaytis kaya lagi s'yang namimilipit. Later on ay kinabog daw niya ang nanalo sa lotto dahil nakapulot s'ya ng mga gold at silver na bulaklak sa Manila Bay at sinangla niya lahat sa Cebuana Pawnshop.






SAYANG PUTI, TATLONG SALAPI,
SAYANG PULA, TATLONG PERA.
NOGNOGNOG MANGGANG HINOG!





Dahil mayaman na si PENPEN na ngayun ay kilala bilang PIT, naging excited s'ya na waldasin ng walang patumangga ang pera n'ya. Pumunta s'ya sa pinakamalapit na CASA para kumuha ng prostitute dahil nga 25 na s'ya pero si Islaw pa lang ang naka sex n'ya. Ang crush n'ya talaga is yung crossdresser na nakapalda na puti pero 3 pesos daw ang bayad. In the end, kinuha n'ya yung babaeng nakapalda na red dahil 3 centavos lang daw. Nainlove si PIT sa puta kaya pinakasalan n'ya ito. Bumili s'ya ng manggahan at duon isinilang ang kanilang anak na si NOGNOG na pinaglihi sa manggang hinog.



-----


Marami pa s'yang ni reveal sakin na secret codes sa likod ng mga games na pambagets kaso hindi ko daw pwedeng sabihin sa iba as of the mement dahil sikreto daw silang malupit.


Pero kung meron kayong larong pambatang kailangan ninyo talagang malaman ang nakakubling kahulugan, sabihin n'yo lang saken para ma-contact ko ulit ang spirit guide ko.


Bilang pagtatapos, napapansin n'yo ba na ang mga bata ngayun eh walang ganitong mga laro? Parang lahat sila nagmamadaling tumanda. Naaalala ko nung bata pa ako eh gusto ko ring tumanda agad para makapanuod ako sa SM ng mga PG13 na movies. After that gusto ko ulit mas tumanda pa para makapanuod naman ako ng PG18. Pero ngayun, parang na realize kong nakakamiss maging bata. Yung tipong play all-day-long ka lang ng piko, chato, tumbang preso at barbie dolls ng ate mo. Yung panahong kapag may gusto kang bilhin e umiyak ka lang sa nanay mo hanggang lumabas ang laman-loob mo at kung tama ang bilang ng luha na papatak sa namumugto mong mata, a-appear na yung gusto mo like Magic Flakes.


Ngayon, sa dami ng responsibilidad natin, parang ang sarap maging bata ulit. Ngayon, lahat ng gusto natin eh kailangan nating pagpawisan. Tapos yung pinagpapawisan mo e mapupunta ang ilang bahagi para sa pamahalaang hindi ka naman pinapamahalaan ng wasto. Yung tipong instead na ipambili mo ng fake na Gucci bag sa greenhills e ibabayad mo sa tax mo, na alam mo namang sa bulsa ng kung sino lang mapupunta. I'm sorry Mother Nature, siguro next year hindi muna ako sasayaw ng hubad sa gubat. Baka sumama muna ako sa ibang manggawa na rumarampa sa kalsada. Hindi na ako bata so I might as well do something adult-ish. Baka dun ko pa makita ang soulmate ko - in fairness madaming gwapong aktibista.


Wala lang ... alam kong hindi bagay sakin magpaka-pseudo-socially-relevant ... subok lang ...



-=-=-=-=-=-


Eto ang sample ng mga makikita n'yo sa SHANARA UNIVERSE na ginagawa ko pa rin hanggang ngayun. Pinapaalala ko lang na:



  1. Ginawa ko yung drawing sa baba sa pamamaigtan ng Pressure Sensitive Stylus Pen and Tablet. Meaning, hindi ko yan sketch sa papel tapos iniscan at finotosyap. Natuklasan kong EFFORT pala ang magdrowing direkta sa compyuter at sinayang ko lang ang "$99.99 after mail-in rebate" ko! ... Hindi pa ako sanay sa ganitong proseso ng pagdrowing kaya ang chaka pa. Hopefully makakasanayan ko din. Kung magaling ka mag sketch at may idea ka sa itsura ng mga characters ko sa blog, e-mail mo lang tapos i p-post ko dito (syempre indicating your name).

