Saturday, April 29, 2006

Kabanata 11-1/2 - Pasaway na Pasiyawan ng mga Sumasaway (Una sa Dalawang Yugto)



KAYCEE: Bakla naman! Can't you kinda hurry up? I'm like so bored na!


Nagbukas ang pintuan tungo sa palikuran at tumambad ang kanyang kaibigang si JESSIE sa kanyang anyong Shanara - si SAMYO.


SAMYO: Nakakainis kayo! Sabi n'yo as girls din kayo pupunta dun! Ba't lalaki ka paren?!


KAYCEE: Ayoko pumunta as a girl, alam ko namang ako ang tunay na maganda sa'ten so I don't wanna upstage any of you or something. Baka sila as girls pupunta. You're so pretty I swear!


SAMYO: Pretty ka dyan. Baka pretty ugly. Hayup talaga kayo! I'm not comfortable in this gown. Masyadong maeksena.


Namangha si KAYCEE sa karik'tang taglay ng kanyang kaibigan sa kanyang suot na gayak pangkasiyahang ginawa ng kanilang kaibigang si KIRK at gurong si SULSI. Ang kanyang gayak ay maihahantulad sa mga kasuotan ng mga dugong bughaw nuong panahon ng mga hari't reyna sa Ingglatera na nilagyan ng mga bubot na mga brilyante at pampakinang.


KAYCEE: I swear you're so maganda in that gown. You look like a real princess. Kulang na lang is a prince charming pwede mo na sakupin ang Encantadia or something! Oh wait, speaking of prince charming, he's right outside our door now.


Biglaang may kumatok sa kanilang pintuan.





SAMYO: Sino yung nasa labas? Is somebody going to attack us again? Scan the person's mind now!


KAYCEE: Relax bitch! Battle mode ka nanaman! You don't have to be so paranoid like 24/7. I've read the thought of the person making katok on the door. He's really nervous about what you'd say about what he's wearing and extremely excited to see you. Ang ganda mo grabe! Hindi ka pa n'ya nakikita he's already having a hard-on!


Tumawa si KAYCEE at binuksan ang pintuan.


MIKAL: Mona Serra KAYCEE. Dove *& JESSIE?


KAYCEE: Can you think in English? I can't understand what you're thinking!


MIKAL: Perdoname senorina. Where's JESSIE?


Pinapasok ni KAYCEE si MIKAL sa silid.


KAYCEE kay MIKAL: Relax Mr. Dreamboy, my friend's not going to eat you. I mean not now. Probably later siguro you'll eat each other or something. And like ko 'yang costume mo ha! I didn't actually think you can pull off wearing a short skirt over golden tights!


SAMYO: Ay nako! I won't go to this party anymore! You guys can go ahead.


MIKAL: What's the matter? You look beautiful.


SAMYO: They told me to wear this shit because there's a contest for best in costume! We look like we're going to a medieval coronation night! People might think we are actually going there "together"! Just go on ahead while I change clothes.


KAYCEE: Wala na tayong oras gurl! Saka mahiya ka naman 'coz ineffort yang gown mo ni KIRK and SULSI. Let's go na! The guys are outside our room already!


Muling mayroong kumatok sa kanilang pintuan. Binuksan ito ni MIKAL at binati ang mga tao sa labas.


MIKAL: Hi guys, come on in!


MELCH: Kanina pa kami naghihintay ang tagal n'yo!


ART: Let's go na dali!


SAMYO: Mauna na kayo! Ang daya n'yo! Ako lang ang pupunta sa party as a girl! Tapos match pa 'tong costume namin ni MIKAL! Susunod nalang ako if I find it in my heart to forgive all of you for making me look stupid!


MELCH: Bakla 'wag ka na nga mag-inarte! Gusto mong sampalin kita ng 12-inch na vibrator ni ART?


ART: Gago!


MELCH: Dali na bakla! Kanina pa yata nag-start yung party. Wala kaming nakasalubong papunta dito!


SAMYO: Mauna na nga kayo! Ang kulit!


[KIRK kay JESSIE]: Nakita ko si BANTAY kanina. I saw him talking with somebody na kamukha ni Wendell Ramos. Pero nagbubulungan sila. I think may balak silang guluhin yung party.


SAMYO: Huh?! BANTAY is back?! Kelan pa? How was he?


MELCH kay SAMYO: Sino kausap mo bakla?! Humithit ka ng katol no? Ilang bese ko ba sasabihin sa'yo na ang katol e ginagamit na pampatay ng lamok hindi para ...


SAMYO: Shhhhh! Si bakla naman! KIRK, tell me, did he look OK?


[KIRK kay SAMYO]: I dunno, he was on a wheelchair in his human form. He was ALDEN when I saw him not as BANTAY technically.


SAMYO: Let's go!


MELCH kay SAMYO: I thought hindi ka na sasama?


SAMYO: I've changed my mind!


Nagmamadaling lumabas si SAMYO habang pilit niyang hinihilang pataas ang harapan ng kanyang palobong palda upang hindi siya matapilok.


Kumindat si KIRK kay MIKAL.


MIKAL: I wasn't even able to give him ...


[KIRK kay MIKAL]: You can give JESSIE the bouquet of roses you've been hiding behind your back when we get to the party.


MIKAL: Grazzie mille.


[KIRK kay MIKAL]: Told you I can make him go to the party with you!


---


MELCH: Papatayin ko 'yung lecheng SULSI na 'yun pag nakita ko s'ya mamaya!


Hindi napigilan ni MELCH ang maglitanya ng masasamang salita sapagkat sa kanilang pagpasok sa bulwagang pinagdarausan ng pasayawan ay kagyat nilang napuna ang isang bagay:


KAYCEE: O my gosh this is so kakahiya! Tayo lang ang naka costume!


Sasamantalahin sana nilang lumabas ng hindi napupuna ng mga tao sapagkat abala ang lahat sa pagsayaw ng "PON DE REPLAY" ni RIHANNA. Bago pa man makalabas ay naunsyami ang kanilang balak.


Biglaang huminto ang nakakaindak na tugtugin at tumapat sa kanila ang mga pang-entabladong ilaw.


PS1: Let's all welcome our batch's pride! The Maaalindog na Mandirigma ng Shanara!


PS2: Don't you just love what they're wearing???


[KIRK sa mga MMS at kay MIKAL]: Guys gusto ko na mamatay. Now na!


Nagsimulang magpalakpakan ang mga tao.


PS1: MELCH is wearing a "MANANAGGAL" costume.


PS2: ART is wearing a "TIKBALANG" outfit.


PS1: I think KIRK is "KAMATAYAN".


PS2: ... and KAYCEE is a "BLACK DWENDE".


PS1: Oh my, this is so sweet, look at our batch's love team!


PS2: MIKAL and SAMYO are here as ROMEO and JULIET!


Sabay-sabay na gumawa ng tunog ng buntong hininga and mga tao sa luob ng bulwagan (tulad ng sound effects sa telebisyon nuong dekada 80 kapag may pumasok na sikat na artista sa eksena) at lalong lumakas ang kanilang palakpakan.


PS1: Anyways, let's go back to parteeeeeeeeeee!!!


Dumagundong ang "SORRY" ni MADONNA at bumalik sa pagsasayaw ang mga tao na mistulang walang nangyari.


---


[KIRK kay SAMYO]: Pumayag ka na sumayaw with MIKAL bakla! Kanina pa 'yan nagmamakaawa sa'yo! Tapos binigay mo pa kay MAMA LAKBAY yung binigay n'ya sayong flowers! Nakakainis ka bakla!


SAMYO: Ayoko, tignan mo nga yung mga sumasayaw! Sweet yung dance nila! Kung gusto mo, ikaw nalang kaya sumayaw with him?


