Monday, March 27, 2006

Kabanata 9-2/3 - Ang Tarot ni Orakulo (Ikalawa sa Tatlong Yugto)




Ang Nakaraan: Sa ika-anim na araw ng pagsasanay ng ating mga tigapagligtas ay sumailalim sila sa isang maigting pagsubok kung paano sila makikibaka bilang isang pangkat. Ating balikan ang ating mga nuknukan ng gandang mga bida sa kanilang pakikibaka laban sa kanilang mga dating kaibigan .. ang mga Quantum Girlzz ...


-=-=-=-=-=-


INDAK: We would like to remind you of the fallowing rules ...


Naputol ang kanyang sinasabi nang nagbukas muli ang pintuan ng bulwagang pampalakasan at may mga pumasok na hindi nila inaasahan ...


Ang di-mabilang na dami ng ibang mag-aaral ng dalubhasaan (mula BLOCK BETA hanggang OMEGA) ay nagtakbuhan papasok ng bulwagan bitbit ang iba't ibang uri ng mga kagamitan tulad ng poster, notebook, abaniko, bimpo, sumblero, payong at postcards. Kinulumpunan ng mga ito ang mga QUANTUM GIRLZZ na humihingi ng mga pirma sa kanilang kagamitan.


INDAK: BACK-UP DANCERS TO MY SIDE!!! "MR. SUAVE" formation ...


Bago makalapit ang mga gurong sina VIP, SOP at X-BOMB sa kanilang pinunong si INDAK upang magamit ang kanilang Advanced Combat Choreography ay umalingawngaw sa buong bulwagan ang boses ng isa sa QUANTUM GIRLZZ.


TAGPI: HABI NG ISTORYAAAAAA!!!


Mula sa pagsigaw ay paulit-ulit niya na itong ibinulong. Sa kanyang bawat pag-ulit ay may kakaibang naganap ...


Huminto sa paggalaw ang lahat ng mga humihingi ng kanilang pirma. Ang ingay ng kasiyahan na pumupuno sa bulwagan, ilang sandali lamang ang nakakalipas, ay napalitan ng kaguluhan.


Nagbakbakan ang mga taong nakapaligid sa kanila - ang iba ay nagsabunutan, ang iba ay nagsampalan, ang iba ay nagsuntukan, ang iba ay nagkalmutan, ngunit ang karamihan ay nagbitawan lamang ng maaanghang na mga salita habang naka-pamewang.


Kasabay nito ay nagpalakpakan ang lahat ng mga tiga-"BLOCK ALPHA", na sa gitna ng kaguluhan ay nanatiling nakaupo sa kanilang mga salum-puwet.


PS1: Wow! I told you this was going to be fun!


PS2: TAGPI used his HIYAS! This is so cool!


PS1: Would you like to tell everybody what it does?


PS2: It "burns" gossips directly to a person's conciousness. You keep hearing and hearing gossips about you in your head. The side-effect would be what we are ...


Naputol ang kanyang komentaryo nang dumagundong ang boses ng kanilang reyna ... si LAKBAY ...


LAKBAY: TAGPI! STOP IT! NOW!


Tumigil si TAGPI sa kanyang pagbulong at huminto ang mga "panatiko" sa paggalaw.


LAKBAY: Everybody who's not part of this class, leave the gym!


Yumuko ang mga bagong pasok na mag-aaral at naglakad palabas ng bulwagan - tangan ang kanilang mga sira-sirang kagamitan, gula-gulanit na damit, magugulong buhok, mga duguang sugat at kulay talong na mga pasa.


LAKBAY: INDAK .. please procede ...


Palakpakang muli ang mga natirang mag-aaral.


INDAK: As I was saying ... aside from the rules that have been usually followed in this faux combat class, this is a special melee that needs a distinctive set of rules. First, this is for the QUANTUM GIRLZZ, you are only allowed to use only 2 power gems each during the battle since the MMS only have that number of gems as of the moment. Second, the battle ends when we say so. You cannot, or should I say - MAY NOT - kill anybody during this battle. Is that clear?