  2. May buhay ako aside from blogging kaya sensya na kung ang tagal ko matapos. Anyways, nadarama ko namang wala talagang nagbabasa ng mga kabulastugan ko kaya wala ring nakakapuna na dead yung link ko sa Shanara Universe.

  3. Alam kong mababaw yung post ko ngayun. Wala kang magagawa dahil blog ko 'to 'noh!!





Labels:

Tuesday, April 18, 2006

Segue 3 - Pagkapit sa Nakaraang 'di Mababago ni Mababalikan


*sigh*


O da'vah? Umpisa pa lang alam mo agad na drama itu! Alam kong nagbabasa ka dito for "escapist reading" - in short, para maaliw. Pero since ang madlang bayan ay naaaliw sa malalagim na kinasasasapitan ng ibang nilalang, alam kong ikakasisiya mo rin ang drama ko.


Anyways, more d/l ang badet ng mga piratang .mp3 and I stumbled upon Kyla's revival of the super straight-haired Ella Mae Saison classic. Mega listen habang pilit kong binabasa ang isang nakakaburaot na libro ng mag-asawang David & Leigh Eddings (The Elder Gods - Book One of the Dreamers). Biglang ... Shet na extra sticky sa pwet! ... na emote ako promise! Hindi dahil sa walang kwentang libro, kundi dahil sa song ni Kyla (na mataray kung ang ginawa n'yang surname e Minogue).


Sumikat kasi 'tong song nung Grade 6 ata ako or something, kaya familiar s'ya pero nde ko learn by Heart Evangelista ang pinatutunguhan ng lyrics. Na gets mo ba? Explain ko pa ha .. ang slow mo eh ... different pala pag alam mo yung song nung bagets ka pa tapos maririnig mo ulit pag ka join mo na si Cheetara sa Thundercats. Parang totoo ang chismis na with age comes wisdom. EXAMPLE: Dati dance galore ka lang ng Roger Rabbit at Running Man to the tune of Ice Ice Baby by Vanilla Ice, tapos ngayung may edad ka na e na realize mo bigla na ang awitin palang iyon e tungkol sa pagbuwis ng buhay ng ating mga ninuno upang iahon ang ating inang bayan sa burak na kanyang kinalulugmukan! Kari? Keri!


Siguro na e-mote lang din ako dahil sunod-sunod ang subliminal messages na pumasok sa ga-pasas na utak ni bakla:



  1. Kakabasa ko lang ng blog ni lola LOJIKA. In fairness sa blog na 'to, hindi s'ya mainstream (read: hindi 1 million hits per day) pero kahit na ako na kebs sa ka etchosan ng konsepto ng love e na t-touch. Ang drama sa buhay ng babaeng 'to e sinusulok ang ANAKARENINA, ANA LUNA, FLOR DE LUNA at ANA LIZA combined! The last post I read in her blog was about being "A.A." (Asa-Asa sa pag-ibig).

  2. Kakabasa ko lang din a couple of days ago ng blog ni BERZ, at although nakakatawa ang eksena ni becky, pasok pa rin sa makipot na banga ni Lola Basyang ang churva n'ya na "GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING". Beegees at Steps on the loose divinx? (speaking of Steps, na'san na kaya sila?)

  3. Kakatapos ko makipag chat sa isang badet na BAKA maging TITI ko (This Is Truly It!). In fairness sweet s'ya kaso ang gulo pa ng isip ko kasi feeling ko mauulit nanaman 'tong alamat na ito ...


... nuong unang panahon, mga 2 years ago, na in-love ang isang baklang operada ang ilong sa kaharian ni Madamme Senyora Donya Gloria Macapagal-Arroyo ... the mystical world of Mystica ... the land of dinuguan and asusena ... the fantabulous world of Encantadia!!!