Nahalata ni SAMYO na nakatingin si KIRK kay MIKAL at naramdaman niyang may sinasabi ito sa pamamagitan ng salitang-isip.


SAMYO: Ano nanaman yang sinasabi mo kay ...


Biglaang hinatak ni MIKAL si SAMYO tungo sa gitna ng bulwagan kung saan nagsasayawan ng magkaakap ang mga magkakapareha.


SAMYO: Stop it, I said I don't wanna dance!


MIKAL: But KIRK told me you said yes!


SAMYO: Punyetang KIRK yan!


MIKAL: KIRK masturbates?


SAMYO: Look, let's just go back. I'm not in the mood for dancing.


Biglaang tumigil muli ang tugtugin at tumapat kina MIKAL at SAMYO ang mga ilaw.


PS1: Ladies, lesbians, bi-sexuals and gays! MIKAL and SAMYO are finally going to dance!


Nagpalakpakan ang mga tao sa bulwagan. Matapos humupa ng mga palakpakan, sipol at tuksuhan ay may isang kilalang tao na umakyat ng entablado na sanhi ng sabay-sabay nilang pagtigil sa paggawa ng ingay.


PS2: And to sing for this glorious occasion, please welcome, the Philippines' original song goddess ... MS. CELESTE LEGASPI from the planet DIVA!!!


CELESTE LEGASPI: This song is for all of you ...


Nagsimulang umawit si CELESTE LEGASPI ng "TULIRO". Kasabay nito ay gumilid ang mga taong sumasayaw upang palibutan sina MIKAL at SAMYO.


SAMYO ng pabulong kay MIKAL: I said I don't wanna dance. I'm leaving!


Magsisimula ng tumalikod si SAMYO ng mayroon siyang naulinigang boses sa kanyang isipan. Ang tinig ng kanilang Reynang si LAKBAY.


["JESSIE, dance with MIKAL. Do this for me. Please."]


SAMYO: Ayoko po.


["Did you say something? I'm sorry I can't read your thoughts right now. This is your queen talking to you. Dance with him."]


Napasimangot si SAMYO at ipinatong ang kanyang isang kamay sa balikat ni MIKAL. Kinuha ni MIKAL ang kanyang nalabing kamay at nagsimula silang sumayaw sa malamig na tinig ni CELESTE LEGASPI.


Hindi napuna ni SAMYO na kasama sa mga taong nakapalibot sa kanila ang kanyang mga kaibigan.


MELCH: Ang taray! Pano mo nagawa 'yun bakla?


[KIRK kina MELCH, ART at KAYCEE]: Simple lang mare. Inimagine kong kaboses ko si LAKBAY tapos ayun ang ginamit kong voice to talk through telepathy with JESSIE (SAMYO). Effective da'vah?!


MELCH: Mare, nadarama kong effective ka din maging kontrabida!


[KIRK kay MELCH]: Gwagwa!


---


Kahit na anong pilit ni SAMYO na umiwas ay may isang bagay na hindi niya mapaliwanag na tumutulak sa kanya upang tumingin sa mga mata ni MIKAL.





Tuliro, tuliro, tuliro,
May biglang kumislap sa mata ko,
at nagsumayaw ang mga anghel sa'king likuran,
nang sinulyapan, miminsan naman.
Ewan ko nga ba, bakit nag-iba, puso'y kumaba
nang nginitian, kay bilis namang ...




Sa kaibuturan ng kanyang puso ay nais niyang makinig sa kanyang mga kaibigan. Nais niyang ibigin si MIKAL. Nais niyang maramdaman na mayruong umiibig sa kanya ng tunay sa katauhan ng nilalang sa kanyang harapan.





... mabaliw ...
Kay bilis namang mabulagan ng ganda ng buwan,
Kay bilis namang matabunan ng ulap ang daan.




Pilit niyang pipaniwala ang kanyang sarili na mahal niya si MIKAL, na madalang ang taong tulad niya na mamahalin siya ng ganap. Marami siyang naiisip na dahilan kung bakit dapat niyang mahalin si MIKAL ngunit tila hindi pa rin ito sapat. Mayroong kulang ... hindi niya ito maipaliwanag ... nais ng kanyang isipan ngunit tila ayaw makinig ng kanyang pagod na puso ...


Nakaramdam siya ng ibayong kaba nang kanyang mapunang palapit ng palapit ang mga labi ni MIKAL sa kanyang mga labi.





Tuliro, tuliro, tuliro,
May biglang sumiklot sa dibdib ko,
at nagsumigaw bawat himaymay ng aking laman,
nang madampian, sasaglit naman.
Aywan ko nga ba, kahit tapos na, labi'y naruon pa,
nang hinalikan, kay bilis namang ...




... Hindi niya alam ang kanyang gagawin ...





... mabaliw ...
Kay bilis namang mabulagan ng ganda ng buwan.
Kay bilis namang matabunan ng ulap ang daan.




... unti-unti naglapit ang kanilang mga labi ...





... kay bilis namang ...
... mabaliw ...




KAYCEE: EVERYBODY GET DOWN! SOMETHING'S GOING TO EXPLODE!




BOOOOOOOOM!




... itutuloy ...


-=-=-=-=-=-


Aloha from Hawaii!!! Hehehe. Sorry kung super dowfer late akembang-bang-ketumbang-kebe-kebe-kedam-dumdang-ketumbang-kepeng (Ecstacy, Extano) mag post. Sadyang Bisi lang ang bakla sa pag rampage here, there and everywhere! I hope you enjoyed this chapter. I love you all kahit na hindi n'yo ako love! Promise the next SEGUE CHAPTER will be cumin up sooner than Mama Ricky Reyes finding an heir for his Salon Empire! *muah*



Labels:

Tuesday, April 18, 2006

Segue 3 - Pagkapit sa Nakaraang 'di Mababago ni Mababalikan


*sigh*


O da'vah? Umpisa pa lang alam mo agad na drama itu! Alam kong nagbabasa ka dito for "escapist reading" - in short, para maaliw. Pero since ang madlang bayan ay naaaliw sa malalagim na kinasasasapitan ng ibang nilalang, alam kong ikakasisiya mo rin ang drama ko.


Anyways, more d/l ang badet ng mga piratang .mp3 and I stumbled upon Kyla's revival of the super straight-haired Ella Mae Saison classic. Mega listen habang pilit kong binabasa ang isang nakakaburaot na libro ng mag-asawang David & Leigh Eddings (The Elder Gods - Book One of the Dreamers). Biglang ... Shet na extra sticky sa pwet! ... na emote ako promise! Hindi dahil sa walang kwentang libro, kundi dahil sa song ni Kyla (na mataray kung ang ginawa n'yang surname e Minogue).


Sumikat kasi 'tong song nung Grade 6 ata ako or something, kaya familiar s'ya pero nde ko learn by Heart Evangelista ang pinatutunguhan ng lyrics. Na gets mo ba? Explain ko pa ha .. ang slow mo eh ... different pala pag alam mo yung song nung bagets ka pa tapos maririnig mo ulit pag ka join mo na si Cheetara sa Thundercats. Parang totoo ang chismis na with age comes wisdom. EXAMPLE: Dati dance galore ka lang ng Roger Rabbit at Running Man to the tune of Ice Ice Baby by Vanilla Ice, tapos ngayung may edad ka na e na realize mo bigla na ang awitin palang iyon e tungkol sa pagbuwis ng buhay ng ating mga ninuno upang iahon ang ating inang bayan sa burak na kanyang kinalulugmukan! Kari? Keri!