INDAYOG: We will give them an edge. We wiil only be using one power gem each.


Nagpalakpakang muli ang mga tao at ang iba ay sinigaw ang ngalan ng pinuno ng QUANTUM GIRLZZ kasabay ang mga papuri kung gaano sila kabait at kagaganda.


Tumango ang mga Maaalindog na Mandirigma ng Shanara (MMS) sa mga idinagdag na tagubilin.


INDAK: FORCE-FIELD, NGAYUN DIN!!!


Lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na sila narinig ng mga mandirigma at guro sa loob ng entablado sapagkat lahat ng uri ng tunog, bagay at enerhiya ay hindi na nakakapasok at nakakalabas sa entablado maliban sa mga RF na nanggagaling sa mga malilit na micrponong nakakabit sa kanila. Ang mga mikroponong ito ang dahilan kung bakit ang bawat salitang bibitiwan nila sa laban ay maririnig ng mga tigapanuod.


INDAK: Let's get ready to rrrruuuuummmmbbbllleeee!!!


---


Kagyat na umupo si ORAKULO sa sahig at may inilabas sa kanyang maliit na tampipi.


ULINIG: What's ADA doing?


SAMYO: I think he's going to read Tarot cards!


ORAKULO: Baligtad na Pitong bastos! Hindi sila susugod!


INDAYOG: Kung ako sa inyo ay sumugod na kayo habang pinagbibigyan pa namin kayo!


TANAW: Bakit ba gusto n'yo kami kalabanin? Ano bang problema n'yo?


ORAKULO:  Lalaking Nakabitin ! Hindi tal'ga sila susugod!


INDAYOG: Ayaw n'yo sumugod? Well then ... KILABOT, choose your target.


Humakbang ng papalapit si KILABOT at idinuro si SAMYO.


KILABOT: BUHAY NA BANGUNGOT NI SAMYOOOOOOOOOO!!!


-=-=-


Hindi alam ni JESSIE kung bakit ganuon nalamang ang puot na nadarama sa kanila ng kanyang mga dating kaibigan. Kung ihahambing kina MELCH, ART, KAYCEE at KIRK ay mas matagal ang panahong pinagsamahan nila ng mga QUANTUM GIRLZZ. Sila ang kanyang mga matalik na kaibigan nuong siya ay nag-aaral pa ng kolehiyo at siya rin ang nagpakilala sa kanila sa mga kabigan niyang mga tiga-Mabayuhan.


Nagulat nalamang si JESSIE na ngayuon ay nasa anyong SAMYO nang biglang nagbago ang kanyang kapaligiran matapos na may isigaw si KILABOT at duruin siya nito.


Ang bulwagang pampalakasan ay napalitan ng hardin sa labas ng tahanan ng kanyang mga magulang. Umiinom ng mainit na kape ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay nagdidilig ng mga halaman habang ang apat nilang alagang aso, sina MEGS, MAEGAN, BROWNIE at ESPI, ay naghahabulan. Babatiin niya sana ang kanyang nanay at tatay nang nakita nalamang niyang may mga taong naka-amerikanang kulay itim na may dalang mga papeles at pinapalayas ang kanyang mga magulang sa kanilang tirahan.


-=-=-


PS1: Look at that!


PS2: SAMYO is down on her knees and crying like a baby!


ORAKULO: Reyna ng Bastos! Susugod si TANAW! KILABOT iwas!


Salamat sa sinabi ni ORAKULO ay nakaiwas si KILABOT sa bolang apoy na itinapon sa kanya ni TANAW. Lalong lumakas ang pag-iyak ni SAMYO na tila nahihirapan nang huminga nang isarado ni KILABOT ang kanyang kamay na mistulang mayroong pinipiga.


ORAKULO: Ang Magsing-Irog! Sino 'to?!? Bakit may "Lovers" na lumabas?!