In fairness pang tele-novela ang pag-meet namin. Nanunuod ako ng movie by myself during that time. Vacation ko nun from work and I was waiting for my friend James Harmann. Since early ako sa appointment namin by 3 hours, watch galore ng movie. Habang lumalafang ng hotdog with sarsi on the side, may nag-stalk sakin sa luob ng sine. Hindi ko alam kung ano ang habol n'ya: A - puri't alindog ko; B - hotdog at sarsi ko or C - wallet ko (I'm sure wallet ang sagot). Super tensyonada na si bakla so lipat akey ng upuan. Follow the river ang stalker. Lipat ulit ng upuan. Follow the yellow brick road naman s'ya. Wala sa'kin ang ruby slippers ni Dorothy kaya hindi maka-teleport pabalik ng Kansas si bakla. Standing galore nlng ako sa likod para kung saksakin n'ya man ako e may makakapansin na may isang nuknukan ng gandang bakla na biglang babagsak sa sahig da vah? Nung sisigaw na ako ng "HOLD-UP" (baka kasi may chance na mapatay ko sa sindak si Barbarang hold-uper) biglang may lalaking nakasuot ng T-shirt na SUPERMAN na tumabi saken tapos ask s'ya ng "May problem ba?". After that umalis yung stalker ko! True itong kaganapan na ito promise! Tamaan man si KIRK at EFREN ng pink na kidlat ... now na! To cut this short, basta naging kami after meeting several times since that event.


Fast forward tayo ng slight ... after one and a half years ...


Since sa istits nga nag-aararo ng tigang na lupa ang bakla e naging long distance relationship ang drama namin. Nag vacation na ako ulit nun pero hindi s'ya nakipag meet. Deadma nlng ako dahil mag b-board s'ya nung time na yun so inintindi nalang ni bakla na nde carry ang distraction. Nung next vacation ko na, ayaw nanaman makipag meet. Paalis na ulit ako nung pumayag na s'ya sa pangungulit ko. Naloka akey kasi gusto ko manuod kami ng HARRY FUTA 4. Since nag meet kami during a HARRY FUTA movie din, naisip ko na ang sweet naman kung ayun ang panuorin namin for more balik-tanaw na drama. Ang text ng ex YUMYUMS ko ... "Let's just have coffee." ... Paranoia 101 habang dance-dance revolution ang badet in maniac mode!


Bilang isang chismosa ng taon, alam ko na pag gusto mong makipag break at alam mong Best Actor in a Female Role ang jowa mo, sa public market ang best place para hindi makagawa ng eksena yung i-b-break mo. So I was sure na breaking point na nga ng love affair namen. Nauna na si bakla sa sinabi n'yang coffee place. Get ng Kapeng Barako to calm myself at hithit ng isang pack ng yosing gawa sa Cebu. More pa cute ang mga becky sa katapat kong table pero deadma lang ako dahil nagiipon ako ng luha para sa drama-rama-sa-dapit-hapon namin ni YUMYUMS.


Dumating na s'ya ... and syet! Naka Superman shirt ulit s'ya! I wish sinuot ko ang t-shirt ko na Wonderwoman para winner kami ng best in costume! (Lilinawin ko lang na madami s'yang shirt na Superman in different colors ha! Baka iniisip n'yo na after 1-1/2 years ayun pa rin ang suot n'ya.) Nung umupo na s'ya sa harap ko e parang nakita ko si Celine Dion na super sing ng It's All Comming Back dahil kinilig pa rin ako sa ngiti n'ya. Usap kami. Yung usual na usap ng mga mag-asawang bakla ... "Ilan ang nahada mo nung wala ako?", "Nagpapavontrapp ka na ba?", "Nag-iba ka ng foundation no? Parang pumuti ka kasi." ... mga ganyang chikahan ng mag-asawang badet. Habang nag-uusap kame, nag p-production number na ang mga baklang chismosa sa paligid namin dahil nakita nilang holding-kamot kami ni YUMYUMS.


Siguro nakakaloka talga pag may nakita kang lalaking may goattee na mukhang pumapatay ng badet tapos may ka holding-hands na lalaking nakasuot ng Superman na t-shirt sa katawan n'yang parang hinubog ng kamay ng gay version ni Bathala. Promise, nung hi-hello-shampoo-session namin ni YUMYUMS eh hindi mo mahahalatang scotch-on-the-rocks ang relasyon namin dahil para kaming mga rekado sa isang pa-contest ng patamisan ng panucha at sundot-kulangot.