Siguro na e-mote lang din ako dahil sunod-sunod ang subliminal messages na pumasok sa ga-pasas na utak ni bakla:



  1. Kakabasa ko lang ng blog ni lola LOJIKA. In fairness sa blog na 'to, hindi s'ya mainstream (read: hindi 1 million hits per day) pero kahit na ako na kebs sa ka etchosan ng konsepto ng love e na t-touch. Ang drama sa buhay ng babaeng 'to e sinusulok ang ANAKARENINA, ANA LUNA, FLOR DE LUNA at ANA LIZA combined! The last post I read in her blog was about being "A.A." (Asa-Asa sa pag-ibig).

  2. Kakabasa ko lang din a couple of days ago ng blog ni BERZ, at although nakakatawa ang eksena ni becky, pasok pa rin sa makipot na banga ni Lola Basyang ang churva n'ya na "GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING". Beegees at Steps on the loose divinx? (speaking of Steps, na'san na kaya sila?)

  3. Kakatapos ko makipag chat sa isang badet na BAKA maging TITI ko (This Is Truly It!). In fairness sweet s'ya kaso ang gulo pa ng isip ko kasi feeling ko mauulit nanaman 'tong alamat na ito ...


... nuong unang panahon, mga 2 years ago, na in-love ang isang baklang operada ang ilong sa kaharian ni Madamme Senyora Donya Gloria Macapagal-Arroyo ... the mystical world of Mystica ... the land of dinuguan and asusena ... the fantabulous world of Encantadia!!!



In fairness pang tele-novela ang pag-meet namin. Nanunuod ako ng movie by myself during that time. Vacation ko nun from work and I was waiting for my friend James Harmann. Since early ako sa appointment namin by 3 hours, watch galore ng movie. Habang lumalafang ng hotdog with sarsi on the side, may nag-stalk sakin sa luob ng sine. Hindi ko alam kung ano ang habol n'ya: A - puri't alindog ko; B - hotdog at sarsi ko or C - wallet ko (I'm sure wallet ang sagot). Super tensyonada na si bakla so lipat akey ng upuan. Follow the river ang stalker. Lipat ulit ng upuan. Follow the yellow brick road naman s'ya. Wala sa'kin ang ruby slippers ni Dorothy kaya hindi maka-teleport pabalik ng Kansas si bakla. Standing galore nlng ako sa likod para kung saksakin n'ya man ako e may makakapansin na may isang nuknukan ng gandang bakla na biglang babagsak sa sahig da vah? Nung sisigaw na ako ng "HOLD-UP" (baka kasi may chance na mapatay ko sa sindak si Barbarang hold-uper) biglang may lalaking nakasuot ng T-shirt na SUPERMAN na tumabi saken tapos ask s'ya ng "May problem ba?". After that umalis yung stalker ko! True itong kaganapan na ito promise! Tamaan man si KIRK at EFREN ng pink na kidlat ... now na! To cut this short, basta naging kami after meeting several times since that event.


Fast forward tayo ng slight ... after one and a half years ...


Since sa istits nga nag-aararo ng tigang na lupa ang bakla e naging long distance relationship ang drama namin. Nag vacation na ako ulit nun pero hindi s'ya nakipag meet. Deadma nlng ako dahil mag b-board s'ya nung time na yun so inintindi nalang ni bakla na nde carry ang distraction. Nung next vacation ko na, ayaw nanaman makipag meet. Paalis na ulit ako nung pumayag na s'ya sa pangungulit ko. Naloka akey kasi gusto ko manuod kami ng HARRY FUTA 4. Since nag meet kami during a HARRY FUTA movie din, naisip ko na ang sweet naman kung ayun ang panuorin namin for more balik-tanaw na drama. Ang text ng ex YUMYUMS ko ... "Let's just have coffee." ... Paranoia 101 habang dance-dance revolution ang badet in maniac mode!


Bilang isang chismosa ng taon, alam ko na pag gusto mong makipag break at alam mong Best Actor in a Female Role ang jowa mo, sa public market ang best place para hindi makagawa ng eksena yung i-b-break mo. So I was sure na breaking point na nga ng love affair namen. Nauna na si bakla sa sinabi n'yang coffee place. Get ng Kapeng Barako to calm myself at hithit ng isang pack ng yosing gawa sa Cebu. More pa cute ang mga becky sa katapat kong table pero deadma lang ako dahil nagiipon ako ng luha para sa drama-rama-sa-dapit-hapon namin ni YUMYUMS.


Dumating na s'ya ... and syet! Naka Superman shirt ulit s'ya! I wish sinuot ko ang t-shirt ko na Wonderwoman para winner kami ng best in costume! (Lilinawin ko lang na madami s'yang shirt na Superman in different colors ha! Baka iniisip n'yo na after 1-1/2 years ayun pa rin ang suot n'ya.) Nung umupo na s'ya sa harap ko e parang nakita ko si Celine Dion na super sing ng It's All Comming Back dahil kinilig pa rin ako sa ngiti n'ya. Usap kami. Yung usual na usap ng mga mag-asawang bakla ... "Ilan ang nahada mo nung wala ako?", "Nagpapavontrapp ka na ba?", "Nag-iba ka ng foundation no? Parang pumuti ka kasi." ... mga ganyang chikahan ng mag-asawang badet. Habang nag-uusap kame, nag p-production number na ang mga baklang chismosa sa paligid namin dahil nakita nilang holding-kamot kami ni YUMYUMS.


Siguro nakakaloka talga pag may nakita kang lalaking may goattee na mukhang pumapatay ng badet tapos may ka holding-hands na lalaking nakasuot ng Superman na t-shirt sa katawan n'yang parang hinubog ng kamay ng gay version ni Bathala. Promise, nung hi-hello-shampoo-session namin ni YUMYUMS eh hindi mo mahahalatang scotch-on-the-rocks ang relasyon namin dahil para kaming mga rekado sa isang pa-contest ng patamisan ng panucha at sundot-kulangot.


Matapos ng ilang saglit (after 2 minutes), na felt kong dapat seryosong usapan na, kasi, sinasayang lang namin oras naming dalawa kung nakipag meet lang s'ya to formally break-up. Tatanungin ko na sya nun kung may feelings pa ba s'ya saken .. biglang talak si YUMYUMS ..


YUMYUMS: I love you.


Syet! Kilig to the bones with matching spontaneous orgasm at nag Hallelujiah si Bamboo somewhere out there beneath the pale lamp-light! But when I looked into his eyes. Teka, teka, teka ... may wrong yata! May sinasabi pa s'ya nun kaso hindi ko na naintindihan dahil nag-voice-over si Inday Badiday (RIP) sa isip ko: "Kinekembot ka lang n'ya! Wittels ka na n'ya love! 1-1/2 years na kayong naglolokohan! Mga bakla! Mga salot ng lipunan! Itigil n'yo na ang kalaswaan n'yo! Saranghameda!" ... Choz! .. basta parang ganyan naiisip ko nun, kasi parang walang sincerity sa eyes n'ya.


CUPCAKES (akechiwa): Wag mo na nga ako bolahin. Be honest, may naging jowa ka when I was away no?


Nung sumagot na sya sakin, smile lang si bakla. Laugh galore. Excuse na mag punta ng C.R. para umiyak ng slight. Hilamos, punas luha. Labas ng CR. I asked more information tungkol sa sinagot n'ya and continued prettending na happy ang moment. Laughed, smiled, drank coffee, smoked some more cigarette, asked for more details, and imagined I was stabbing him with a bolo tied with a pink ribbon while shouting "Todo na itu!" ... Ang sinagot n'ya kasi e isang tumataginting na "YESTERDAY, TODAY AND TOMORROW!". In short, nung wala ako e nagkajowa s'ya ng ibang badet! Saksak puso tulo ang dugo ang scenario in front of a fake bonsai sa gitna ng jutes na coffee table! Parang hanggang ngayun pag naiisip ko yung eksena namin sa coffee shop na pinamumugaran ng 'sangkaterbang bakla e naiiyak pa rin ako.