BANG!




May malakas na tunog na tila mayroong humahambalos ng malakas sa force-field na nakapaligid sa kanila. Napatingin ang mga QUANTUM GIRLZZ sa pinanggalingan ng tunog.


Habang hinahampas ng salum-puwet na yari sa bakal ang force-field ay nagsisigaw si MIKAL ...


MIKAL: Pick on somebody your own size you fuckin' bitches! Fight me!


GILAS: Ano daw?


INDAYOG: Hindi ko 'din s'ya gaano marinig. Pero in fairness cute s'ya and mukhang daks ang no ...




KAZAAKKK!




Hindi na natapos ni INDAYOG ang kanyang sasabihin nang kumislot ang kanyang katawan. Sa kanyang pagbagsak sa papag na yari sa bakal ay nagpalakpakan ang lahat.


PS1: Wow! I didn't see how that happened!


PS2: ULINIG has used her electrifying touch on the QUANTUM GIRLZZ' leader!


ORAKULO: Reyna ng Kopas! Pigilan n'yo si BIGKAS! Gagamutin n'ya si SAMYO!


Palihim na susubukang gamutin ni BIGKAS ang kanyang kaibigan mula sa bumabalot ditong sumpa nang biglang may tumama sa kanyang mukha bago pa niya ito maisakatuparan ng ganap.


PS2: BIGKAS has just been kicked right in the face by GILAS!


Sinamantala ni HAPLOS ang pagtalikod sa kanya ni GILAS.


PS1: GILAS is also out! He's just been touched by HAPLOS!


HAPLOS: ART! Tirahin mo si CHUN LI ng fireball! Hindi na makahinga si JESSIE!


TANAW: Hindi ko alam kung nasaan s'ya! He's out of my x-ray sight!


HAPLOS: 2 o'clock!


Alam ni TANAW ang nais iparating ni HAPLOS sa pagsabi nito ng oras. Inisip niyang siya ay nasa gitna ng isang dambuhalang relo at ang kanyang harapan ay ang numerong 12. Nagtapon siya ng isang bolang apoy tungo sa dapat ay 2.


Nagpalakpakan at nagtawanan ang mga tao sa loob ng bulwagan.


PS1: TANAW has just hit his own teammate with a fireball! ULINIG is down!


PS2: The only people left standing are HAPLOS & TANAW for MMS and KILABOT & ORAKULO for the ...


PS1: Wait a minute! INDAYOG is up again! ... And GILAS is also up!


PS2: Oh my goddess! 2 unexperienced fighters versus 5 of the most famous S.I.G.A. Agents!


INDAYOG: Humanda kayo sa ...


ORAKULO: Pitong espada! INDAYOG umiwas ka may pataksil na titira!


Nakailag si INDAYOG sa tinapon ni TANAW na bolang apoy.


Tumawa si INDAYOG na tila nililibak ang kakayahan ng mga MMS.


INDAYOG: Habang nasa tabi ko si ORAKULO eh hindi n'yo ako matatamaan ng mga supot n'yong paputok!


HAPLOS: Sino ang nagbebang na ikaw ang target in the first place?


Nagsisisigaw si KILABOT, na kamakailan lamang ay nakatayo sa likod ni INDAYOG, sapagkat nagliyab ang kanyang buhok dahil sa bolang apoy na tumama sa kanyang ulo. Kasabay nito ay nawala ang hawak niya sa isipan ng kanyang pinahihirapan.


Dahan-dahang tumayo si SAMYO mula sa kanyang pagkalupasay sa sahig. Kasabay ng kanyang pagbangon ay ang pagtahimik ng lahat na tila huminto ang panahon.


SAMYO: Bakit n'yo ba 'to ginagawa sa'men? Kung gusto n'yo ng gulo ay bibigyan namin kayo!


Nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagpunas ni SAMYO sa kanyang mga matang namumugto sa luha.