Matapos ng ilang saglit (after 2 minutes), na felt kong dapat seryosong usapan na, kasi, sinasayang lang namin oras naming dalawa kung nakipag meet lang s'ya to formally break-up. Tatanungin ko na sya nun kung may feelings pa ba s'ya saken .. biglang talak si YUMYUMS ..


YUMYUMS: I love you.


Syet! Kilig to the bones with matching spontaneous orgasm at nag Hallelujiah si Bamboo somewhere out there beneath the pale lamp-light! But when I looked into his eyes. Teka, teka, teka ... may wrong yata! May sinasabi pa s'ya nun kaso hindi ko na naintindihan dahil nag-voice-over si Inday Badiday (RIP) sa isip ko: "Kinekembot ka lang n'ya! Wittels ka na n'ya love! 1-1/2 years na kayong naglolokohan! Mga bakla! Mga salot ng lipunan! Itigil n'yo na ang kalaswaan n'yo! Saranghameda!" ... Choz! .. basta parang ganyan naiisip ko nun, kasi parang walang sincerity sa eyes n'ya.


CUPCAKES (akechiwa): Wag mo na nga ako bolahin. Be honest, may naging jowa ka when I was away no?


Nung sumagot na sya sakin, smile lang si bakla. Laugh galore. Excuse na mag punta ng C.R. para umiyak ng slight. Hilamos, punas luha. Labas ng CR. I asked more information tungkol sa sinagot n'ya and continued prettending na happy ang moment. Laughed, smiled, drank coffee, smoked some more cigarette, asked for more details, and imagined I was stabbing him with a bolo tied with a pink ribbon while shouting "Todo na itu!" ... Ang sinagot n'ya kasi e isang tumataginting na "YESTERDAY, TODAY AND TOMORROW!". In short, nung wala ako e nagkajowa s'ya ng ibang badet! Saksak puso tulo ang dugo ang scenario in front of a fake bonsai sa gitna ng jutes na coffee table! Parang hanggang ngayun pag naiisip ko yung eksena namin sa coffee shop na pinamumugaran ng 'sangkaterbang bakla e naiiyak pa rin ako.


CUPCAKES: So makikipag break ka na?


YUMYUMS: Hindi, I love you.


CUPCAKES: E pano yung nakwento mo na lover mong bago?


YUMYUMS: Parang ikaw, iniwan n'ya din ako. He's in Singapore na.


CUPCAKES: So kayo pa rin?


YUMYUMS: Weren't you listening? Hindi naman kami naging official dahil alam n'yang ikaw ang mahal ko. I just needed somebody to talk to nung wala ka. Alam mo naman madami akong problema sa bahay. Ayoko na dumagdag sa mga iniisip mo. Saka it's easier to talk than write an e-mail.


CUPCAKES: Alam mo deadma na. I can't do this anymore and you don't have to explain anything (ang sosi namen mag-away no? In english talaga). Alam kong hindi mo na 'ko mahal. Naaawa ka nlng sakin kaya you can't say it to my face. So we're officially off now?


YUMYUMS: Ayoko, I love you! Bat ba ayaw mo maniwala? I love you. I always have and always will. Maniwala ka naman please.


(Director's note: cue in Kyla's songs, pan from right, zoom in on Jhezper's face, cue teardrops from Jhezper's right eye, cresendo music, then fade music with screen fade-out while MAHAL fades-in singing Queen of the Night.)


-----


Sabi nila masakit pag iniwan ka ng mahal mo para sa iba. Sabi nila mas masakit kung mamamatay ang mahal mo. Sabi nila pinakamasakit pag iiwan ka sa ere. Sakin? Masakit pag walang lubricant. Joke! Sige seryoso na ... sakin, pinakamasakit kung alam mong hindi ka na mahal ng isang tao pero pinapaniwala mo ang sarili mo na mahal ka pa rin n'ya. Masakit pag i-expect mong yung tao na mahal mo ang makakasama mo habang buhay. Na kahit anong mangyari, at kahit gaanong katagal na panahon ang lumipas na magkalayo kayo eh mahihintay ka n'ya. Mas matatanggap ko ang mga salitang "I don't love you anymore" kesa sa "I Love You" na alam mong either a sweet nothing or a politically correct gesture to calm you down from your big dramatic scene. Masakit pag na realize mo na ang pinananaligan mong sinabi ni Marleu-Ponty na "Love conquers time and space" sa kanyang Phenomenology of Love e haggang 1-1/2 years lang pala sa layong 15,000 miles.