CUPCAKES: So makikipag break ka na?


YUMYUMS: Hindi, I love you.


CUPCAKES: E pano yung nakwento mo na lover mong bago?


YUMYUMS: Parang ikaw, iniwan n'ya din ako. He's in Singapore na.


CUPCAKES: So kayo pa rin?


YUMYUMS: Weren't you listening? Hindi naman kami naging official dahil alam n'yang ikaw ang mahal ko. I just needed somebody to talk to nung wala ka. Alam mo naman madami akong problema sa bahay. Ayoko na dumagdag sa mga iniisip mo. Saka it's easier to talk than write an e-mail.


CUPCAKES: Alam mo deadma na. I can't do this anymore and you don't have to explain anything (ang sosi namen mag-away no? In english talaga). Alam kong hindi mo na 'ko mahal. Naaawa ka nlng sakin kaya you can't say it to my face. So we're officially off now?


YUMYUMS: Ayoko, I love you! Bat ba ayaw mo maniwala? I love you. I always have and always will. Maniwala ka naman please.


(Director's note: cue in Kyla's songs, pan from right, zoom in on Jhezper's face, cue teardrops from Jhezper's right eye, cresendo music, then fade music with screen fade-out while MAHAL fades-in singing Queen of the Night.)


-----


Sabi nila masakit pag iniwan ka ng mahal mo para sa iba. Sabi nila mas masakit kung mamamatay ang mahal mo. Sabi nila pinakamasakit pag iiwan ka sa ere. Sakin? Masakit pag walang lubricant. Joke! Sige seryoso na ... sakin, pinakamasakit kung alam mong hindi ka na mahal ng isang tao pero pinapaniwala mo ang sarili mo na mahal ka pa rin n'ya. Masakit pag i-expect mong yung tao na mahal mo ang makakasama mo habang buhay. Na kahit anong mangyari, at kahit gaanong katagal na panahon ang lumipas na magkalayo kayo eh mahihintay ka n'ya. Mas matatanggap ko ang mga salitang "I don't love you anymore" kesa sa "I Love You" na alam mong either a sweet nothing or a politically correct gesture to calm you down from your big dramatic scene. Masakit pag na realize mo na ang pinananaligan mong sinabi ni Marleu-Ponty na "Love conquers time and space" sa kanyang Phenomenology of Love e haggang 1-1/2 years lang pala sa layong 15,000 miles.


Hindi ko alam pero 25 years na akong bakla at parang lahat ng relasyon ko e illusyon lahat. Siguro nga GAY LIFE IS A TRADGEDY IN THE MAKING. On my end, masaya nga ang pamilya ko at social life ko pero wala naman akong lovelife. Siguro that's my tradgedy, I'm a hopeless romantic who's never destined to experience real romance. Siguro, that's my life and I'd have to learn to appreciate what I have and not fancy on a wishful thinking.


Maganda naman daw ako sabi ng nanay ko. Gwapo naman daw ako sabi ng tatay ko. Matalino naman daw ako sabi ng mga ate at ng kuya ko. Maayos naman daw ang pagpapalaki saken sabi ng mga kamag-anak ko. Mabait naman daw ako sabi ng mga kaibigan ko ... bakit kaya walang nagmamahal sakin na hindi ko kabarkada o kapamilya?


... Siguro I'll find TRUE love someday ...


... I just wish it would be in this lifetime ...


*sigh*


-----

... 'eto na ang kantang may kasalanan kung bakit ang pathetic ko ngayun ... april 28 ... *sigh* ulit ...





TITLE: If the Feeling is Gone
ARTIST: Kyla
ALBUM: Not Your Ordinary Girl


if the feeling is gone,
please don't pretend,
that you still love me.
i can see it in your eyes,
and it hurts to admit it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you know if the feelin' is gone.


there's a sadness in your smile,
though i try to conceal it,
i can tell if the feeling is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know - i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go, if the feelin' is gone.


all i ask is just a little honesty,
though i know that you're not coming back to me.
you know that i'll do anything to make you stay,
but i just have to let you go,
i just have to let you go,
i just have to let you go,
if the feelin' is gone.


... stay ...




Labels:

Saturday, April 15, 2006

Kabanata 10 - Ang Hungkag na Tagubilin ng Reyna



LAKBAY: Come in. The door's open.


Unti-unting bumukas ang pintuan tungo sa pampangasiwang silid ni LAKBAY. Ang unang tumambad mula sa nakaawang na lagusan ay si KAAGAPAY, kabuntot ang mga Maaalindog na Mandirigma ng Shanara.


Matapos paupuin ni KAAGAPAY ang lima ...


LAKBAY: Magandang hapon sa inyong lahat. Before anything else, congratulations for passing your personal ang group combat tests this morning. Very few people get a 100% from KAAGAPAY.


Nagtinginan sina LAKBAY at KAAGAPAY at nagpalitan ng mga makahulugang ngiti.


LAKBAY: You all know ...


KAYCEE: Yes mother! Nandito kami for our mission briefing!


LAKBAY: I wasn't finished speaking. The next time you cut me off, I'll personally see to it that all your appendages be cut-off and I'll leave you bleeding to death in the middle of Luneta. Is that clear?


Yumuko lamang si KAYCEE at may ibinulong na hindi gaanong naulinigan ng kanyang mga kaibigan.


[LAKBAY kay KAYCEE]: I would like to remind you that I can read your thoughts. The next time you think of me as a "BITCH", I'll have my agents throw your fat ass straight to your solar system's sun. Malinaw?


Tumango nalang si KAYCEE at tumingin sa malayo.


LAKBAY: As I was saying, you are all here for your mission briefing. Shall we start?



Lumapit sa kanila si KAAGAPAY at binigyan silang lahat ng tig-iisang kulay pink na "Compact" na karaniwang ginamagit na lalagyan ng foundation o dili kaya ay pressed powder.


KAYCEE: Wow! How sosi naman your give-away! Mother may ibang brand ba? 'Coz my skin is sensitive eh! This brand isn't hypo-allergenic tapos hindi pa s'ya non-collagenic. I'll get pimplets with this. Hindi ko pa s'ya ka-shade I swear!


Napabuntong-hininga nalamang si LAKBAY.


LAKBAY: Try opening them up.


KAYCEE: EEEWWWWW. So kadiri naman this applicator! Parang used na s'ya! WHAT'S THIS?! There's a keyboard under my applicator!


LAKBAY: Those compacts are nano-computers. One of its myriad use is to serve as your communcation device. KAAGAPAY shall give you the Operating Manual, Spare Parts List and Warranty Certificate later. Now press the green button.


Sabay-sabay tinipa ng mga MMS ang kulay berdeng tipahan sa palapindutan, maliban kay ART, na hindi alam kung alin sa mga tipahan ang kulay berde.


Kasalukuyang sinisipat ni KAYCEE kung mayroong dumi sa kanyang braces sa pamamagitan ng salamin sa luob ng compact nang bigla niya itong binitiwan. Nagulantang si KAYCEE nang naglaho ang kanyang ngipin sa salamin at napalitan ng larawan ng isang lunan.


ART: Ano nangyayari, ba't binitawan ni KAYCEE yung compact n'ya? Is there something I couldn't see with my X-ray vision?


LAKBAY: KIRK dear, I'll teach you something. Try letting ART see what you see by projecting your thoughts to him. You will be his eyes.