Kagyat na nagtungo si SAMYO sa kinatatayuan nina TANAW at HAPLOS.


May ibinulong si SAMYO kay TANAW at tumango ito.


ORAKULO: Anong nangyayari?!? Walang sense ang lumalabas sa mga baraha ko?!


Nagsimulang magtapon si TANAW ng bolang apoy sa kung saan-saang direksyon habang nakatayo sa kanyang likuran sina SAMYO at HAPLOS kasama ang kagigising na sina ULINIG at BIGKAS. Dahil sa sunod-sunod ang pagtilapon ng mga bolang apoy kung saan-saan ay nagkandaripas sa pagtakbo upang makaiwas ang mga QUANTUM GIRLZZ.


ULINIG: I'm scared na! I've kinda read BUTCHOI's thoughts bago ako natamaan ng fireball ni ART! They're really planning to kill us!


[BIGKAS:] Tumigil ka na bakla! Hindi nila kayang gawin 'yun sa'tin! And besides, I think nananalo na tayo!


SAMYO kay ORAKULO: Subukan mo mag-predict ngayon! Divination only works on karmic patterns .... bitch!


Sanay sila na ang nakikita ay ang tahimik, palangiti at mabait na kasapi ng MMS. Tulad sa mga telenovela, mas nais ng mga manunuod na ang kanilang bida ay mabait at magpapaapi sa umpisa, ngunit sa kalaunan ay lalaban hanggang sa malupig ang kanyang katunggali. Nakakaamoy sila na may dadanak na dugo kung kaya't lalong lumakas ang kanilang palakpakan.


PS1: I think we've got a leader in the making here ...


PS2: You're right! And look! One of TANAW's random fireballs has hit ORAKULO's cards!


Nagliyab ang mga baraha ni ORAKULO. Nagtititili ito habang sinusubukang supilin ang aso at apoy na galing sa kanyang mga barahang panghula.


SAMYO: ART, you can stop now.


Nang tumigil si TANAW sa pagbato ng mga bolang apoy ay natahimik ang lahat at huminto ang mga QUANTUM GIRLZZ sa pagtakbo ng paparuo't parito.


SA panahong iyon ay mas kumapal ang tensyon sa hangin sa luob ng bulwagan.


[SAMYO kay KAYCEE]: Can you hear me?


KAYCEE ng pabulong: Yes mother. Why?


[SAMYO kay KAYCEE]: 'Wag ka maingay. Can you hear any of their thoughts? Gusto ko malaman if they are ready to give-up now that ADA won't be able to help them.


KAYCEE ng pabulong: Hindi eh. I can't hear their thoughts kasi their malayo from me.


Umubo si SAMYO na signos na dapat makinig sa kanyang sasabihin ang kalabang pangkat.


SAMYO: Are you accepting your defeat?


INDAYOG: Ang tagal na nating magkakilala. Hanggang ngayun, mahilig ka parin pala mag-assume. GIRLZZ! BULAKLAK FORMATION NOW!


PS1: Holy shit!


PS2: Yeah! They're going to use their BULAKLAK FORMATION! Oh my, the MMS are toast!


Pinalibutan si INDAYOG ng kanyang mga kasamahan at naghawak-hawak sila ng mga kamay. Nagsimula silang umawit at sumayaw tulad ng mga batang lansangan ...




... bubuka ang bulaklak ...

... sasara ang bulaklak ...




ULINIG kay BIGKAS: Mother! Why are you making kembot???




... papasok ang reyna ...
... kekendeng-kendeng pa ...




[BIGKAS]: Gwagwa! Ikaw din kumekembot!




... bumtiyaya-bumtiyaya-bum-ye-ye ...



HAPLOS: Ba't ganito?! Lahat tayo kumekembot? Hindi ko s'ya mapigilan!





... bumtiyaya-bumtiyaya-bum-ye-ye ...




 


-=-=-=-=-=-


... itutuloy ...



mga bagong chismis