Hindi ko alam pero 25 years na akong bakla at parang lahat ng relasyon ko e illusyon lahat. Siguro nga GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING. On my end, masaya nga ang pamilya ko at social life ko pero wala naman akong lovelife. Siguro that's my tradgedy, I'm a hopeless romantic who's never destined to experience real romance. Siguro, that's my life and I'd have to learn to appreciate what I have and not fancy on a wishful thinking.


Maganda naman daw ako sabi ng nanay ko. Gwapo naman daw ako sabi ng tatay ko. Matalino naman daw ako sabi ng mga ate at ng kuya ko. Maayos naman daw ang pagpapalaki saken sabi ng mga kamag-anak ko. Mabait naman daw ako sabi ng mga kaibigan ko ... bakit kaya walang nagmamahal sakin na hindi ko kabarkada o kapamilya?


... Siguro I'll find TRUE love someday ...


... I just wish it would be in this lifetime ...


*sigh*


-----

... 'eto na ang kantang may kasalanan kung bakit ang pathetic ko ngayun ... april 28 ... *sigh* ulit ...





TITLE: If the Feeling is Gone
ARTIST: Kyla
ALBUM: Not Your Ordinary Girl


if the feeling is gone,
please don't pretend,
that you still love me.
i can see it in your eyes,
and it hurts to admit it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you know if the feelin' is gone.


there's a sadness in your smile,
though i try to conceal it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go, if the feelin' is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know that i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go,
i just have to let you go,
i just have to let you go,
if the feelin' is gone.


... stay ...




Labels:

Tuesday, April 04, 2006

Segue 2 - Ang Bagong Awitin ng Dyosa


BABALA: Kung mahina ang iyong kakayahang pigilan ang sarili sa pag-indak sa mga nakaka-adik na tugtugin, huwag panuurin ang nakakabit na video!




KALOKAH! Ayun lang ang masasabi ko! Isa yata 'to sa pinka gay-na-gay na na-watch kong video lately. Eto ang mga napuna kong mga becky concepts sa video na 'to:



  • THE CONCEPT: Nadarama ng gaydar ko na folkloric ang director! Imagine, kunin ba naman ang concept ng Bang Bus at ng Bait Bus?!? More pick-up ng mga luluki si Madonna sa kalye dibinx?! (Sa mga hindi nakakaalam, ang concept ng mga nabanggit kong porn site is mag pick-up sa kalye ng mga "matitinong tao" tapos e-etchosin nila na bibigyan ng malaking anda para i-video sila na nakikipag-sex sa loob ng van! After nila ma-video na nakikipag sex, tatakasan nila yung pobreng tao. Taray no? Since porn site sila, hindi ko na nilagyan ng auto-link! I search n'yo nalang kung bet n'yo ... BANG BUS yung hetero/straight version, BAIT BUS naman yung gay na counterpart nung site. Super cutie sa BAIT BUS yung 1st saka 9th na victim YATA, nde ko na rin learn kasi tagal ko na s'ya hindi na visit dahil nagbabagong buhay na 'ko! Promise!)

  • THE CHOREO: Imagine Madonna dancing on roller skates! Promise pagbalik ko ng Pilipinas, aatak ako ng BED o kaya GOVERNMENT na naka roller blades with matching Madonna outfit! Slightly nakakainis lang kasi parehas na parehas yung choreography nung chorus dito saka dun sa last video n'ya. Ang dinagdag lang e yung move na pina-uso ni AIZA SEGUERRA nung hindi pa s'ya tiboli jackson sa SUPER INDAY AND THE GOLDEN BIBE (Sa mga choreographers ang tawag dito yata sa move ni AIZA na 'to e Side-way Snake Undulation. After ng 4 counts travel, pinasok yang AIZA move na 8 counts, then clap, tapos 6 counts na hand-roll then dalawang half-count na clap! Taray ko no? Na memorize ko talga ang choreography. Ganun ako ka adik sa video na 'to). Another kaloka choreo is yung LIZA MINELLI bukaka s'ya sa dance floor habang naka roller skates parin! Tumbling ako! Pati yung MYSTICA version n'ya ng tinikling halatang effort: split-to-another-split-to-another-split s'ya habang may luluki na tumatalon-talon over her!)