Habang nakatingin sa salamin ng kanyan compact ay pinaubayaan ni KIRK na maglakbay ang kanyang diwa tungo kay ART.


ART: I can see it now. Ang galing. But LAKBAY, I can't understand it. Ibig n'yo po bang sabihin ito ang mission namin?


LAKBAY: Yes.


KAYCEE: HUWAAAAATT?!


---


LAKBAY: May gusto ba kayong itanong sa'min ni KAAGAPAY bago matapos ang briefing natin?


ART: Bakit po parang cold sa'men yung ibang mga kasama namin dito sa school? Napapansin ko lang po na parang takot sila makipagkaibigan sa'min.


LAKBAY: I think JESSIE already knows the answer. Tell them ...


JESSIE: Ako po?


LAKBAY: Yes, you were thinking of the actual reason why the other trainees and teachers are quite aloof with your group. I've read what you were thinking.


JESSIE: Dahil po sa mga HIYAS namin?


MELCH: So naiinggit sila na dalawa ang binigay sa'ten? Mga bakla talaga kung hindi ilusyunada, inggetera!


JESSIE: Hindi yung number ang kinaiinggit nila. Binigay kasi sa'ten ang dalawa sa mga considered na extremely rare sets ng HIYAS.


MELCH: Huh? Hindi ko ma gets.


LAKBAY: MELCH, if you could still remember your class with ALL SEASONS, why were the Chupetans chasing the S/S Grand Mother Ship accross the multiverse?


MELCH: Kasi po gusto nila kunin from your grandmother the .... oh no! ... you've given us ...


LAKBAY: Yes, ang mga ELEMENTONG HIYAS. Our race has already sacrificed so much just to protect the gems you all have inside of you right now.


Lumapit si KAAGAPAY sa kanilang reyna at pinunasan ng tissue ang luhang tumulo mula sa namumugtong mata ng kanilang pinuno.


MELCH: Pero ang sabi po samin ni Ms. Vilma during our class, 7 daw yung ELEMTONG HIYAS NG SHANARA da vah?


LAKBAY: I guess it's time you all know why your friend AYIE was killed by the Chupetans. They found out he was the keeper of the most important gem in the ELEMENTAL set ... ang HIYAS NG PANAHON.


MELCH: Naguguluhan ako. Kasi da vah apat lang ang elements?


JESSIE: Apat ang elements according to "our" tradition ... earth, fire, air, water; sa chinese wood ang pang lima, sa western neo-occult ang plasma or electricity ang 5th element. Pero sa Shanara, they consider electricity as the 5th, TIME as the 6th, and SPIRIT the 7th. Kung nasa Chupetans na po ang HIYAS NG PANAHON, nakanino po ang HIYAS NG KALULUWA?


LAKBAY: Stop trying to scan my mind KAYCEE! Chismosa ka! Invade my thoughts again and I'll castrate you using a spoon.


KAYCEE: Oppsss. Sorry po. Excited lang kasi me malaman what you're going to make sabe.


LAKBAY: I'm afraid I can't tell you who the keeper of the SPIRIT GEM is. Ang importante, you now know that you have 5 of the gems that the Chupetans are after.


ART: Pero ba't po sa'min n'yo binagay yung mga ELEMENTONG HIYAS? Ba't hindi n'yo nalang po ipinatago sa mga may experience na? Like the QUANTUM GIRLZZ?


LAKBAY: JESSIE, tell your friends what the answer is ...


JESSIE: Ang hiyas ang pumipili kung sino ang pagsisilbihan n'ya, not the other way around. Pero hindi po ba malalagay sa panganib ang mga family namin?


LAKBAY: I'm sorry to say this ... but to some extent ... yes.


MELCH: Ano naman connect ng family naten dito?


JESSIE: Hindi n'yo ba naaalala yung isa sa mga sinabi satin na old-age tradition between the Shanarians and Chupetans regarding power gems during our history lessons?


LAKBAY: What your friend is referring to is the fact that since the ELEMENTAL GEMS are part of your beings right now, nobody can take them from you unless you freely give them or if you are formally challenged for it.


MELCH: E'di mega decline nalang kami or something sa extra challenge nila da vah? Since hindi naman nila kame pwede patayin dahil lalong hindi nila makukuha sa'men yung mga hiyas at never naman namin ibibigay sa kanila kahit na i-offer pa nila sa'men si Dennis Trillo as a sex slave noh.


JESSIE: You don't understand, pwede nilang gamiting ang pamilya natin to use as "bargaining chips" para mapapayag tayo for a challenge para makuha ang hiyas kung hindi man natin ibigay sa kanila to save our families.


LAKBAY: We already have a solution for that. Everybody in the complex will be administered with the GREEN DAYAN PILL during tonight's Rave Party.


[KIRK]: Sorry po for interrupting, pero diba po BLUE and PINK lang ang meron? Para sa'n po yung GREEN?


LAKBAY: It's used to modify a person's memory. We shall make everybody forget your true identities. We will be mixing the GREEN PILLS with the food so refrain from eating anything during the event. A certain music will be played during the party which will do the whole "cerebral pattern re-marking process". The GREEN PILLS contain a special chemical compound which makes a person's brain open for re-marking. The harmonic patterns from the specific track will ... let's say ... re-program their brains. When you hear MADONNA's song "LA ISLA BONITA", don't make any noise because it may interrupt the whole re-marking process. Am I making myself clear?


MELCH: So ayun po ang ginamit n'yo sa'men para makalimutan namin yung ...


LAKBAY: I think this ends our session. And JESSIE, as to the question you've been trying to ask me through telepathy, he just went on a vacation. Don't be too paranoid about it. He'll be back in a couple of weeks. You may all leave now.


---


Tahimik na naglakad patungo sa cafeteria ang mga MMS sapagkat abala silang lahat sa pagtitika ukol sa mga tagubiling ibinigay sa kanila ng kanilang reyna.


MIKAL: Hey guys! I've been waiting for you! So, did you ask LAKBAY if I can transfer to your group?


ART: I'm sorry. We totaly forgot about it. Let's just try to ask her later - during the party.


MIKAL: Bummer! Anyways, why do you guys look like you've been left out in an orgy?


MELCH: It's none of your concern. Where has your group been assigned?


MIKAL: LAKBAY told us we're going to be sent to Mars to guard something there. I dunno, I'm still going to try to beg her not to. My group sucks big time. And ... ummm ...


Napatahimik bigla si MIKAL na mukhang nagaatubiling sabihin ang kanyang nais.


MELCH: Are you going to say anything else? KAYCEE's going to faint from hunger here.


KAYCEE: I heard you! 'Nyeta ka!


MELCH: Oo nga pala! Nakakarinig ka na ng slight. Joke lang marse!


Tatawa pa lamang si MELCH nang biglang nagsalitang muli si MIKAL na mas malakas at mas matulin sa karaniwan niyang pamamaraan ng pakikipagtalakayan.


MIKAL: I was just wondering if all of you will go to the party later and if JESSIE could go with me ... ummmm .. as my date.


MELCH: Ay ay ay! Gawin talagang "prom" itu?! Nakakaloka 'tong dalawang 'to ha! HOY JESSIE DATE DAW KAYO!


Hindi sumagot si JESSIE at nanatili itong nakatanaw sa malayo.


KAYCEE: Earth to JESSIE are you there? I'm so kinikilig naman!


Simula nang lumabas sila sa pampangasiwaang silid ni LAKBAY ay napansin ng kanyang mga kasamahan na malalim ang iniisip ni JESSIE. Sa karaniwan ay hindi nila ginugulo ang pagninilay ng kanilang kaibigan ngunit ang kagustuhang nilang malaman kung papayag si JESSIE na lumabas kasama si MIKAL ay mas matimbang sa pagkakataong magalit ito sa kanila. Agad na naputol ang malayong tingin ng kanilang kaibigan.


JESSIE: Napatay yata natin s'ya.


MIKAL: Huh? What did JESSIE just say? Was that a yes?


[KIRK kay MIKAL]: He's talking about something else. Just shut-up if you wan't JESSIE to go with you later. I'll try to convince him to join us. I'm going to translate everything to you while everybody else is talking. They won't know I'm doing it anyways. Just don't be too obvious. OK? JESSIE might get mad at me.


MIKAL: Grazzie mille .


MELCH kay MIKAL: Who the hell are you talking to?


MIKAL kay MELCH: Nobody.


ART: JESSIE, ano yung sinasabi mong may pinatay tayo? Naprapraning ka nanaman.


JESSIE: Naaalala n'yo yung sinabi ni LAKBAY na paranoid ako?


MELCH: Lagi ka namang paranoid bakla! Kinakabog mo mga adik sa Blumentrit at Tondo. Ano ba kasi yung tinatanong mo sa kanya through telepathy na ayaw mo iparinig sa'men?


JESSIE: Hindi n'yo ba napansin na simula nung may sumabog, may isang tao na hindi natin nakita ulit? Ayun yung tinatanong ko sa kanya. Kung na'san na yung taong 'yun. Before nung sabog lagi s'yang present kahit sa'n tayo pumunta. Parang lagi s'yang nakabuntot satin. After that, nawala na s'ya na parang bula. Baka we did something bad to him tapos ayun ang binura nila sa memory natin.


MELCH: Huh? Sino?


JESSIE: ... si BANTAY ... nawawala si BANTAY!


KAYCEE: HUWAAAAATT?!


... itutuloy ...


-=-=-=-=-=-


SA SUSUNOD NA KABANATA: Sino kaya ang mananalong best in long gown sa party? Makiki-date kaya si JESSIE kay MIKAL? Ilan kaya ang pack ng pickeled pepper ang nakuha ni Peter Pipper? At how much wood could a wood-chuck really chop if a wood-chuck would actually chop wood? At finally, sino 'tong "she" who sells seashells by the seashore??? Kalokah no? Sorry kung ang gulo ko ... excited lang dahil nakabili na ako ng grass skirt! I'm going to HAWAII for a month! Wahooo! Joint nalang ng joint! Hanggang sa susunod na SHANARA-LA-RA! (clap-clap-clap) ALOHA!!!



Labels:

Tuesday, April 04, 2006

Segue 2 - Ang Bagong Awitin ng Dyosa


BABALA: Kung mahina ang iyong kakayahang pigilan ang sarili sa pag-indak sa mga nakaka-adik na tugtugin, huwag panuurin ang nakakabit na video!




KALOKAH! Ayun lang ang masasabi ko! Isa yata 'to sa pinka gay-na-gay na na-watch kong video lately. Eto ang mga napuna kong mga becky concepts sa video na 'to:



  • THE CONCEPT: Nadarama ng gaydar ko na folkloric ang director! Imagine, kunin ba naman ang concept ng Bang Bus at ng Bait Bus?!? More pick-up ng mga luluki si Madonna sa kalye dibinx?! (Sa mga hindi nakakaalam, ang concept ng mga nabanggit kong porn site is mag pick-up sa kalye ng mga "matitinong tao" tapos e-etchosin nila na bibigyan ng malaking anda para i-video sila na nakikipag-sex sa loob ng van! After nila ma-video na nakikipag sex, tatakasan nila yung pobreng tao. Taray no? Since porn site sila, hindi ko na nilagyan ng auto-link! I search n'yo nalang kung bet n'yo ... BANG BUS yung hetero/straight version, BAIT BUS naman yung gay na counterpart nung site. Super cutie sa BAIT BUS yung 1st saka 9th na victim YATA, nde ko na rin learn kasi tagal ko na s'ya hindi na visit dahil nagbabagong buhay na 'ko! Promise!)

  • THE CHOREO: Imagine Madonna dancing on roller skates! Promise pagbalik ko ng Pilipinas, aatak ako ng BED o kaya GOVERNMENT na naka roller blades with matching Madonna outfit! Slightly nakakainis lang kasi parehas na parehas yung choreography nung chorus dito saka dun sa last video n'ya. Ang dinagdag lang e yung move na pina-uso ni AIZA SEGUERRA nung hindi pa s'ya tiboli jackson sa SUPER INDAY AND THE GOLDEN BIBE (Sa mga choreographers ang tawag dito yata sa move ni AIZA na 'to e Side-way Snake Undulation. After ng 4 counts travel, pinasok yang AIZA move na 8 counts, then clap, tapos 6 counts na hand-roll then dalawang half-count na clap! Taray ko no? Na memorize ko talga ang choreography. Ganun ako ka adik sa video na 'to). Another kaloka choreo is yung LIZA MINELLI bukaka s'ya sa dance floor habang naka roller skates parin! Tumbling ako! Pati yung MYSTICA version n'ya ng tinikling halatang effort: split-to-another-split-to-another-split s'ya habang may luluki na tumatalon-talon over her!)

  • THE OUTFIT: I admit na lagi naman talga nakakaloka si Madonna t'wing may lalabas s'yang video. Although happiest sakin 'yung Japayuki days n'ya sa NOTHING REALLY MATTERS, keri na rin 'tong shining-shimmering-splendid version n'ya ng TANGGA ni CARMI MARTIN with rinestones and sequinces (hummmmm ... parang nakita ko na yata yung outfit n'ya na suot dati ni ALMA MORENO sa LOVELINESS ... pero deadma, kinopya man n'ya si ALMA MORENO sinasamba ko pa rin si Madonna!)



Anyway, enjoy nalang kayo! At bilang assignment ... I memorize n'yo ang buong kanta! Sa mga hindi pa nakaka relate, ang pinag-uusapan natin is Madonna the gay icon .. hindi si LOLA MADONNA sa na shigbak na show na TEYSI NG TAHANAN ... Eto na ang video ...




ARTIST: Madonna

TITLE: Sorry

ALBUM: Confessions on a Dance Floor

GAYNESS: Fatale!!!







Je suis désolée
Lo siento
Ik ben droevig
Sono spiacente
Perdóname


I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
[repeat]


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'Forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


You're not half the man you think you are
Save your words because you've gone too far
I've listened to your lies and all your stories (Listen to your stories)
You're not half the man you'd like to be


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'Forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


Don't explain yourself 'cause talk is cheap
There's more important things than hearing you speak
You stayed because I made it so convenient
Don't explain yourself, you'll never see


Gomen nasais [Japanese: "I am sorry"]
Mujhe maaf kardo [Hindi: "Please forgive me"]
Przepraszam [Polish: "Sorry"]
Sli'kha [Hebrew: "Forgive me"]
Forgive me...


(Sorry, sorry, sorry)
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
[repeat]


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
I've heard it all before
And I can take care of myself
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'forgive me'
I've seen it all before
And I can't take it anymore


I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say you're sorry
(Don't explain yourself cause talk is cheap)
I've heard it all before, And I can take care of myself
(There's more important things than hearing you speak)
I don't wanna hear, I don't wanna know
Please don't say 'forgive me'


I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before
I've heard it all before


Ano ang masasabi n'yo sa video?! Comment na!



Labels:

Kabanata 9-3/3 - Ang 'di Inaasahang Wakas (Huling Yugto)



Pinalibutan si INDAYOG ng kanyang mga kasamahan at naghawak-hawak sila ng mga kamay. Nagsimula silang umawit at sumayaw tulad ng mga batang lansangan ...


... bubuka ang bulaklak ...

... sasara ang bulaklak ...