  • THE OUTFIT: I admit na lagi naman talga nakakaloka si Madonna t'wing may lalabas s'yang video. Although happiest sakin 'yung Japayuki days n'ya sa NOTHING REALLY MATTERS, keri na rin 'tong shining-shimmering-splendid version n'ya ng TANGGA ni CARMI MARTIN with rinestones and sequinces (hummmmm ... parang nakita ko na yata yung outfit n'ya na suot dati ni ALMA MORENO sa LOVELINESS ... pero deadma, kinopya man n'ya si ALMA MORENO sinasamba ko pa rin si Madonna!)



Anyway, enjoy nalang kayo! At bilang assignment ... I memorize n'yo ang buong kanta! Sa mga hindi pa nakaka relate, ang pinag-uusapan natin is Madonna the gay icon .. hindi si LOLA MADONNA sa na shigbak na show na TEYSI NG TAHANAN ... Eto na ang video ...




ARTIST: Madonna

TITLE: Sorry

ALBUM: Confessions on a Dance Floor

GAYNESS: Fatale!!!







Je suis désolée
Lo siento
Ik ben droevig
Sono spiacente
Perdóname


I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
[repeat]


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'Forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


You're not half the man you think you are
Save your words because you've gone too far
I've listened to your lies and all your stories (Listen to your stories)
You're not half the man you'd like to be


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'Forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


Don't explain yourself 'cause talk is cheap
There's more important things than hearing you speak
You stayed because I made it so convenient
Don't explain yourself, you'll never see


Gomen nasais [Japanese: "I am sorry"]
Mujhe maaf kardo [Hindi: "Please forgive me"]
Przepraszam [Polish: "Sorry"]
Sli'kha [Hebrew: "Forgive me"]
Forgive me...


(Sorry, sorry, sorry)
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
[repeat]


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
(Don't explain yourself cause talk is cheap)
I've heard it all before, And I can take care of myself
(There's more important things than hearing you speak)
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'forgive me'


I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before


Ano ang masasabi n'yo sa video?! Comment na!



Labels:

Wednesday, March 15, 2006

Segue 1 - BABALA SA LAHAT NG BLOGISTA!



Sa katotohanan lang, ayaw ko sana isulat 'to dahil masisira ang daloy ng blog ko, and aside from that e nega points sa karma ... pero kailangan!


Mega overseas call ako sa isang friendster sa Pilipinas para sumagap ng kung anu-anong chismis. Jumoin akenchi mag-blog dahil sa kanya, kaya sympre nauwi ang chikahan namin sa mga blog cherva. May nabanggit s'yang blog na kinaiirita n'ya. Nung pinuntahan ko, untikan akong himatayin pagkakyorpos ko mag-double-back-handsrping-step-out to a full-twisting-layout! Baket?!



  1. Ang buwakanang-inang-pakshet na writter ng hayup na blog na 'to e nangongopya ng ibang blog! Nyeta! Pag-binasa n'yo ang blog n'ya e ma-ha-happy kayo dahil baklang-bakla ang pagkasulat ... as in! Bakla na ko pero naloloka pa rin ako sa lengua ni puta! While readin this bitch's crap ... unti-unting dumilim ng slight ang paningin ko ... our god! ... teka teka teka ... parang concept ko yata 'to ... wait ... hindi parang! ... concept ko tal'ga ito! 'Nyeta talaga! OK, hindi n'ya nga kinopya ng verbatim ang blog ko pero the thing is, hindi lang ang blog ko ang pinagkopyahan ni bakla! Kung hihimayin mo ang blog niya, parang smorgasbord ng iba-ibang blog na trinanslate sa maximum-level na gay language. Sa 10 entries n'ya e 10 dun ang nabasa ko sa ibang blog ng ibang bakla at nilagyan lang ng hayup na baklang inutil na 'to ng konting palabok! Kaloka!