ULINIG kay BIGKAS: Mother! Why are you making kembot???


... papasok ang reyna ...

... kekendeng-kendeng pa ...




[BIGKAS]: Gwagwa! Ikaw din kumekembot!


... bumtiyaya-bumtiyaya-bum-ye-ye ...




HAPLOS: Ba't ganito?! Lahat tayo kumekembot? Hindi ko s'ya mapigilan!


... bumtiyaya-bumtiyaya-bum-ye-ye ...




SAMYO: Tignan n'yo ang ginagawa ni BUTCHOI!


Tumingin ang mga Maaalindog na Mandirigma ng Shanara (MMS) kay INDAYOG maliban kay TANAW na walang kakayahang makakita.


Sa gitna ng bilog na ginawa nina TAGPI, GILAS, ORAKULO at KILABOT ay patuloy na sumasayaw si INDAYOG sa kanilang pag-awit. Sa bawat hampas ng kanyang baywang, na kaalinsabay ng ritmo ng palakpak at tinig ng mga QUANTUM GIRLZZ, ay hindi mapiliglan ng mga MMS ang makisabay dito.


SAMYO (habang pabilis ng pabilis ang kanyang pagkendeng): I think they've just made a big mistake doing this to us!


TANAW (habang kumekendeng din): Baket?! Ano nangyayari?! Hindi sila abot ng x-ray vision ko. Ba't napapakembot ako?!


SAMYO (na kumekendeng pa rin): Ang power yata ni BUTCHOI is to make others dance with him!


ULINIG (na kumekendeng din): Eh ano naman ang mistake dun?! I can't make galaw aside from making kembot! How are we going make this hinto?!


SAMYO (na patuloy sa pagkendeng): Hindi lang tayo ang napapakembot, tignan n'yo ang paligid!


Nang tinignan ng mga MMS ang paligid ay napuna nila na lahat ng tao sa loob ng bulwagang pampalakasan ay kasabay nila sa pagkendeng - maliban sa isa. Nanatiling nakalutang si LAKBAY sa likuran ng mesang laan sa mga guro ng dalubhasaan, katabi ang kanyang alalay na si KAAGAPAY na patuloy ang pagpaypay sa kanya ng abaniko habang kumekendeng tulad ng iba.


HAPLOS (na pinagpapawisan ng lubos dahil sa walang humpay na pagkendeng): Ano ba ang point mo?! Nahahaggard na ko sa kakakembot! Kung may plano ka, i-chika mo na samin para matigil na 'to!


[BIGKAS] (na kumekendeng din): Alam ko na ang ibig sabihin ni JESSIE!


---


PS1: Both the MMS and QUANTUM GIRLZZ are flying all over the place! The only thing that prevented them from shooting off the stage is the force field! Thank the Goddess INDAYOG has stopped dancing! My hips are killin' me!


PS2: I don't believe it! How could've the QUANTUM GIRLZZ made that mistake?!


PS1: Why? What happened?


PS2: They totaly forgot about INDAK's power!


---


Nalimutan ng mga QUANTUM GIRLZZ na ang kapangyarihan ngg isa sa mga gurong kanilang kasama sa loob ng entablado ay ang makagawa ng di-nakikitang pwersa sa tuwing ito ay kekendeng. Ang lakas ng pwersang ito ay kayang magpatumba ng isang puno ng Narra sa isang kisapmata. Gayun din ang lakas na tumama sa lahat ng mga nilalang sa loob ng entablado kung kaya't nagliparan silang lahat sa iba't ibang direksyon kasabay ng bawat pagkendeng ni INDAK.


Sinamantala ni SAMYO ang mag-bigay ng utos sa kanyang mga kasamahan sa gitna ng kaguluhang naganap, habang sa labas naman ng entablado ay patuloy ang palakpakan ng mga manunuod.


Nang nabuong muli ang dalawang pangkat na naglalaban ...


INDAYOG: Mukhang sineswerte kayo! Mahirap talagang patayin ang masasamang damo! Tignan natin kung makakaligtas pa kayo dito! QUANTUM GIRLZZ SAKSAK PU...


Hindi pa natatapos ni INDAYOG ang kanyang utos ay sumigaw si SAMYO.


SAMYO: NOW!


Dinakma ni SAMYO ang mga maigsing kapa na nakalaylay sa likuran nina TANAW at BIGKAS. Itinaas ni ULINIG ang isa niyang paa at hinawakan ito nina TANAW at BIGKAS.


HAPLOS: BATOBALANING BALAT!




KABOOOM!




Pinalibutan si HAPLOS ng dilaw na ilaw at nang humupa na ito ay nagpalakpakan ang mga manunuod nang nakita nilang yari na sa copper ang kanyang gayak at buong katawan.


Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi nakagalaw ang mga QUANTUM GIRLZZ dahil sa mangha at natili ring nakabuka ang bibig ni INDAYOG mula sa kanyang nabitin na utos. Hindi sila makapaniwala sa kanilang mga nasasaksihan na taktika ng kanilang mga katunggali.


SAMYO: LIPAD HANGIN!




SWOOOOSSHHHHH!




Agarang tinangay ng hangin si SAMYO habang dala sa magkabilang kamay sina TANAW at BIGKAS na nanatiling nakakapit sa paa ni ULINIG.


---


PS1: Look at that! ULINIG is hangging upside down and they left HAPLOS fighting by herself with the QUANTUM GIRLZZ! If they don't help her, she'll be dead in a couple of minutes! What the hell are they doing?!


PS2: Is that her underwear I'm seeing?


---


Nang nakabitin na siyang patiwarik, ang agad niyang naaninagan ay ang mga tao na nagtatawan at nagpapalakpakan habang nakatingin sa kanya. Naalala niyang bigla na siya ay nakasuot ng mini-skirt. Nang tinignan niya ang kanyang palda ay nakalabas ang kanyang kulay violet na panty sa kanyang pagkakalambitin ng patiwarik.


TANAW: Bilisan mo na KAYCEE! Hindi na tayo kaya buhatin ni JESSIE! Gawin mo na 'yung dapat mong gawin!


Nagsisimula ng mangalay si SAMYO sa kanyang tangan na pasanin habang si HAPLOS naman ay pinagututulungang gulpihin ng mga QUANTUM GIRLZZ.


ULINIG: I can't do this mother! Mag he-hello ang shonti ko 'pag tinuloy ko yung plan! Kainis kayo! Hindi kasi kayo ang mapapahiya eh!


[BIGKAS kay ULINIG]: Bakla! Nakalimutan kong i-chika sa'yo! Sabi kanina ni CHUN LI mas maganda daw s'ya sa'yo saka jologs ka daw!


ULINIG: That bitch said that tungkol sa'ken?


TANAW: Tumigil na kayo sa chismisan pwede?!


[BIGKAS]: True no! As in super jologs ka daw! As in na-invent daw ang term na jologs para sa'yo! Harsh no? As in!


ULINIG: Jologs pala ha!


Hinawakan ni ULINIG ang sahig na hindi nalalayo sa kanyang ulunan at hinayaan na niyang lumaylay muli ang kanyang maigsing palda. Nagpalakpakan ang mga tao sa labas ng entablado nang lumabas muli ang kanyang kulay violet na panty. Umalingawngaw din ang boses ni KANTA na umaawit ng "Sweet Violet".


ULINIG: HAPLOS NG AGITAB!




KAZZZAAAKKK!




Dumaloy ang agitab mula sa kanyang kahihiyan sa paglabas ng kanyang panty at sa hindi masukat na panibugho kay KILABOT. Ang kuryente ay kumalat sa buong entabladong yari sa bakal tungo sa mga taong nakatayo rito. Lahat ng nakatapak sa papag ay nagsimulang kumislot ang mga katawan maliban kay HAPLOS na patuloy sa pagsuntok sa mga nangingisay na QUANTUM GIRLZZ!


---


PS1: All the teachers are down!


PS2: And HAPLOS is beating the shit out of all the QUANTUM GIRLZZ.


PS1: Why isn't she affected by the electric current on the stage?


PS2: She's made of copper! Stupid!


PS1: You're stupider!


PS2: That's more stupid! You stupid biatch!


---


Nagsimulang magkalmutan sina PS1 at PS2. Naputol nalamang ito nang mayroong sumigaw ...


SAMYO: KAYCEE! MELCH! THAT'S ENOUGH!


Dahan-dahang bumaba sina SAMYO, BIGKAS, TANAW at ULINIG mula sa kanilang pagkakalutang sa hangin. Nang nakatapak na sila sa papag ay kagyat na tumungo sa kanilang tabi si HAPLOS.


Matapos ang ilang minuto ng pagkaway nina ULINIG at BIGKAS sa kanilang mga kamag-aral habang naghihintay na magising muli ang kanilang mga guro at katunggali. Nagpadala si SAMYO ng salitang-isip kay ULINIG nang napansin niyang nagising na ang mga QUANTUM GIRLZZ.


[SAMYO kay ULINIG]: Can you read their thoughts?


ULINIG: Ang naririnig ko lang is BUTCHOI kasi s'ya lang ang near sa'kin.


[SAMYO kay ULINIG]: Ano ang iniisip n'ya? Susuko na ba sila?


ULINIG: I don't know eh. Puro kasi
"pakshit" saka "shutang ina nyez" ang naririnig kong iniisip n'ya. Sorry gurl. Basta all I know is he's warla sa'yo! It's not obvious ba how he makes tingin at you?


SAMYO: QUANTUM GIRLZZ! Do you accept your defeat now? We don't want to hurt you any further. Maawa na kayo, please surrender now.


Ang huling inaasahan ng mga MMS ang nakita nilang ginawa ni INDAYOG ... ngumiti ito sa kanila.


ULINIG: HHEEEEELLLPPPPPPP!!!! Get us out of here! They're going to kill us!!!


---


PS1 habang pinupunasan ang duguan niyan mukha: Oh my pink stars and lace garters!


PS2 na hindi napapansin ang mga nagaganap sa entablado sapagkat abala siya sa paglinis ng kanyang mga kuko na may mga nalalabing balat mula sa mukha ni PS1: Why is ULINIG screaming like a boy being circumcised with a bread knife??


PS1: The QUANTUM GIRLZZ are going to use their weapons! All the referees are still out! Nobody would be able to stop them!


PS2: They are getting ready for a kill!


Nagpalakpakan ang mga manunuod at nagsitayuan sa kanilang kinauupuan at itinapon ni PS2 ang kanyang hawak na panliha ng kuko.


---


Napuno ng ibayong galak ang mga mag-aaral sapagkat napagtanto nilang malaki ang pagkakataong mayroong mamamatay sa labanang ito.


Nagtakbuhan ang ibang mga guro na nanunuod ng laban tungo sa entablado ngunit hindi sila makapasok sapagkat ang boses lamang ni INDAK ang may kakayahang magpahupa ng force-field.


Sabay-sabay napasigaw ng tunog na pagkadismaya ang mga mag-aaral nang biglaang tumugtog ang chorus ng "I Like You" ni Genevea Cruz at may mga lumabas na makukulay na paru-paro sa gitna ng entablado. Alam nilang lahat na ang inaasahan nilang kamatayan ay hindi magaganap sapagkat nanghimasok na ang kanilang reyna.


Kumalat ang mga paru-paro at lumitaw ang kanilang pinuno.


LAKBAY: SHEATHE YOUR WEAPONS NOW!


Tumango lamang ang mga QUANTUM GIRLZZ.


LAKBAY: I SAID SHEATHE THEM ... NOW!


Dumagundong ang boses ng kanilang reyna sa loob ng silid. Natahimik ang lahat sapagkat ito ang unang pagkakakataong nasilayan nila ang galit ng kanilang pinuno.


Itinago ng mga QUANTUM GIRLZZ ang kanilang mga sandata.


Dahandahang pumikit si LAKBAY at naglabasan ang mga kumukutitap na mga paru-paro at pinalibutan ang mga nakahandusay na katawan ng mga guro sa entablado. Isa-isang nagising sina INDAK, SOP, VIP at X-BOMB.


INDAK: I'm sorry MAMA, I should have ...


LAKBAY: You don't need to appologize. I shall announce the winner for this match.


---


"BOOOOOOOOO!"


Ang tunog na ito ang pumuno sa buong bulwagan mula sa mga sigaw ng mga tiga-BLOCK ALPHA na nanunuod ng tunggalian ng mga MMS at QUANTUM GIRLZZ. Hinid sila umayon sa napusuang magwagi ng kanilang reyna.


LAKBAY: I shall repeat, my decision is final! Due to technicalities, the other team has been barred from their chance of winning. 1st, the team did not use any of the 3 Advanced Combat Choreographies which were taught to all of you before the match-ups began. This faux combat was done to test whether you have learned the choreographies! These combats weren't organized just to pile up the queue of injured people waiting in the clinic, which by the way, won't be open in the next 6 hours! 2nd, the team used their real names while conversing to each other during the simulated combat. You have all been given codenames whenever you are in your Shanara forms! You all know why you are expected to use codenames and I don't have to enumerate those reasons again! And third, the said team immobilized their referees during combat!


Habang nagsasalita ang kanilang reyna ay isa-isang tumigil sa paggawa ng ingay ang mga mag-aaral, haggang ang boses nalamang ni KANTA ang naririnig na umaawit ng "Ako Ang Nagwagi" ni Dulce.


LAKBAY: Again ... the winners for this match ... THE QUANTUM GIRLZZ!!!


Kasabay ng matamlay na palakpakan at pagtugtog ng chorus ng "Boriquito" ay bumukas ang pintuan ng bulwagang pampalakasan at nagtatatalon sa galak si KILABOT. Pumasok ang mahigit sa 15 ka-tao, tangan ang mga basket na puno ng mga prutas, gulay at samu't-saring kagamitang pambahay.


LAKBAY: Presenting the prize for this match! The Shanara Kabuhayan Showcase!


Tila nalimutan ng mga manunuod ang kanilang pagkadismaya sa kilabasan ng hatol sa labanan. Masigabong palakpakan at hiyawan ang ibinigay ng mga ito habang ibinibigay ang mga premyo sa QUANTUM GIRLZZ.


Sa gitna ng ingay at pagkislap ng mga ilaw mula sa mga kumukuha ng larawan ng mga nagwagi ay tahimik na lumabas ng bulwagan ang limang maaalindog na mandirigma ng Shanara.


... walang nakapuna ...


... maliban sa dalawang nilalang na patuloy ang pagmatyag sa kanilang bawat galaw.


... itutuloy ...


-=-=-=-=-=-


SA SUSUNOD NA KABANATA: Ang Mission Briefing ng ating mga la-bida-lokah! Ano kaya ang naghihintay sa kanila sa labas ng STI (Shanara Technological Institute)??? Sino naman itong dalawang nagmamatyag sa kanila? Bakit si Keanna ang nanalo sa PBBCE? Bakit kaya andaming nagrerebulusyon sa pagkadisqualify ng isa sa mga grand contenders ng Pinoy Pop Superstar ni Ate Chona Velasquez? Bakit? Bakit? Pakshit! Saan ka pa?! Shanara ka na! (clap-clap-clap)


Labels:


mga bagong chismis