    • As a BONAfied star-scout of the Republic of the Philippines, let's give this piece of scum an iota of doubt's benefit ... ayun na yun! Hanggang isang iota lang ang kaya ng powers ko ibigay! When I checked this whore's post dates, 2 or 3 days lang ang difference sa mga post ko na "KAHAWIG" ng sa kanya! Nangongopya talga sya ng blog i swear on the dead body of my future ex-boyfriend!
    • Kung magiging pilosopical naman tayo na LAHAT NG
      MANUNULAT AY NANGONGOPYA NG LIKHA NG IBA. True yan to some extent! Sabi nga ng isang chenelar na witels ko na ma remember "Only God can create, people only recreate. We write, paint, and sculpt from things we've experienced or fancy of experiencing!" Pero hello shampoo! Pwede kang ma "inspire" ng isang bagay pero krimen naman na ang mangopya! Ewan ko sa iba, pero ang blog ko e NOBELA! Hindi 'to impromptu na blog na pag may nakita akong baklitang nasagasaan ng pison e ikukwento ko na after 2 minutes sa blog at lalagyan ko ng recapitulation na may morals para magmukhang mabolino akey! I spend hours upon hours upon hours (repeat to a dramatic cresendo then slowly fade) sa pag sunog ng kilay at pagsulat sa papel ng mga possible plot twists! At 'tong baklang ito e na pre-empt halos kalahati ng mga pinaghirapan ko i-establish ng paunti-unti sa 3 buwan! EMBEY!
    • At ang nakakaloka sa pagnanakaw ni bakla e nung i-compare ko ang "hits" ng blog n'ya sa KARAMIHAN ng mga pinagkopyahan n'ya e mas malaki ang sa kanya! Insecure na kung insecure ... e kung ikaw?! Imagine, magpuyat ka ng sampung dekada at dalawang segundo para sa isang paragraph tapos 10 tao lang ang magbabasa, tapos makikita mo yung sinulat mo e kinopya ng isang baklang inuyat sa nabubulok na dahon ng saging at isang milyon na tao ang nakabasa sa site nya at s'ya ang nakatanggap ng lahat ng papuri!?! I NEED A FUCKIN TYLENOL!


  2. Nagpapakahirap ang mga baklang nag b-blog para
    "linisin" ang nanggigitatang imahe ng sangkabaklaan. I'm not saying we're
    hypocritical Babylonian whores, bent on achieving world domination by blogging
    our fingers to the bone in an attempt of cleansing all the dirt our gay-forebearers left us! Ang pinupunto ko dito, ang blog ng magnanakaw na baklang 'to e binabalahura ang 'sang kabaklaan! May mga baklang bagay na pambakla lang at may mga baklang bagay na pwedeng i-reveal sa mga HINID at HINDI-PA bakla! .... hindi kok alam kung saang planeta galing 'tong tonta na 'to pero hindi n'ya alam ang "unwritten" rule of secrecy sa kaharian ng 'sang kabaklaan! Ang katabilan ng dila/daliri ng baklang 'to has crossed 3 miles from the border to stupidity! Bumenta lang ang blog n'ya e binebenta n'ya na ang pribadong buhay ng mga bakla!
  3. Ang lecheng boba na 'to e naglalagay pa ng mga pseudo-intellectual-socio-political entries! Ilusyunadang matinggera!
  4. Andami ko pang gusto sabhin kaso dudugo na ang ilong ko sa alta-presyon! Aside from that, e nasa Larry King si Liza Minneli at bilang isang socially-responsible na mamamayan ng Raindow Bright's Fan Club e hindi ito maaaring palampasin!


I'm not planning to put this bitch's blog address here 'coz it would just add to his traffic. Isa lang ang masasabi ko ... dahil alam kong mapapadaan KA dito to copy something from me ...


DIE BITCH!


P.S. I'll be deleting this entry when I upload the next chapter in 3 days!

Labels:


mga bagong chismis